Bigating Reunion-Hindi Pala Bigating Artista!

Huwebes, Setyembre 15, 2022

/ by Lovely


Inaabangan ng maraming netizens ang opisyal na pagbubukas ng bagong tv network na ALLTV AMBS2. Ang AMBS ay nakakuha ng dating pagmamay-aring frequency ng ABS-CBN na channel 2. Marami ang nag-aabang sa pagbubukas nito dahil sa napapabalita noong mga bigating artista ang mga bumubuo sa nasabing network.

Subalit sa opisyal na pagbubukas nito ay tila na dismaya ang ilang mga netizens dahil hindi naman pala mga bigating artista ang bumubuo sa nasabing network.

Inakala kasi ng marami na mga bigating artista ang ipakilala nina Willie Revillame at Toni Gonzaga sa nasabing opening. Ayon sa ilang netizens, akala nila mga bigatin at sikat na artista e bakit papalaos na umano ang mga lumabas? Hindi na umano ito nakakagulat pa.

Komento pa ng ilang mga netizens, hindi naman pala ito reunion ng mga bigating artista kundi reunion lamang mga Pinoy Big Brother hosts na sina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Willie Revillame.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo