Mga Luxery Car Nila Heart Evangelista at Chiz Escudero Ipinagbili Na!

Huwebes, Setyembre 15, 2022

/ by Lovely


Hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng mga neltizens ang magiging pahayag ng mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero hinggil sa isyung hiwalayan nila.

Kung ano-ano na lamang ang mga naging speculations ng mga netizens sa naging dahilan ng kanilang break up. Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon umano ng third party at may nabuntis umano si Chiz. Samantala, ayon sa isang source totoo umanong naghiwalay na ang dalawa at naghihintay na lamang ng tamang pagkakataon para aminin sa publiko.

Usap-usapan din ngayon sa social media ang naging chikahan sa public service program ng AM station na DZRH tungkol kay Heart at isang Itallian. Ito umano ang dahilan ng pagkakalaboan ng dalawa. May mga kumakalat rin haka-haka ngayon na ibinibinta na ni Sen. Chiz ang kanilang bahay at lupa at maging ang ilang ari-arian nila bilang mag-asawa.



Marami naman ang hindi naniniwalang may bagong karelasyon si Heart na naging dahilan ng hiwalayan nila ni Chiz. Makikita kasi na tila mas apektado si Heart sa pinagdadaanan nila ngayon ng asawa. Matatandaang inamin din ni Heart noon na may pinagdadaanan siyang personal.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo