Ogie Diaz Nag Reak Sa Performance Ng Kumare Na Si Toni Gonzaga Sa All Tv!

Biyernes, Setyembre 16, 2022

/ by Lovely


Hindi napigilan ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz na magbigay ng komento hinggil sa naging performance ng kumare niyang si Toni Gonzaga sa launching ng Channel 2 AMBS ALL TV.

Ayon kay Ogie, nabo-bother siya sa performance ni Toni G. sa launching.Sana umano ay nag-invest ang AMBS sa sound system upang hindi ganoon ang kinalabasan ng performance ng kanyang kumare.

Nireshare naman ni Ogie ang video ng performance ni Toni sa launching ng nasabing network noong September 13. Kalakip nito ay ang kanyang opinyon hinggil sa boses ni Toni na hindi nagblend sa sound system. 

Ayon kay Ogie Diaz, "Nangiti lang ako nu'ng una, eh. Hanggang sa mapabungisngis na ako kalaunan habang pinanonood ang prod ng aking kumareng Toni. Ganitong-ganito 'yung mga napapanood ko sa GMA Supershow ni Kuya Germs nu'ng araw.

Pero sana, mag-invest nang bongga sa sound system o sa recording. Baka kahit si Toni kung panonoorin uli ito, hindi niya ipagmamalaki yung performance niya, eh. Lalo na yung audio niya.
Di bale, nag-uumpisa pa lang naman. Pasasaan ba't maaayos din ito. Na-bother lang talaga ako nang slight. Kasi, sa mga singers, big deal talaga sa kanila ang audio at sound system, eh. Baka gusto lang talagang mag-perform ni Toni at magbigay-saya."


Sumang-ayon naman ang ilang mga netizens sa opinyon ni Ogie Diaz dahil napansin din umano nila na may mali talaga sa audio system habang nagpo-production si Toni. Tila wala umanong echo ang pagkanta ni Toni at hindi magandang pakinggan.

Komento pa ng ilang mga netizens na ang tunog ay tila bumalik sa 80's.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo