Kawawa Julia Barretto Hindi Pinapansin Ng Nanay Ni Gerald Anderson!

Huwebes, Setyembre 15, 2022

/ by Lovely

September 14, ng gabi ay ipinagdiwang ng ina ni Gerald Anderson na si Evangeline Opsima ang kanyang kaarawan.

Nagsalo ang pamilya ng isang intimate dinner bilang celebration ng nasabing okasyon. Isinama naman ni Gerald ang kanyang nobyang si Julia Barretto sa nasabing dinner. Kinagiliwan naman ng mga netizens ang ilang larawan at video na kuha sa kanilang dinner dahil makikitang magkatabing nakaupo ang ina ni Gerald at si Julia.

Sa isang video ay makikita pang hinahawi ni Julia ang buhok ng mama ni Gerald habang kinakantahan ito ng Birthday song, bilang paglalambing rito. Ngunit napansin ng ilang mga netizens na tila asiwa at pilit ang ngiting ibinigay ni Mommy Vangie kay Julia. Ni hindi nga umano nito tinitingnan ang aktres.

Matatandaang, napabalita noon na hindi gusto ng ina ni Gerald si Julia para sa anak dahil napakabata pa umano nito. May mga kumakalat ding video at mga larawan noon na nagpapakitang tila malayo talaga ang loob ni Mommy Vangie kay Julia.

Samantala, depensa ng kanilang mga fans na ganoon lamang talaga kung ngumiti si Mrs. Anderson.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo