Kim Chiu Ibinunyag Ang Dahilan Kung Bakit Nananatiling Matibay Ang Relasyon Kay Xian!

Huwebes, Setyembre 15, 2022

/ by Lovely


Ibinunyag nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang sekreto sa pagtatagal ng kanilang relasyon sa nakaraang presscon nila para sa kanilang comeback movie na pinamagatang Always.

Muling pinakilig ng real life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang mga tagahanga sa nakaraang presscon nila. Game na sinagot ng dalawa ang ilang mga katanungan tungkol sa kanilang relasyon. Isiniwalat din ni Kim ang ilang mga bagay na nagustuhan niya sa aktor.

Mapapanood ang kanilang comeback movie sa darating na September 28 sa mga sinehan ng bansa. Ayon kay Kim ang nagustuhan niya kay Xian ay ang pagiging matino nito at pagiging loyal sa kanilang relasyon.

Ayon pa kay Kim, sa isang relasyon "Loyalty is the best policy."

Ang pagiging consistent din nila at open communication ay nakakatulong din sa kanilang matagal nang relasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo