Nakakagulat! John Lloyd Cruz May Isiniwalat Tungkol Kay Derek Ramsay!

Huwebes, Setyembre 15, 2022

/ by Lovely


Matatandaang nagtrending kamakailan ang pag-amin ni Ellen Adarna na nagbabalak na silang magkaroon ng anak ng kanyang asawang si Derek Ramsay.

Sa pagsisiwalat na ito ni Ellen, hindi naiwasan ng ilan ang mapag-usapan ang kanyang unang anak sa aktor na si John Lloyd. Makikita naman ang pagiging hands on ni Ellen sa kanilang anak.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na minsan lamang nakakasama ni John Lloyd ang kanyang anak na si Elias. Dahil mas nakakasama nito si Ellen at asawa nitong si Derek Ramsay na tumatayong pangalawang tatay ng bata.

Samantala, ginulat ni John Lloyd ang mga netizens sa isang panayam sa kanya. May isiniwalat kasi ito tungkol kay Derek at kung paano nito itrato ang kanyang anak na si Elias. Hindi kasi inakala ng lahat na magiging maayos ang set-up nila ni Derek bilang co-parent kay Elias.

Ayon kay John Lloyd, malaki ang pasasalamat niya kay Derek dahil napalaki nito ng may maayos na pag-uugali si Elias. Naiintindihan din umano siya Derek bilang ama ni Elias. Ang ganda umano ng pagpapalaki nito sa kanyang anak kaya labis ang kanyang pasasalamat rito.

Na-aapreciate din umano niya ang pagtanggap ni Derek sa kanyang anak at sa pagturing nito na parang totoong anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo