Dumipensa Si Herlene Budol Tungkol Sa Issue Na Lumaki Na Umano Ang Kanyang Ulo!

Huwebes, Setyembre 15, 2022

/ by Lovely


Kasalukuyang ini-issue ang First Runner up ng Bb. Pilipinas 2022 na si Herlene Nicole Budol. Walang utang ng loob, lumalaki na ang ulo at nagpapataas na umano ito ng presyo.

Ilang beses na rin siyang laman ng mga pa-blind items dahil mahirap na umano siyang kunin bilang guest ng ilang mga shows.

Matatandaang nagbigay na noon ng pahayang ang manager nito na si Wilbert Tolentino at inadress ang isyung ito. Maging ang mga naging pahayag ng sikat na showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kanyang show na nagpapataas na presyo si Herlene at walang utang ng loob kay Kuya Will ay mariing pinabulaanan ni Wilbert Tolentino.



Tila hindi na naman nakatiis ngayon si Herlene at nagbigay na ng pahayag hinggil sa mga isyung kanyang kinakasangkutan. May mga nagbigay kasi ng mga paratang na nagbago na umano ang kanyang ugali at lumaki na ang kanyang ulo dahil sa natamo niyang kasikatan matapos manalong First Runner up ng Bb. Pilipinas 2022.

Ayon kay Herlene, hindi na nanggagaling lamang sa kanya ang mga desisyon ngayon dahil may mga tao nang nag-aalaga sa kanya at dapat din niyang isaalang-alang ang mga sinasabi ng mga ito sa kanya. Mariin naman niyang itinanggi ang isyung namimili na umano siya ng trabaho.

Naiintindihan naman ito ng mga tagahanga ni Herlene Budol at dinipensahan siya laban sa mga isyung ito. Ayon sa komento ng ilan naiingit lamang ang ilang mga Marites sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Herlene.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo