Binabatikos Ngayon Si Wilbert Tolentino Dahil Sa Pagpopost Ng Larawan Kasama Si Aira Mae Lipata!

Walang komento

Lunes, Setyembre 5, 2022

Hindi nagustuhan ng mga fans at solid supporters ni Zeinab Harake ang kumakalat na larawang ibinahagi ni Wilbert Tolentino sa kanyang social media accounts.

Sa nasabing larawan, kasama ni Wilbert Tolentino si Aira Mae Lipata. Matatandaang marami ang hindi nagustuhan ang personalidad ni Aira Mae dahil sa pagkakalink niya sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Bagama't usap-usapan ngayon na naghiwalay na rin sina Skusta Clee at Aira Mae hindi pa rin nawawala ang gigil sa kanya ng mga fans ni Zeinab dahil sa pagsira umano nito sa relasyon nina Skusta at Zeinab.

Hindi naman nagustuhan ngayon ng mga netizens ang ibinahaging larawan ni Wilbert Tolentino kung saan kasama niya si Aira Mae. Matatandaang malapit sa isa't-isa sina Zeinab at Wilbert at kadalasang gumagawa ng collaboration sa kanilang vlogs. Isa rin si Wilbert Tolentino sa mga ninong ni Baby Bia.

Kaya naman dismayado ang maraming fans ni Zeinab kay Wilbert Tolentino matapos nitong ibahagi ang larawan kasama si Aira Mae Lipata. Sa inis ng ilang mga fans, inunfollow at inunsubscribe sa ito sa kanyang social media accounts.

Komento ng ilan, ito pala ang dahilan kung bakit naka-unfollow na sa isa't-isa sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake. May nagsasabi pang walang utang na loob si Wilbert dahil matapos siyang tulungang sumikat ni Zeinab ay kinaibigan pa nito ang babaeng sumira sa pamilya niya.

 

Kapamilya Star-Inaming Single Mom Na?

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang sikat na Kapamilya actress, dahil matapos ang ilang buwang pananahimik hinggil sa isyu ng hiwalayan nila ng kanyang partner, nagbigay na siya ng pahayag.

Sa isang panayam, inamin na sa wakas ni Janella Salvador na isa na siyang single mom ngayon. Ngunit, alam naman umano niyang makakaya niyang malagpasan ang kinakaharap niyang pagsubok sa buhay ngayon.

Ayon kay Janella, "At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin."

Dagdag pa niya, "I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba."

Matatandaang ilang buwan na ang lumipas mula nang mapabalitang naghiwalay na sina Janella Salvador at ang kanyang partner na si Markus Paterson.

 

Kapamilya Fans-May Hiling Sa It's Showtime at ABS-CBN?

1 komento

Noong July 16, 2022 ang unang araw nang mapanood ang It's Showtime sa TV5, na ikinatuwa naman ng mga Kapamilya fans.

Ayon sa kanila mas marami na ang mabibigyan ng saya at makakapanood ng nasabing show sa free TV. Matatandaang umiire rin ang Showtime sa A2Z ngunit mas malawak ang naaabot na signal ng TV5 kumpara rito.

Subalit, mula nang umire ang It's Showtime sa TV5 ay nabawasan ang oras nito sa pag-ire kaya naman napansin ng mga manonod na tila nagmamadali ang mga host para pagkasyahin ang kanilang show sa nakalaang oras. Tila minamadali na umano ang segment ng Tawag ng Tanghalan.

Hiling naman ngayon ng mga manonood sa ABS-CBN na gawin na lamang isang show ang Tawag ng Tanghalan. Ihiwalay na lamang ito sa It's Showtime dahil minamadali naman lang ang air time ng Tawag ng Tanghalan segment.

 

Nakakakilig! Zanjoe Marudo at Ria Atayde Masayang Inamin Ang Kanilang Engagement!

Walang komento

Masayang ibinalita ng Kapamilya Stars na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang kanilang engagement.

Ayon pa sa kumakalat na balita, tila mauuna pa si Ria na magpakasal kina Maine Mendoza at sa kapatid nitong si Arjo Atayde. Pribado umano ang ginawang proposal ni Zanjoe Marudo. Ang pagpunta pala ng dalawa sa Amerika ay parte sa proposal ni Arjo.

Kilig na kilig naman ang tagahanga ng dalawa dahil sa balitang mauuna pa silang magpakasal kina Arjo at Maine. Matatandaang usap-usapan ngayon ang balitang buntis na umano si Ria Atayde at ang itinuturong ama ay si Zanjoe Marudo.



Hinuha ng mga netizens na ang pagbubuntis ni Ria ang dahilan kung bakit minadali ni Zanjoe ang pagpopropose. Sa isang online show kung saan ininterview ang dalawa, ibinahagi nila ang naganap sa nasabing proposal.

Ayon sa kanila, ang kumakalat na larawan kung saan makikita silang kumakain sa isang resto sa New York kasama ang pamilya ni Zanjoe ay ang araw na naganap ang proposal ni Zanjoe kay Ria. Simple man ang naganap na proposal sa New York ay puno'm puno naman sila ng kasiyahan at pagmamahalan.

Ayon kay Ria, hindi niya inexpect na gagawin ni Zanjoe ang pag-propose sa kanya. Ngunit sa kabila ng lahat, buong puso niyang tinanggap ang singsing mula kay Zanjoe.

Yari! Arjoe Atayde Nagreact Sa Pagbubuntis Ng Kapatid Niyang Si Ria Atayde Kay Zanjoe Marudo!

Walang komento


Kinumpirma na ang relasyon ng kapwa Kapamilya stars na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Matatandaang ipinagdiriwang ni Zanjoe Marudo ang kanyang ika-40 na kaarawan noong July 23, 2022. Ginanap ang kanilang selebrasyon sa Bataan kung saan lumaki ang aktor. Present sa nasabing okasyon ang ilang kaibigang celebrities ni Zanjoe Marudo, kabilang na rito ang kanyang girlfriend na si Ria Atayde.

Kapansin-pansin sa mga kumakalat na larawan ang pagiging malapit at sweet nila sa isa't-isa. Dito nagsimula ang mga usap-usapang may namamagitan at nagkakamabutihan na ang dalawa.



Samantala, sa pagpunta nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa ibang bansa, agad namang kumalat ang balitang buntis si Ria sa anak nila ni Zanjoe Marudo. Ayon sa isang reliable source, inamin na umano ito ng dalawa. Masaya rin umano silang dalawa na agad na nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Kasalukuyang naglilihi umano ngayon si Ria kaya naman laging nakaalalay sa kanya ang kanyang boyfriend. Samantala, nagbigay naman ng reaction ang kapatid ni Ria Atayde na si Arjo Atayde sa isang panayam, kung ano ang kanyang reaction hinggil sa pagbubuntis ni Ria.

Hindi naman umano siya nakikialam sa desisyong ito ni Ria dahil nasa tamang edad na umano ito. Masaya naman umano siya para rito dahil sa wakas ay nakatagpo na ito ng lalaking magmamahal sa kanya. Masaya din umano siya sa pagbubuntis ni Ria dahil magkakaroon na siya ng pamangkin.

Nagsalita Na! Heart Evangelista Inamin Na Ang Kanyang Pinagdadaanan!

14 (na) komento

Usap-usapan parin hanggang ngayon ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista. Bukod sa tagumpay ni Heart sa fashion industry, at sa kanyang galing sa pag-arte, inaabangang ngayon ng lahat ang balita tungkol sa kanyang buhay may asawa.

Matatandaang, naging usap-usapan online ang isyu ng pagkakalabuan nila ng asawang si Chiz Escudero. Tila may pinagdadaanan umano ang mag-asawa dahil sa biglaang pagtanggal ni Heart sa surname ng kanyang husband sa kanyang Instagram account.

May napansin din ang ilang netizens sa mga ibinahaging post ng aktres sa kanyang social media accounts. Tila may mga hugot umano ito. Makikita din umano sa mata ni Heart ang lungkot sa kabila ng mga pag-ngiti nito sa kamera.



Tila sinagot naman ni Heart ang mga speculations na ito ng mga netizens sa kanyang latest vlog na ibinahagi niya sa kanyang official channel. Ayon kay Heart, may kinakaharap umano siya ngayong personal struggles. Napi-pressure na rin umano siya nito. Sa kabila naman nito, ginagawa naman ni Heart ang lahat upang maging masaya sa kabila ng lahat.

Sa kabila naman ng kanyang mga pinagdadaanan ngayon, nananatiling grateful si Heart sa mga blessings na dumarating sa kanya. Sa kanyang vlog makikita ang pagiging emotional ni Heart at tila madadama na talagang mahirap ang kanyang dinadala ngayon.

Samantala, hindi naman nito nabanggit kung ang pinagdadaanan ba niya ay tungkol sa kanilang relasyon ni Sen. Chiz Escudero.

Tapos Na Ang Laban! Ina Ni Deanna Wong Aprubado Ang Relasyon Ng Anak Kay Ivy Lacsina!

Walang komento


Aprubado nang ina ni Deanna Wong ang bagong karelasyon nito na si Ivy Lacsina.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na bulgaran na ang relasyon nina Deanna Wong at Ivy Lacsina. Ipinakilala na rin ni Deanna Wong si Ivy sa kanyang mga magulang at buong pamilya. Wala namang problema sa pamilya ng volleyball player kung sino man ang ibigin nito dahil supportive sa isa't-isa.

Trending ngayon ang video, kung saan tinawag ng ina ni Deanna Wong si Ivy Lacsina sa stage. Makikita naman ang saya sa mukha ni Deanna Wong dahil alam niyang tanggap ng kanilang pamilya ang kanya jowa na si Ivy Lacsina.

Labis na nagpapasalamat ang ina ni Deanna Wong kay Ivy Lacsina dahil sa pagsuporta nito sa kanyang anak. Nagpapasalamat din ito sa pananatili ni Ivy sa piling ni Deanna noong panahong nangangailangan ito. Puring-puri ng ina ang kabaitan ni Ivy.

"Thank you for coming to Deanna's life when she was down," sabi ng ina ni Deanna Wong.

Sa pagkalat ng nasabing video, umani ito ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. Kinikilig ang mga tagahanga ng dalawa at masaya dahil legal at tanggap ng pamilya ni Deanna ang kanilang relasyon.



Ang Tunay Na Ugat Dahilan Ng G*lit Ni Lolit Solis Kay Bea Alonzo!

Walang komento


Nagtataka pa rin hanggang ngayon ang maraming netizens kung bakit hindi pa rin tumitigil si Manay Lolit Solis sa pambabanat at panlalait kay Bea Alonzo.

Sa kabila ng pagkakasakit ni Manay Lolit ay hindi pa rin ito natigil sa panlalait kay Bea Alonzo. Kahit pa nasa dialysis si Manay, panay pa rin ito sa pambabanat kay Bea Alonzo. Lagi nitong ipinapahayag na matanda na umano si Bea at Manang na. Ayon pa kay Manay nagmumukhang Tita na si Bea Alonzo sa kanyang kaloveteam ngayon na si Alden Richards.

Hindi lamang isang beses itong ginawa ni Manay Lolit kay Bea, kundi tila sa bawat sandaling naaalala niya ito. Sa kabila naman ng lahat ng pan-iinsulto ni Lolit Solis, nananatili pa ring tahimik at tila hindi naapektuhan si Bea.

Matatandaang nagsimula ang lahat, nang ipatanggal umano ni Bea Alozo sina Manay Lolit at mga kasamahan nito sa mga invited guest para sa launching ni Bea Alonzo. Ngunit, noon pa man ay hindi na talaga magaganda ang isinusulat ni Manay Lolit tungkol kay Bea. Kaya naman tila naisip ng manager ng aktres na hindi hayaang magkita ang dalawa sa launching.

Labis namang nasaktan ang pride ni Manay Lolit sa ginawang iyon ng team ni Bea. Kaya agad itong bumanat sa social media. Mula noon hindi na ito natigil sa panlalait at pan-iinsulto sa aktres. Sa kabila ng kasalukuyang kalagayan nito ngayon.



Viral!! Cong Sandro Marcos May Kasamang Magandang Dalaga Mukhang Siya Ang Tunay Na Gf Hindi Si Alexa!

Walang komento

Sabado, Setyembre 3, 2022

Matatandaang naging usap-usapan noon ang pagkakalink ni Alexa Miro kay Cong. Sandro Marcos, isa sa mga anak ni Pres. Bongbong Marcos.

Lalong uminit ang isyu nang kumalat ang balitang umamin umano ang kampo ni Alexa na may namamagitan sa dalawa. Nadagdagan pa ito nang tila aminin din ng Kongresista na taga-Cavite ang kanyang girlfriend.

Ngunit, lumalabas ngayon na tila hindi si Alexa Miro ang tinukoy ni Sandro Marcos at Lani na girlfriend nito sa Cavite. Kumakalat ngayon sa mga social media platform na may kinukulit si Cong. Marcos at makikita pa ang ngiti at paghagikhik nito.

Agad namang pinangalanan ang babae at ayon sa mga netizens, isa rin itong Congresswoman. Ito ay walang ibs kundi si Rep. Aniela Tolentino. Si Rep. Aniela ay nagmumula sa Cavite.

Hinuha naman ng ilang mga tagahanga ng Congressman na ito ang tinutukoy nitong girlfriend sa Cavite at hindi si Alexa Miro.

 

Liza Soberano at Enrique Gil "LizQuen" Tuluyan Ng Nag Wakas !

Walang komento

Wala sa tamang timing. Ito ang paliwanag ng ABS-CBN Film Production Inc. kung bakit hindi na muling masisilayan pa ang sikat na loveteam ng Kapamilya network na sina Liza Soberano at Enrique Gil na mas kilala bilang LizQuen.

Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nalungkot dahil sa pag-alis ni Liza sa ABS-CBN na naging dahilan ng pagkabiyak ng tambalang LizQuen. Matatandaang sinabi ni Enrique sa panayam sa kanya noong July, na  kanya-kanya muna sila ng landas sa career ni Liza.

Kasalukuyang nasa America si Liza Soberano upang tuparin ang kanyang Hollywood dream. Sa ngayon ay napasama si Liza sa isang horror-thriller movie ni Lisa Frankenstein. Kung saan gagampanan niya ang papel ng kapatid ng lead female.

Nananatili naman si Enrique Gil sa Pilipinas at sa kaparehong network.

Samantala, usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens na tila hindi na rin magtatagal ang relasyon ng dalawa bunsod ng kanilang pagkakalayo.

 

Bagong Pasabog Ni Boss D! | Mga Fans Ni Deanna Wong Excited Na Sa Kanyang Bagong Guesting!

Walang komento

Tila may bagong pasabog si Boss D. para sa kanyang mga tagahanga.

Isang pasabog para sa mga tagahanga ni Deanna Wong ang inanunsyo ni Luis Manzano sa kanyang social media accounts. Tila nagpapahiwatig kasi ang aktor-TV host na si Deanna ang susunod niyang magiging guest sa kanyang Youtube Channel.

Idinaan ng dalawa sa pagsasayaw sa Tiktok ng sikat na awitin ni Andrew E. ang pag-aanounce ng guesting ni Deanna Wong. Labis naman na natutuwa ang mga tagahanga ni Deanna at inaabangan ang nasabing guesting.

Matatandaang, sa nakaraang episode ng vlog ni Luis sa kanyang Youtube channel ay si Jema Galanza ang naging guest nito na isa ring volleyball player.

 

Joshua Garcia at Daniel Padilla Nag Ninong Sa Anak Ni Neil Coleta!

Walang komento

Ipinagdiriwang ngayon ng anak ni Neil Coleta ang kaarawan at binyag nito.

Makikitang naroron sina Joshua Garcia at Daniel Padilla bilang mga ninong nito. Si Neil Coleta ay isa sa matatalik na kaibigan nina Joshua Garcia at Daniel Padilla. Bukod sa dalawa marami pang mga celebrities ang present sa nasabing celebration. Kagaya na lamang nina Ronie Alonte, Angelou De Leon at Loisa Andalio.

Sa ibinahaging video makikita ang kasiyahan ng lahat sa naganap na birthday celebration.

 

Kontrobersyal Na Kapamilya Aktor-Balik Pelikula Na?

Walang komento

Marami ang nag-iisip na matagal pang magbabalik sa pag-arte ang controversial Kapamilya actor matapos ang kinasangkutan nitong issue ilang buwan na ang nakakalipas.

Matatandaang naging usap-usapan noon sa social media ang pambubugbog ng Kapamilya actor na si Kit Thompson sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni noong Marso. Naganap ang pananakit ni Kit sa kanyang girlfriend habang nakacheck in sila sa isang hotel sa Tagaytay.

Dahil sa kontrobersyang ito, tinanggal si Kit sa cast ng Flower of Evil at pinalitan ni JC De Vera. Samantala, babalik na muli sa pag-arte si Kit Thompson sa pelikulang Show Room.

Ayon kay Kit Thompson, "I'm thankful na I'm back! Actually pinagdasal ko nga ito eh, I think a week ago or something. Habang nag-iisip ako nagdasal lang ako and eto, dumating nga, so I thank the Lord for this.


 

Bulgaran Na! Leobert DasmariÑas Isiniwalat Ang Nangyari Kay Jovelyn at Raffy Tulfo Hindi Naniniwala!

Walang komento

May bagong impormasyon na namang ibinunyag ang suspek sa kaso ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmarinas.

Ayon sa kanya, inalok umano siya ng pera ni Police Station 2 Commander P. Major Noel Manalo para makipagsabwatan sa kanila. Ibinunyag ito ni Leobert Dasmarinas sa panayam sa kanya ni Sen. Raffy Tulfo. Bukod pa rito, binantaan at sinaktan pa umano siya ng iba pang sibilyan na sangkot din sa pagkawala ng dalaga.

Agad namang sinagot ni Police Manalo ang mga paratang ni Leobert at sinabing nagsisinungaling lamang ito upang maabswelto sa kaso.

Matatandaang, nag-iiba-iba ang mga pahayag ni Leobert. Maging ang mga ibinibigay nitong impormasyon sa mga pulis ay paiba-iba rin. Plano ngayon ni Sen. Raffy Tulfo na ipasailalim sa lie detector test si Leobert Dasmarinas upang may pagbabasehan kung nagsasabi pa ito ng totoo o hindi.

Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, kung mapapatunayang totoo ang sinasabi nito ay patuloy na tutulong ang kanilang programa sa pamilya ni Jovelyn Galleno. Sakali namang mapatunayang nagsisinungaling si Leobert, ay ididiin umano niya ito lalo.

Matatandaang ilang beses nang binago ni Leobert ang kanyang salaysay matapos niya aminin na kasabwat siya ng isa pang pinsan nila na si Joevert sa pagpaplano at pagdukot kay Jovelyn Galleno.

 

Bestfriend Na Traidor Sa Bride, Pinagawan Ng Malaking Bahay Ni Afam ???

Walang komento


Nagulat ang mga kapitbahay at mga netizens na nagsusubaybay sa love story ng Afam na si Ales, Jorryme at Shaira Mae.

Kumakalat ngayon ang balitang pinagawan umano ng malaking bahay at binilhan ng malawak na lupain ng Afam ang kanyang bestfriend na si Shaira Mae. Nangangako ang Afam na pagagawan niya ng bahay si Shaira Mae.

Ayon sa Afam, isang mabuting tao si Shaira Mae at ito umano ang naging tulay sa kanila ng kanyang asawa na si Jorryme.

Bago nakasal sina Ales Vodesik at Jorryme, matagal nang magkakilala at magbestfriend sina Shaira Mae at Ales. Kaya naman makikita umanong malapit na malapit sila sa isa't-isa na napagkamalan pang ito ang bride ni Ales.



Ang labis naman na ikinadismaya ng lahat, na kahit alam na umano ni Shaira na nagseselos na sa kanya ang asawa ay patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan niya kay Ales. Dahil ayon kay Shaira, normal lamang ang ginagawa nila bilang magkaibigan at wala umano silang ginagawang mali dahil matagal na silang magkaibigan bago pa man ito nakilala ni Jorryme.

Cristy Fermin Pinagsabihan Ang Nakababatang Kapatid Ni Toni Gonzaga Na Si Alex Gonzaga!

Walang komento


Muling pinagsabihan ng sikat na showbiz Columnist na si Cristy Fermin ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga.

Ayon kay Cristy Fermin, wala umanong filter ang dila ni Alex Gonzaga. Agad naman itong pinag-uusapan ng mga netizens.

Matatandaang sa Youtube channel ni Manay Cristy, kasama sina Wendell Alvarez at Morly Alinio, napag-usapan nila si Alex Gonzaga. Ayon kay Cristy Fermin, walang filter ang dila ni Alex at hindi umano nito alam kung ano ang sasabihin sa tamang panahon. Dapat alamin umano ni Alex kung kailan niya dapat bibitawan ang mga salita.



Nabanggit din nila sa kanilang pag-uusap na hindi umano nag-iisip si Alex kung may nasaktan na ba siya sa kanyang mga sinasabi. Naikumpara din nila si Alex sa kanyang nakakatandang kapatid na si Toni Gonzaga. Pinuri nila si Toni dahil sa pag-iisip nito sa kanyang mga sinasabi samantalang bara-bara lamang umano si Alex.

Ipinunto din nila na kailangan na umanong magmature ni Alex dahil hindi na ito bata. Napag-usapan din nila sa kanilang vlog ang tungkol sa pagtag ni Mateo kay Alex sa Lunch Out Loud. Bagama't agad na sinabi ni Mateo na nagbibiro lamang tiyak umanong half-meant ito.

Kyline Alcantara Kinilig Sa Surprise Gift Ni Mavy Legaspi Sa 20th Birthday Niya!

Walang komento

Ipinagdiriwang ni Kyline Alcantara ang kanyang 20th birthday.

Isang simple at masayang pagdiriwang ang naganap kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Present din sa nasabing celebration ang kanyang boyfriend na si Mavy Legaspi.

Labis namang kinilig ang mga ito nang isuot ni Mavy sa kanyang girlfriend ang surprise birthday gift na isang necklace. Napuno naman ng hiyawan ang kanilang pagce-celebrate.



Aira Mae Lipata, Muling Nagparinig Sa Kanyang SocMed! May Kaugnayan Nga Ba Kay Skusta Clee?!

Walang komento


 Aira Mae Lipata may bagong banat para sa kanyang mga bashers.

Muling nagbigay ng update sa social media ang ex-girlfriend ni Skusta Clee na si Aira Mae Lipata. Matatandaang sumikat ito sa social media matapos masangkot sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Si Aira Mae ang itinuturong dahil ng hiwalayan ng dalawa.

Ngunit ilang linggo ang lumipas, napapabalita namang naghiwalay na rin sila ni Skusta Clee. Matapos ang pagbandera nila sa kanilang relasyon online.

Ngayon lamang, may ibinahaging makahulugang mensahe si Aira Mae na tila pasaring sa kanyang mga bashers. Ayon sa kanya, "Okay na ako na kami lang nakakaalan, natutuwa lang ako na nagmumukha kayong tanga."

Kilala si Aira Mae bilang palaban at walang pakialam sa mga pambabash sa kanya.



Vhong Navarro Itina'Ngi Na Ginawa Niya Ang Akusasyon Ni Deniece Cornejo Pero May Inamin!

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang aktor-TV host na si Vhong Navarro hinggil sa pagtanggap ng Taguig Regional Trial Court sa isinampang kaso laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Ayon kay Vhong Navarro, walang katotohanan ang ibinibintang nito sa kanya. Hindi umano niya ito nirape at walang katotohanan ang mga allegations nito sa kanya. Ang tanging kasalanan umano niya ay ang hindi pagrespeto sa relasyon nila noon ng kanyang girlfriend na asawa na niya ngayon.

Ikinasal sina Tanya Bautista at Vhong Navarro noong 2019, limang taon matapos ang pambibintang sa kanya ng rape ni Deniece Cornejo.



Hindi Ikinatuwa Ng Ilang Netizens Ang Biruan Nina Cong. Sandro Marcos at Rep. Aniela Tolentino!

Walang komento


Hindi nasiyahan ang mga netizens sa kumakalat na video kung saan tila naghaharutan sina Cong. Sandro Marcos at Rep. Aniela Tolentino.

Sa kumakalat na Tiktok video, makikita si Rep. Aniela Tolentino na nagpupumilit na maging kalmado habang nagbabasa ng mga items sa order of business ng kamara sa araw na iyon. Habang nagbabasa ang Representative tila binibiro ito ni Cong. Sandro upang madistract.

Pabirong hinampas ni Rep. Aniela si Cong. Sandro bilang tugon sa pangungulit nito. Mabilis naman na kumalat ang nasabing video at umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens. Marami ang hindi natuwa at sinabing tila ginawa nilang playground ang Kongreso. Hindi din umano nila nirespeto ang nagaganap na session. Ipinunto rin ng ibang mga netizens na may tamang oras sa paghaharutan at paglalandian.



Samantala may ilang netizens naman na ipinagtanggol ang dalawa. Ayon dito, nagkamali umano ng basa si Rep. Aniela kaya natawa ito at maging si Cong. Sandro ay natawa na rin.

Nakakaiyak! Lani Mercado Napahagulgol Sa Iyak Sa Kalagayan Ni Bong Revilla!

Walang komento

Biyernes, Setyembre 2, 2022

Labis na nag-aalala ngayon ang pamilya, mga kaibigan at supporters ni Sen. Bong Revilla Jr. matapos mapag-alaman na isinugod ito sa hospital dahil sa pananakit ng tiyan.

Ikinabahala ng pamilya ng Senador ang naramdamang sakit nito sa kanyang tiyan. Agad naman itong sinuri ng mga doctor sa St. Lukes Medical City. May nakitang kidney stone kay Sen. Bong Revilla Jr. na naging dahilan ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Isa sa labis na nag-alala rito ay ang kanyang talent manager na si Manay Lolit Solis na ayon pa rito natatakot siya sa kalagayan ngayon ni Sen. Bong.

Samantala, labis ang pasalamat ng asawa ni Sen. Bong Revilla na si Lani Mercado sa mga taong nagpa-abot ng panalangin para sa tuluyang paggaling ng senador. Nagpapasalamat din ito dahil hindi malala ang karamdaman ng kanyang asawa.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling si Sen. Bong Revilla Jr. patuloy naman ang pagdarasal ng pamilya at mga kaibigan para sa agarang niyang paggaling.

 

Kc Concepcion Binasag Na Ang Katahimikan Sa Balitang Magdyowa Sila Ni Apl De Ap!

Walang komento

Nilinaw ng aktres na si KC Concepcion na may romantikong relasyon sila ng singer na si Apl De Ap.

Ayon sa report, sinabi ni KC na magkaibigan lamang sila ni Apl at kailanman at hindi sila nagkaroon ng romantic relationship. Mahal at nirerespeto umano ni KC si Apl De Ap dahil malapit silang magkaibigan. Labis din umano siya humahanga rito dahil sa kabaitang ginagawa nito sa kanya.

Sinabi din ni KC sa panayam na nahihirapan siyang makipagdate sa America dahil nais niyang magkaroon na ng seryosong relasyon. Ayon pa kay KC, sa edad niya ngayon siniseryoso na niya ang pakikipagrelasyon at nagnanais na ding maikasal.



Nagbahagi din ng update si KC sa kanyang Hollywood movie. Mapapanood umano ito sa January.

Kalagayan Ng Estranged Husband Ni Carla Abellana Na Si Tom Rodriguez Idinaan Sa Kanta!

Walang komento

Nagbigay ng update sa kanyang social media account ang dating asawa ni Carla Abellana na si Tom Rodriguez hinggil sa kasalukuyang kalagayan niya ngayon.

Ibinahagi ni Tom Rodriguez sa kanyang Instagram ang kanyang video habang kumakanta.

"Today is a lazy day. Just home alone with the doggos and feeling pretty good so forgive me if I’m feeling a bit musical :)," caption ni Tom sa kanyang post.

Agad namang umani ng maraming views at likes ang nasabing kanta ni Tom. Tila ang nasabing kanta ay naglalarawan sa kasalukuyang kalagayang ngayon ni Tom Rodriguez matapos ang hiwalayan nila ni Carla Abellana.

 

Umalma Si Vice Ganda Sa Balitang “Nagka-iringan” Sila Ni Marian Rivera!

Walang komento


Itinanggi ni Vice Ganda ang kumakalat na balitang nagka-iringan sila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Nagkitang muli si Vice Ganda at Marian Rivera dahil pareho silang dumalo sa Preview Ball Event. Parehong ding nakakuha ng parangal ang dalawa. Wagi bilang isa sa Most Influencial Awardees si Vice Ganda, habang isa si Marian Rivera sa Life Peg Awardee.

Sa isang video clip, makikitang nagchi-chikahan pa sina Vice Ganda at Marian Rivera. Natutuwa naman ang kani-kanilang mga tagahanga sa muling pagkikita ng dalawa.

Agad na nilinaw ni Vice Ganda ang kumakalat na balitang may iringan umano sila ni Marian Rivera. Ayon sa articles mula sa isang kilalang news outlet, natuldukan na ang isyung ito matapos makita ang dalawang celebrities na sweet sa isang party.



Sa kanyang Twitter account ibinahagi ni Vice ang kanyang reaction sa ipinalabas na article. Ayon kay Vice, "Ha????!! San galing ang balitang to??? Nagkaissue kami? Iringan??!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!"

Tila napikon talaga si Vice sa balitang iyon at sinabi pang nakakadiri ang ganitong balita at napaka-click bait.

Samantala, agad namang humingi ng paumanhin ang news outlet tungkol sa kanilang pagkakamali at sinabing hindi na nila ito uulitin pa.

Toni Gonzaga Lumayas Ng Tuluyan Sa ABS-CBN, Lumipat Na Sa AMBS2 Ni Manny Villar!

Walang komento

Kumpirmado na ang paglipat ng tinaguriang Multi-media Star na si Toni Gonzaga sa AMBS2 na pagmamay-ari ni Manny Villsar.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Toni Gonzaga ang mga larawan ng pagpirma niya ng kontrata sa AMBS.

"Thank you for the warm welcome AMBS.🧡 I’m so happy to be part of your family! I’m so excited for our partnership and I can’t wait to share with you ALL that we have been working on in the coming days," caption ni Toni sa kanyang Instagram post.



Nangyari ang contract signing sa pagitan nina Toni Gonzaga at AMBS noong hwebes ng gabi September 1, 2022. Maging ang asawa ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano ay kasabay din nitong pumirma ng kontrata sa nasabing network.

Ang contract signing ay naganap sa pagmamay-aring hotel ng mga Villar sa Las Pinas. Kasama sa contract signing ay ang anak nina Manny Villar at Cynthia Villar na si Manuel Paulo villar ng Crime Asset Ventures na parent company ng AMBS. Nandoon din ang AMBS President na si Maribeth Tolentino at ang magulang ni Toni Gonzaga na nagsisilbing manager ng actres.

Ayon kay Toni, paniguradong magugulat ang mga manonood sa kanyang pinakabagong talk show. Hinuha naman ng mga netizens na maging sina Karla Estrada at Mariel Rodriguez ay pipirma na rin ng kontrata sa AMBS.

Hindi Maganda! Costume Ni Janella Salvador Bilang Valentina Inulan Ng Batikos!

Walang komento


Bukod sa inaabangan, pinag-uusapan din ng mga manonood ng Darna series ang pagpapakita ng pinakamatinding kalaban ni Darna na si Valentina.

Sa bagong Darna series, ang papel bilang Valentina ay ginagampanan ni Janella Salvador. Labis na inaabangan ng mga manonood ang paglabas ni Valentina lalo pa't iba ang karakter na ipinakita ni Janella as Regina.

Sa episode kahapon ng Darna, September 1 unang nasilayan ng mga manonood ang paglabas ni Valentina. Ngunit, tila nadismaya ang ilang mga manonood sa nakitang costume ni Valentina. Marami ang tila nadismaya at hindi nagandahan sa unang pagpapakita ni Valentina.



Hindi umano ito ang inaasahan nila at hindi umano nababagay kay Janella. Kung ano ang ikinaganda ng costume ni Darna ay 'yun naman ang ikinapangit sa costume ni Valentina. Hindi umano nababagay sa mukha ni Janella ang ginawang costume para kay Valentina.

Samantala, nagbigay ng pahayag si Janella Salvador hinggil sa natanggap na pambabatikos mula sa mga netizens. Ayon kay Janella, hindi pa umano iyon ang costume ni Valentina. Tila sinasabi nitong huwag husgahan ang kanyang first appearrance gayung hindi pa naman ipinapakita ang kabuuan ng kanyang costume.

Ruffa Gutierrez Pinagkaguluhan Ng Mga Classmates Sa Kanilang Graduation Ceremony

Walang komento


 Nag-uumapaw sa kaligayahang nagmartsa si Ruffa Guiterrez sa PICC ngayong Byernes, September 2, 2022 para sa kanilang graduation ceremony.

Ipinagmamalaking ibinahagi ni Ruffa sa social media ang actual video sa naganap na graduation ceremony nila ngayong araw.

Ayon sa Instagram post ni Ruffa, “Don’t downgrade your dream just to fit your reality. Upgrade your conviction to match your destiny.”


I humbly want to share that I have graduated with a bachelor’s degree in Communication Arts from the Philippine Women’s University under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). I am now gearing up for PWU’s 99th Commencement Exercises at the Philippine International Convention Center (PICC) next week.

I would not have been able to successfully embark on my educational journey without the continuous guidance of PWU‘s ETEEAP team of professionals and the immeasurable support of my loved ones.

Because of my enduring commitment in continuously seeking knowledge and equipping myself with new skills that will help me prosper and fulfill my dreams in the ever-changing global scene, I also proudly share with you that I am officially an MA-ComArts student at PWU. The journey continues -- unstoppable!"


Pinatunayan lamang ni Ruffa Gutierrez na hindi hadlang ang pagkakaroon ng mga anak at ang edad sa pagtupad ng kanyang pangarap. Matatandaang ibinahagi na noon ni Ruffa ang kanyang graduation picture kalakip ang mensahe niya sa mga nanay na nagnanais pa rin ituloy ang kanilang pangarap na magkaroon ng college diploma.

Dahilan Kung Bakit Kinansela Ang Partnership Deal Ng Tv5 Sa Abs-Cbn!

Walang komento


September 1, 2022,  inanunsyo ng ABS-CBN ang pagkansela sa partnership deal sa pagitan nila at sa TV5.

Marami naman ang nagulat at nadismaya sa desisyong ito ng dalawang network. Tanong ng mga netizens, bakit nila kinansela ang naging agrreement gayung pirmado na ito.

Ayon naman sa nakalap naming balita, napagdesisyonan umano ng Chairman ng TV5 na si Manny Pangilinan na kanselahin na lamang ang kanilang deal dahil sa babala ng ilang mga kongresista na kunin sa kanya ang franchise ng PLDT at MERALCO.

Tila natatakot si Manny Pangilinan na mahirapan sa pagbawi ng mga franchise sakaling tanggalin ito kagaya na lamang sa nangyari sa ABS-CBN. Ayaw din nitong maranasan ng kanyang mga tauhan ang naranasan noon ng mga empleyado sa nasabing network.



Isang Netizen Nakitang May Pagkakamali Sa Isang Scene Sa Movie Na Maid In Malacanang!

1 komento


Tila ay hindi pa rin matanggap ng ilang mga solid supporters ng mga Aquino ang tagumpay na tinatamasa ng pelikulang Maid in Malacanang.

Ang pelikulang ito ay sumikat hindi lamang rito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Tila naghahanap naman ang ilang mga bashers ng pagkakamali sa pelikula. Isang netizen ang may napansin umanong pagkakamali sa isang eksena ng pelikula.

Ipinunto ng netizen kay Direk Darryl na may mali sa isang eksena. Agad naman itong sinagot ni Direk Darryl na behind the scene lamang ito. Maging ang ilang mga netizens ay nagbigay ng opinyon at sinabing totoong behind the scene ang nasabing larawan. Ipinunto din ng mga ito na hindi talaga ito nanood sa nasabing pelikula ang nagpapakalat ng larawan.



Sinugod Sa Hospital! Pamilya Kaibigan Humihingi Ng Dasal Para Sa Senador!

Walang komento

Labis na ikinagulat ng lahat ang balitang isinugod sa hospital si Sen. Bong Revilla.

Ikinabigla ng lahat ng mabasa ang post ng right hand at itinuturing na pamilya ng Senador na si Porsia Ilagan. Nagpost ito kamakailan tungkol kay Sen. Bong Revilla. Humihingi ito ng tulong sa Panginoon upang pagalingin si Sen. Bong Revilla Jr.

Sa Instagram nagbahagi naman ng update ang Manager ng actor-politician na si Lolit Solis. Ayon sa kanyang update, "Scary ang dating sa akin ng balita na isinugod si Bong Revilla sa hospital, Salve. Alam mo na isa si Bong Revilla sa mga mahal na mahal kong alaga. Napakabait at napakalaki ng puso ni Bong sa mga tao, kaya people friendly siya. Madaling lapitan, hindi namimili ng kausap, talagang sincere sa pakikipagkaibigan. Kaya mabuti na lang at isang minor stomach pain lang pala ang dahilan, pero mabuti at na diagnose agad. Dapat talagang ingatan ni Bong ang kanyang health, napakarami pa niyang dapat gawin at magagawa, kailangan niya ang malusog na katawan para maharap ang trabaho. Saka tandaan mo Bong na isa ka sa mag aalaga sa akin, kaya ako dapat mauna sa iyo noh, wala kang karapatan mauna sa akin. Promise mo iyan, tuparin mo. Kundi, magagalit ako. Stay healthy and strong always, my ever favorite Bong Revilla, Promise."

Hiling ni Manay ang lubusang paggaling nito at panunumbalik ng lakas dahil kailangan ito sa kanyang trabaho. Sinabi rin ni Manay na ito ay isa sa kanyang pinakapaborito.



Matatandaang ibinahagi ni Manay ang pagsasabi umano ni Sen. Bong Revilla Jr. sa kanyang mga doktor noong na-ospital siya na gawin ang lahat para pagalingin siya. Sinagot din ng Sen. ang lahat ng gastusin ni Manay Lolit sa hospital.

Jovelyn Galleno Case Di Matapos Tapos Na Turuan, Suspek Bumaliktad, Bagong Tinuturo Dumepensa!

Walang komento

Pagkatapos lumabas ang resulta ng isinagawang DNA test sa kalansay na natagpuan nitong August 23 ng madaling araw, bumaligtad ang pinsan ni Jovelyn Galleno na unang umamin na kasabwat at may kinalaman siya sa pagpaslang rito.

Bigla na lamang nag-iba ang ihip ng hangin at bumaliktad si Leobert Dasmasrinas. Isiniwalat nito ang pagtotorture umano sa kanya sa kulungan upang aminin ang krimen ng pagpaslang kay Jovelyn Galleno. Naka set-up na umano ang lahat bago pa man ang kanyang pag-amin. Pinagbabantaan din umano nito ang kanyang pamilya. Ang itinuturong mastermind ni Leobert ay isang mataas na opisyal ng pulisya na si Richard Ligad.

Ibinahagi ang confession video ni Leobert sa kanyang pamilya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo. Sa nasabing video makikita ang paghingi ng tulong ni Leobert sa kanilang pamilya at maging sa ina mismo ni Jovelyn at kay Raffy Tulfo.



Ani Leobert, mamamatay umano siya. Kitang-kita naman kay Leobert ang takot at nanginginig pa umano ito.

Matatandaang kasama si Richard Ligad sa mga pulis na rumesponde nang ituro ni Leobert kung saan makikita ang cellphoone ni Jovelyn. Isa rin ito sa mga nainis nang sinabi ni Leobert na kaya niyang sumisid sa ilog upang mahanap ang itinapong cellphone.

Sa programa ni Sen. Raffy Tulfo sinubukan nitong kausapin si Richard ngunit hindi ito makontak. Ngunit sa isang Facebook live tila sinagot ni Richard Ligad ang mga alegasyon sa kanya ni Leobert at pinagdidiinang inosente siya. Sinabi rin nito na hindi siya nagtatago at nagkataon lamang umano na mahina ang signal kaya hindi siya nakuntak ng mga staff ni Sen. Raffy Tulfo. 

Isiniwalat Na! Zanjoe Marudo Isinapubliko Ang Pagbubuntis Ni Ria Atayde?!

Walang komento

Pagbubuntis ni Ria Atayde isinapubliko na ni Zanjoe Marudo.

Matagal nang nananahimik si  Zanjoe Marudo matapos na magkahiwalay ng dating nobya nitong isang model. Matatandaang naging pribado ang naging relasyon ng dalawa.

Samantala, ngayong taon laging spotted na magkasama si Zanjoe Marudo kasama si Ria Atayte. Si Ria Atayde ay malapit na kaibigan ng magjowang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at common friend naman ng mga ito si Zanjoe. Matatandaang nakasama ng magkasintahan ang dalawa noon sa isang beach gateaway.

Ayon sa mga ulat, nagkalapit umano sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa bawat pagsasama nila. Usap-usapan ngayon ang umano'y relasyon nina Ria at Zanjoe. Ang spekulasyong ito ay kaagad umani ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens.



May mga hindi pabor at sinabing bakit sa dinami raming babae ay si Ria pa ang napili ni Zanjoe. Mga babaeng mas sexy at maganda kay Ria. Ngunit agad naman itong ipinagtanggol ng kanyang mga fans at sinabing nagmumula naman si Ria sa isang respetadong pamilya.

Usap-usapan din ng mga netizens ang umano'y pagbubuntis ni Ria Atayde at ang itinuturong ama nito ay si Zanjoe Marudo. Nag-ugat ang usaping ito matapos may lumabas na blind item mula sa isang reliable source.

Samantala, tila ninanais muna nina Zanjoe at Ria na isapribado muna ang kanilang relasyon. Dahil na rin sa ilang mga netizens napanghusga.

Jason Abalos and Vickie Rushton Ikinasal Na!

Walang komento

Huwebes, Setyembre 1, 2022


Ikinasal na ang aktor na si Jason Abalos sa kanyang long time girlfriend na si Vickie Rushton, ngayong araw ng Huwebes, September 1, 2022.

Ginanap ang church wedding ng dalawa sa San Antonio De Padua Parish Silang, Cavite.

Sa mga ibinaging video makikita ang mga kaganapan sa kasal nina Jason at Vickie. Makikita din ang labis na pagmamahal at tuwa ng dalawa para sa isa't-isa. Naging emosyunal naman at napaluha pa si Jason habang naglalakad palapit sa kanya ang kanyang bride.

Present sa kasalan nila ang kani-kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.



Willie Revillame "Helicopter Unboxing"

Walang komento

Masayang ibinahagi ni Kuya Wil sa publiko ang pag-unbox sa kanyang bagong biling helicopter.

Napakabongga talaga nito dahil alam naman ng lahat na hindi biro ang halaga ng nasabing sasakyan na binili ni Willie para ireogalo sa kanyang sarili.

Ayon sa kwento ni Kuya Wil, hindi naging madali ang pagbili niya ng helicopter dahil kinailangan pa niyang mag-enroll at dumaan sa maraming proseso upang magkaroon ng authority at payagang magmay-ari ng sariling helicopter.

Matatandaang naikwento ni Kuya Wil ang kanyang buhay noon at ang mga pinagdaanan niyang hirap bago niya makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon.

 

Pambansang Kolokoy Hiwalay Na Sa Asawa, Perfect Couple Sa Camera Lang Daw!

Walang komento


 Inamin na ni Pambansang Kolokoy na naghiwalay na sila ng kanyang asawang si Marites matapos ang mahigit dalawang dekadang pagsasama bilang mag-asawa.

Sa ibinahaging video ni Pambansang Kolokoy sa kanyang vlog na pinamagatang 'peace of mind' ibinunyag nito na hiwalay na sila ng kanyang asawa. Matatandaang ilang linggo pa lamang ang lumipas nang tila pabulaanan nito ang chismis na naghiwalay na sila ng kanyang asawa at sinabing may suot pa siyang wedding ring.

Ngunit, sa pagbasag niya sa kanyang katahimikan hinggil sa hiwalayan nila ng kanyang asawa, ibinunyag din ni Pambansang Kolokoy na sa harap lamang sila ng kamera perfect couple ng kanyang asawa at iba naman sila sa likod nito at sa totoong buhay nila.

Hindi man nito binanggit ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, agad na hinulaan ng mga netizens na third party ang naging sanhi ng kanilang paghihiwalay. Sa nasabing vlog, ibinahagi rin kasi ni Pambansang Kolokoy na may iba na siyang kinakasama ngayon at masaya siya sa kanyang desisyon na makipaghiwalay kay Marites. Hindi umano siya nagsisisi. Nasa maayos naman umanong kalagayan ang kanilang mga anak ni Marites.



Just in: Veteran Actress Jacklyn Jose Tuluyan Ng Namaalam!

Walang komento


Marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang pamamaalam ni Jacklyn Jose sa mundo ng showbiz.

Labis na ikinagulat ng lahat ng inanunsyo ni Jacklyn Jose sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram account na magreretiro na siya at mamaalam na ng tuluyan sa mundo ng showbiz sa edad na 58 taon.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang larawang kuha noong GMA Gala Night na may caption na magreretire na siya at nagpapasalamat siya sa lahat.

Ang pagreretire na ito ng batikang aktres ay may kinalaman sa kanyang mga anak at amo. Nais umano nitong bigyan ng oras ang kaniyang mga anak at apo kay Andi.

Samantala, marami man ang nalungkot sa pamamaalam na ito ni Jacklyn, nauunawaan naman ng iba ang nais nitong gawin at nirerespeto ang kanyang desisyon.

Noong 1984 nagsimula ang showbiz career ni Jacklyn matapos siyang ipakilala isa sa makakasama sa Chikas. Matapos ang kanyang launching ay hindi na natigil si Jacklyn sa pag-arte hanggang sa kasalukuyan. Si Jacklyn Jose ay ang unang Pilipinong pinangaralan ng mataas na karangalan sa Prestihiyosong Film Festival sa buong mundo.

May mga kumakalat na usap-usapan na malaki ang naging epekto kay Jacklyn ang biglaang pagpanaw ng kanyang hipag na si Cherie Gil at tila napagtanto nitong kailangang bigyan ng mas malaking oras ang pamilya.



Samantala, sa ngayon ay deleted na ang nasabing Instagram post ni Jacklyn.

Kim Chiu at Xian Lim, Goodbye Na Naman Sa Isa't-Isa!

Walang komento


Muling nagkahiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim dahil balik lock in taping na naman ang aktor para sa panibagong proyekto nito.

Sa kanyang social media account ibinahagi ni Xian ang kanyang larawang kuha sa loob ng eroplano. Papunta na ito sa location ng kanilang shoot. May ibinahagi rin silang screenshot mula sa video call nila ni Kim bago lumipad ang eroplano.

Samantala, ibinahagi naman ni Kim sa kanyang Instagram stories ang quote na "take your time".

Matatandaang, nagkasama ang magjowa sa pelikulang Always na malapit nang mapapanood.



Jovelyn Galleno Update! Leobert DasmariÑas Nilaglag Si Director Richard Ligad!

Walang komento

Sinabi ni Jonalyn Galleno sa panayam sa kanya ni Raffy Tulfo ngayong araw, September 1, 2022 na isa umano sa mataas na opisyal sa LGU sa Puerto Princesa ang namilit kay Leobert Dasmarinas na aminin ang ginawang krimen kay Jovelyn Galleno.

Ayon kay Jonalyn, inamin umano ng kanilang pinsan na si Leobert na pinilit lamang umano siya ng isang opisyales para umamin sa pagpaslang kay Jovelyn kahit hindi nila ito ginawa. Pinagbabantaan din diumano nito ang buhay ni Leobert at maging ang pamilya nito.

Ayon umano kay Leobert, dinidiktahan umano siya at pinagbabantaan. Naka-set up na din umano ang lahat.

 

International Singer Na Si Nicki Minaj Napa Reak Sa Video Ng Actor Na Si Joshua Garcia!

Walang komento

Hindi na maitatanggi ang kasikatang tinatamo ngayon ni Joshua Garcia.

Maging ang sikat na international singer na si Nicki Minaj ay napa heart react na rin sa latest Tiktok video na ibinahagi ng aktor. Agad namang nagviral ang nasabing TikTok video na umabot na sa million views sa loob ng isang araw.

Kasalukuyang mapapanood si Joshua Garcia sa Darna na gumanap bilang isang love interest ni Narda/Darna.

Samantala ang pagrereact ni Nicki Minaj sa TikTok video ni Joshua ay umani ng samu't-saring komento at reaction mula sa mga netizens.

 

Yari! Carlo Aquino Umamin Sa Relasyon Nila Ni Julia Barretto! Gerald Anderson Nanggigil!

Walang komento

Labis na humahanga at bumilib kay Julia Barretto ang kanyang leading man ngayon na si  Carlo Aquino. Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila sa isang proyekto.

Napatunayan ni Carlo Aquino ang galing at husay ni Julia sa pag-arte. Gagampanan ni Carlo ang papel ng isang guro na wala pang karanasan. Kaya naman tinutukso ito ng kanyang mga studyante. Isang bayarang babae naman ang gagampanan ni Julia sa papel ni Candy na magbibigay ng kakaibang karanasan kay Carlo.

Inamin ni Carlo na nahihirapan siya sa kanyang role dahil mahirap umanong tingnan si Julia ng may malisya dahil nakikita na niya ito noon pang bata pa ito. Hindi umano niya inexpect na magkakasama sila sa isang movie na may ganitong genre.

Sa kwento, pataas ng pataas umano ang ibabayad ni Carlo sa bawat paggamit kay Julia kaya Expensive Candy ang pamagat.



Samantala, sa gitna ng kanilang proyekto napapabalita naman ang pagkakalabuan di umano ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson. Isa sa mga tinitingnang dahilan ay ang pagkakasama sa proyekto nina Gerald Anderson at Kylie Padilla at ang paglipat ng genre ni Julia Barretto kung saan nakasama niya si Carlo Aquino.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo