Tapos Na Ang Laban! Ina Ni Deanna Wong Aprubado Ang Relasyon Ng Anak Kay Ivy Lacsina!

Lunes, Setyembre 5, 2022

/ by Lovely


Aprubado nang ina ni Deanna Wong ang bagong karelasyon nito na si Ivy Lacsina.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na bulgaran na ang relasyon nina Deanna Wong at Ivy Lacsina. Ipinakilala na rin ni Deanna Wong si Ivy sa kanyang mga magulang at buong pamilya. Wala namang problema sa pamilya ng volleyball player kung sino man ang ibigin nito dahil supportive sa isa't-isa.

Trending ngayon ang video, kung saan tinawag ng ina ni Deanna Wong si Ivy Lacsina sa stage. Makikita naman ang saya sa mukha ni Deanna Wong dahil alam niyang tanggap ng kanilang pamilya ang kanya jowa na si Ivy Lacsina.

Labis na nagpapasalamat ang ina ni Deanna Wong kay Ivy Lacsina dahil sa pagsuporta nito sa kanyang anak. Nagpapasalamat din ito sa pananatili ni Ivy sa piling ni Deanna noong panahong nangangailangan ito. Puring-puri ng ina ang kabaitan ni Ivy.

"Thank you for coming to Deanna's life when she was down," sabi ng ina ni Deanna Wong.

Sa pagkalat ng nasabing video, umani ito ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. Kinikilig ang mga tagahanga ng dalawa at masaya dahil legal at tanggap ng pamilya ni Deanna ang kanilang relasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo