Kapamilya Fans-May Hiling Sa It's Showtime at ABS-CBN?

Lunes, Setyembre 5, 2022

/ by Lovely

Noong July 16, 2022 ang unang araw nang mapanood ang It's Showtime sa TV5, na ikinatuwa naman ng mga Kapamilya fans.

Ayon sa kanila mas marami na ang mabibigyan ng saya at makakapanood ng nasabing show sa free TV. Matatandaang umiire rin ang Showtime sa A2Z ngunit mas malawak ang naaabot na signal ng TV5 kumpara rito.

Subalit, mula nang umire ang It's Showtime sa TV5 ay nabawasan ang oras nito sa pag-ire kaya naman napansin ng mga manonod na tila nagmamadali ang mga host para pagkasyahin ang kanilang show sa nakalaang oras. Tila minamadali na umano ang segment ng Tawag ng Tanghalan.

Hiling naman ngayon ng mga manonood sa ABS-CBN na gawin na lamang isang show ang Tawag ng Tanghalan. Ihiwalay na lamang ito sa It's Showtime dahil minamadali naman lang ang air time ng Tawag ng Tanghalan segment.

 

( Hide )
  1. Kahit di na ihiwalay Ang tawag ng tanghalan dagdagan nalang ng time Ang it's showtime,parihas sa ginagawa. Ng gma pag may show n d gaano nag rarate Yun Ang bawasan ng time or else tapusin

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo