Hindi Ikinatuwa Ng Ilang Netizens Ang Biruan Nina Cong. Sandro Marcos at Rep. Aniela Tolentino!

Sabado, Setyembre 3, 2022

/ by Lovely


Hindi nasiyahan ang mga netizens sa kumakalat na video kung saan tila naghaharutan sina Cong. Sandro Marcos at Rep. Aniela Tolentino.

Sa kumakalat na Tiktok video, makikita si Rep. Aniela Tolentino na nagpupumilit na maging kalmado habang nagbabasa ng mga items sa order of business ng kamara sa araw na iyon. Habang nagbabasa ang Representative tila binibiro ito ni Cong. Sandro upang madistract.

Pabirong hinampas ni Rep. Aniela si Cong. Sandro bilang tugon sa pangungulit nito. Mabilis naman na kumalat ang nasabing video at umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens. Marami ang hindi natuwa at sinabing tila ginawa nilang playground ang Kongreso. Hindi din umano nila nirespeto ang nagaganap na session. Ipinunto rin ng ibang mga netizens na may tamang oras sa paghaharutan at paglalandian.



Samantala may ilang netizens naman na ipinagtanggol ang dalawa. Ayon dito, nagkamali umano ng basa si Rep. Aniela kaya natawa ito at maging si Cong. Sandro ay natawa na rin.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo