Ang Tunay Na Ugat Dahilan Ng G*lit Ni Lolit Solis Kay Bea Alonzo!

Lunes, Setyembre 5, 2022

/ by Lovely


Nagtataka pa rin hanggang ngayon ang maraming netizens kung bakit hindi pa rin tumitigil si Manay Lolit Solis sa pambabanat at panlalait kay Bea Alonzo.

Sa kabila ng pagkakasakit ni Manay Lolit ay hindi pa rin ito natigil sa panlalait kay Bea Alonzo. Kahit pa nasa dialysis si Manay, panay pa rin ito sa pambabanat kay Bea Alonzo. Lagi nitong ipinapahayag na matanda na umano si Bea at Manang na. Ayon pa kay Manay nagmumukhang Tita na si Bea Alonzo sa kanyang kaloveteam ngayon na si Alden Richards.

Hindi lamang isang beses itong ginawa ni Manay Lolit kay Bea, kundi tila sa bawat sandaling naaalala niya ito. Sa kabila naman ng lahat ng pan-iinsulto ni Lolit Solis, nananatili pa ring tahimik at tila hindi naapektuhan si Bea.

Matatandaang nagsimula ang lahat, nang ipatanggal umano ni Bea Alozo sina Manay Lolit at mga kasamahan nito sa mga invited guest para sa launching ni Bea Alonzo. Ngunit, noon pa man ay hindi na talaga magaganda ang isinusulat ni Manay Lolit tungkol kay Bea. Kaya naman tila naisip ng manager ng aktres na hindi hayaang magkita ang dalawa sa launching.

Labis namang nasaktan ang pride ni Manay Lolit sa ginawang iyon ng team ni Bea. Kaya agad itong bumanat sa social media. Mula noon hindi na ito natigil sa panlalait at pan-iinsulto sa aktres. Sa kabila ng kasalukuyang kalagayan nito ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo