Binabatikos Ngayon Si Wilbert Tolentino Dahil Sa Pagpopost Ng Larawan Kasama Si Aira Mae Lipata!

Lunes, Setyembre 5, 2022

/ by Lovely

Hindi nagustuhan ng mga fans at solid supporters ni Zeinab Harake ang kumakalat na larawang ibinahagi ni Wilbert Tolentino sa kanyang social media accounts.

Sa nasabing larawan, kasama ni Wilbert Tolentino si Aira Mae Lipata. Matatandaang marami ang hindi nagustuhan ang personalidad ni Aira Mae dahil sa pagkakalink niya sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Bagama't usap-usapan ngayon na naghiwalay na rin sina Skusta Clee at Aira Mae hindi pa rin nawawala ang gigil sa kanya ng mga fans ni Zeinab dahil sa pagsira umano nito sa relasyon nina Skusta at Zeinab.

Hindi naman nagustuhan ngayon ng mga netizens ang ibinahaging larawan ni Wilbert Tolentino kung saan kasama niya si Aira Mae. Matatandaang malapit sa isa't-isa sina Zeinab at Wilbert at kadalasang gumagawa ng collaboration sa kanilang vlogs. Isa rin si Wilbert Tolentino sa mga ninong ni Baby Bia.

Kaya naman dismayado ang maraming fans ni Zeinab kay Wilbert Tolentino matapos nitong ibahagi ang larawan kasama si Aira Mae Lipata. Sa inis ng ilang mga fans, inunfollow at inunsubscribe sa ito sa kanyang social media accounts.

Komento ng ilan, ito pala ang dahilan kung bakit naka-unfollow na sa isa't-isa sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake. May nagsasabi pang walang utang na loob si Wilbert dahil matapos siyang tulungang sumikat ni Zeinab ay kinaibigan pa nito ang babaeng sumira sa pamilya niya.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo