Toni Gonzaga Lumayas Ng Tuluyan Sa ABS-CBN, Lumipat Na Sa AMBS2 Ni Manny Villar!

Biyernes, Setyembre 2, 2022

/ by Lovely

Kumpirmado na ang paglipat ng tinaguriang Multi-media Star na si Toni Gonzaga sa AMBS2 na pagmamay-ari ni Manny Villsar.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Toni Gonzaga ang mga larawan ng pagpirma niya ng kontrata sa AMBS.

"Thank you for the warm welcome AMBS.🧡 I’m so happy to be part of your family! I’m so excited for our partnership and I can’t wait to share with you ALL that we have been working on in the coming days," caption ni Toni sa kanyang Instagram post.



Nangyari ang contract signing sa pagitan nina Toni Gonzaga at AMBS noong hwebes ng gabi September 1, 2022. Maging ang asawa ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano ay kasabay din nitong pumirma ng kontrata sa nasabing network.

Ang contract signing ay naganap sa pagmamay-aring hotel ng mga Villar sa Las Pinas. Kasama sa contract signing ay ang anak nina Manny Villar at Cynthia Villar na si Manuel Paulo villar ng Crime Asset Ventures na parent company ng AMBS. Nandoon din ang AMBS President na si Maribeth Tolentino at ang magulang ni Toni Gonzaga na nagsisilbing manager ng actres.

Ayon kay Toni, paniguradong magugulat ang mga manonood sa kanyang pinakabagong talk show. Hinuha naman ng mga netizens na maging sina Karla Estrada at Mariel Rodriguez ay pipirma na rin ng kontrata sa AMBS.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo