Umalma Si Vice Ganda Sa Balitang “Nagka-iringan” Sila Ni Marian Rivera!

Biyernes, Setyembre 2, 2022

/ by Lovely


Itinanggi ni Vice Ganda ang kumakalat na balitang nagka-iringan sila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Nagkitang muli si Vice Ganda at Marian Rivera dahil pareho silang dumalo sa Preview Ball Event. Parehong ding nakakuha ng parangal ang dalawa. Wagi bilang isa sa Most Influencial Awardees si Vice Ganda, habang isa si Marian Rivera sa Life Peg Awardee.

Sa isang video clip, makikitang nagchi-chikahan pa sina Vice Ganda at Marian Rivera. Natutuwa naman ang kani-kanilang mga tagahanga sa muling pagkikita ng dalawa.

Agad na nilinaw ni Vice Ganda ang kumakalat na balitang may iringan umano sila ni Marian Rivera. Ayon sa articles mula sa isang kilalang news outlet, natuldukan na ang isyung ito matapos makita ang dalawang celebrities na sweet sa isang party.



Sa kanyang Twitter account ibinahagi ni Vice ang kanyang reaction sa ipinalabas na article. Ayon kay Vice, "Ha????!! San galing ang balitang to??? Nagkaissue kami? Iringan??!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!"

Tila napikon talaga si Vice sa balitang iyon at sinabi pang nakakadiri ang ganitong balita at napaka-click bait.

Samantala, agad namang humingi ng paumanhin ang news outlet tungkol sa kanilang pagkakamali at sinabing hindi na nila ito uulitin pa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo