Hindi Maganda! Costume Ni Janella Salvador Bilang Valentina Inulan Ng Batikos!

Biyernes, Setyembre 2, 2022

/ by Lovely


Bukod sa inaabangan, pinag-uusapan din ng mga manonood ng Darna series ang pagpapakita ng pinakamatinding kalaban ni Darna na si Valentina.

Sa bagong Darna series, ang papel bilang Valentina ay ginagampanan ni Janella Salvador. Labis na inaabangan ng mga manonood ang paglabas ni Valentina lalo pa't iba ang karakter na ipinakita ni Janella as Regina.

Sa episode kahapon ng Darna, September 1 unang nasilayan ng mga manonood ang paglabas ni Valentina. Ngunit, tila nadismaya ang ilang mga manonood sa nakitang costume ni Valentina. Marami ang tila nadismaya at hindi nagandahan sa unang pagpapakita ni Valentina.



Hindi umano ito ang inaasahan nila at hindi umano nababagay kay Janella. Kung ano ang ikinaganda ng costume ni Darna ay 'yun naman ang ikinapangit sa costume ni Valentina. Hindi umano nababagay sa mukha ni Janella ang ginawang costume para kay Valentina.

Samantala, nagbigay ng pahayag si Janella Salvador hinggil sa natanggap na pambabatikos mula sa mga netizens. Ayon kay Janella, hindi pa umano iyon ang costume ni Valentina. Tila sinasabi nitong huwag husgahan ang kanyang first appearrance gayung hindi pa naman ipinapakita ang kabuuan ng kanyang costume.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo