Liza Soberano at Enrique Gil "LizQuen" Tuluyan Ng Nag Wakas !

Sabado, Setyembre 3, 2022

/ by Lovely

Wala sa tamang timing. Ito ang paliwanag ng ABS-CBN Film Production Inc. kung bakit hindi na muling masisilayan pa ang sikat na loveteam ng Kapamilya network na sina Liza Soberano at Enrique Gil na mas kilala bilang LizQuen.

Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nalungkot dahil sa pag-alis ni Liza sa ABS-CBN na naging dahilan ng pagkabiyak ng tambalang LizQuen. Matatandaang sinabi ni Enrique sa panayam sa kanya noong July, na  kanya-kanya muna sila ng landas sa career ni Liza.

Kasalukuyang nasa America si Liza Soberano upang tuparin ang kanyang Hollywood dream. Sa ngayon ay napasama si Liza sa isang horror-thriller movie ni Lisa Frankenstein. Kung saan gagampanan niya ang papel ng kapatid ng lead female.

Nananatili naman si Enrique Gil sa Pilipinas at sa kaparehong network.

Samantala, usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens na tila hindi na rin magtatagal ang relasyon ng dalawa bunsod ng kanilang pagkakalayo.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo