Yari! Arjoe Atayde Nagreact Sa Pagbubuntis Ng Kapatid Niyang Si Ria Atayde Kay Zanjoe Marudo!

Lunes, Setyembre 5, 2022

/ by Lovely


Kinumpirma na ang relasyon ng kapwa Kapamilya stars na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Matatandaang ipinagdiriwang ni Zanjoe Marudo ang kanyang ika-40 na kaarawan noong July 23, 2022. Ginanap ang kanilang selebrasyon sa Bataan kung saan lumaki ang aktor. Present sa nasabing okasyon ang ilang kaibigang celebrities ni Zanjoe Marudo, kabilang na rito ang kanyang girlfriend na si Ria Atayde.

Kapansin-pansin sa mga kumakalat na larawan ang pagiging malapit at sweet nila sa isa't-isa. Dito nagsimula ang mga usap-usapang may namamagitan at nagkakamabutihan na ang dalawa.



Samantala, sa pagpunta nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa ibang bansa, agad namang kumalat ang balitang buntis si Ria sa anak nila ni Zanjoe Marudo. Ayon sa isang reliable source, inamin na umano ito ng dalawa. Masaya rin umano silang dalawa na agad na nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Kasalukuyang naglilihi umano ngayon si Ria kaya naman laging nakaalalay sa kanya ang kanyang boyfriend. Samantala, nagbigay naman ng reaction ang kapatid ni Ria Atayde na si Arjo Atayde sa isang panayam, kung ano ang kanyang reaction hinggil sa pagbubuntis ni Ria.

Hindi naman umano siya nakikialam sa desisyong ito ni Ria dahil nasa tamang edad na umano ito. Masaya naman umano siya para rito dahil sa wakas ay nakatagpo na ito ng lalaking magmamahal sa kanya. Masaya din umano siya sa pagbubuntis ni Ria dahil magkakaroon na siya ng pamangkin.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo