Kapamilya Star-Inaming Single Mom Na?

Lunes, Setyembre 5, 2022

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang sikat na Kapamilya actress, dahil matapos ang ilang buwang pananahimik hinggil sa isyu ng hiwalayan nila ng kanyang partner, nagbigay na siya ng pahayag.

Sa isang panayam, inamin na sa wakas ni Janella Salvador na isa na siyang single mom ngayon. Ngunit, alam naman umano niyang makakaya niyang malagpasan ang kinakaharap niyang pagsubok sa buhay ngayon.

Ayon kay Janella, "At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin."

Dagdag pa niya, "I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba."

Matatandaang ilang buwan na ang lumipas mula nang mapabalitang naghiwalay na sina Janella Salvador at ang kanyang partner na si Markus Paterson.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo