Nakakakilig! Zanjoe Marudo at Ria Atayde Masayang Inamin Ang Kanilang Engagement!

Lunes, Setyembre 5, 2022

/ by Lovely

Masayang ibinalita ng Kapamilya Stars na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang kanilang engagement.

Ayon pa sa kumakalat na balita, tila mauuna pa si Ria na magpakasal kina Maine Mendoza at sa kapatid nitong si Arjo Atayde. Pribado umano ang ginawang proposal ni Zanjoe Marudo. Ang pagpunta pala ng dalawa sa Amerika ay parte sa proposal ni Arjo.

Kilig na kilig naman ang tagahanga ng dalawa dahil sa balitang mauuna pa silang magpakasal kina Arjo at Maine. Matatandaang usap-usapan ngayon ang balitang buntis na umano si Ria Atayde at ang itinuturong ama ay si Zanjoe Marudo.



Hinuha ng mga netizens na ang pagbubuntis ni Ria ang dahilan kung bakit minadali ni Zanjoe ang pagpopropose. Sa isang online show kung saan ininterview ang dalawa, ibinahagi nila ang naganap sa nasabing proposal.

Ayon sa kanila, ang kumakalat na larawan kung saan makikita silang kumakain sa isang resto sa New York kasama ang pamilya ni Zanjoe ay ang araw na naganap ang proposal ni Zanjoe kay Ria. Simple man ang naganap na proposal sa New York ay puno'm puno naman sila ng kasiyahan at pagmamahalan.

Ayon kay Ria, hindi niya inexpect na gagawin ni Zanjoe ang pag-propose sa kanya. Ngunit sa kabila ng lahat, buong puso niyang tinanggap ang singsing mula kay Zanjoe.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo