Lagot Na! Ace Fabian Ikinanta Ng Mga Suspek!

Walang komento

Huwebes, Setyembre 1, 2022


May panawagan kay Sen. Raffy Tulfo ang mga suspek sa pagpaslang kay Jovelyn Galleno. Ayon sa kanila ginigipit umano sila ng totoong may sala at maging ang kanilang pamilya ay pinagbabantaan rin nito.

Humihingi ngayon ng tulong si Leobert Dasmarinas kay Sen. Raffy Tulfo upang matulungan siyang malinis ang kanyang pangalan at hindii na  masangkot sa kaso.

Matatandaang inamin noon ni Leobert na isa siya sa mga nagplano sa karumal-dumal na ginawa kay Jovelyn Galleno at itinuro pa mismo ang kinaroroonan nito at kung saan makikita ang mga kagamitan nito. Ngunit, hindi pa man lumabas ang resulta ng DNA test biglang binawi ni Leobert ang kanyang pahayag.

Samantala, marami ngayon ang naging curious kung sino nga ba ang totoong utak ng nagawang krimen kay Jovelyn Galleno.



Pina-Laya Na Ang Pinsan Ni Jovelyn Galleno Pero Nangangamba Siya!

Walang komento

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang pagpapalaya ng isang suspek sa kaso ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmarinas.

Sa paglaya ni Leobert, makikita ang pangamba sa kanyang mukha na tila ba may nagmamanman sa kanya. Napansin din ito ng nakababatang kapatid ni Jovelyn Galleno na si Jonalyn Galleno. Nang minsang makausap niya si Leobert makikita umano sa mukha nito ang takot.

Matatandaang inamin noon ni Leobert na hindi si Jovelyn ang natagpuang kalansay. Tila napilitan lang talaga itong akuin ang krimen. Samantala, ikinagulat ngayon ng mga netizens ang pagpyansa ni Leobert sa halagang 100,000 pesos.



Ayon sa mga pulis, accurate na umano ang lumabas na resulta ng DNA test at hindi na magbabago.

 

Herlene Di Makapaniwala Sa Ginawa Ng Jag Company Sa Prize Niya Sa Binibining Pilipinas!

Walang komento


Labis na inaabangan ang mananalong Jag Denim Queen sa Bb. Pilipinas. Ngayong taon si Herle Nicole Budol ang nakakuha sa titulong ito.

Ang mapapanalunang cash prize ay dapat nasa 100,000 pesos, ngunit hindi umano ito tinupad ng Jag. Sa halip na 100,000 pesos, dinoble ng Jag ang kanilang cash prize para sa nanalong kandidata.

Ayon sa Facebook post ni Herlene ang hinihiling niya lamang noon ay magkaroon ng kisame ang kanilang tahanan upang kahit papaano ay hindi mainitan ang kanyang tatay at nanay ngunit house and lot ang ibinigay sa kanya sa tulong ng Panginoon at sa pamamagitan ng kanyang Manager na si Wilbert Tolentino.

"Ang lakas ko tlga kay Lord. dati yung hiling ko lang ay magkaron lang kami ng Kisame para d mainitan sila tatay at Nanay pero Nagkaron ako ng House & lot dahil kay Sir Wilbert Tolentino.

Ngayon, History repeats itself. Yung JAG DENIM QUEEN sa Jag Jeans Company ay 100k lamang ang premyo ang na Annunsyo ng Binibining Pilipinas 2022. Na ginulat naman ako today sa natanggap ko dahil dinouble prize nila ang Premyo. Super Happy ako dahil bonus pa yung may LED Billboard pa ako sa Edsa. Sobrang Solid pag sali ko sa BBP. Wala akong regret at marami ako natutunan sa patimpalak naranasan ko.
Marami Maraming Salamat Mima Wilbert Tolentino sa pag bantay ng Voting at araw araw mag promote sa lahat ng socmed namin ni Ate Madam inutz. Kht may nag Auto likes. Di ka nawalan ng pag asa at tuloy tuloy mo ilinaban hanggang sa dulo lahat ng Sponsor ng BBP. indi ko ma imagine sa loob ng 58 yrs ng Binibining Pilipinas at ako palang nakapag record breaking na naka uwi ng WALONG AWARD at 1st Runner up. Salamat sa motivation at inspirasyon. Your the best po Mima. Mahal ka ng buong KaSquammy, KaBudol at KaHiponatics ko dyan. God bless everyone."

Masayang ibinahagi rin ni Herlene na dinoble ng Jag ang ibinigay na premyo sa kanya at may bunos pang LED billboard.

Napaka blessed talaga ni Herlene dahil sa kabila ng unang sabak sa National pageant nag-uwi na siya ng maraming awards at itinanghal pa bilang first runner up.



Samantala, sa darating na November lalaban si Herlene bilang Miss Planet Philippines at susubukang iuwi ang korona ng Miss Planet sa Pilipinas. Tiyak magagamit ni Herlene sa Miss Planet pageant ang mga karanasan niya sa Bb. Pilipinas.

Abs-Cbn-Tv5 Partnership Deal-Tuloyan Nang Kinansela?

Walang komento

Tuluyan nang kinansela ang investment partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Ayon sa inilabas na official statement na inilabas ng ABS-CBN ngayong araw, September 1, 2022.

"In disclosures to both the Philippine Stock Exchange and the Securities Exchange Commission today, Sky Vision Corporation (“Sky Vision”), ABS-CBN Corporation, Lopez, Inc., and Cignal Cable Corporation (“Cignal Cable”) announced that they have mutually agreed to terminate the Sale and Purchase Agreement dated 10 August 2022 covering the proposed acquisition by Cignal Cable of 38.88% equity interest in Sky Cable Corporation and the Debt Instruments Agreement dated 10 August 2022 covering the proposed subscription by Cignal Cable to an Exchangeable Debt Instrument to be issued by Sky Vision and the proposed acquisition by Cignal Cable of a Convertible Note issued by Sky Cable. The termination was formalized through a Memorandum of Agreement. The Parties confirmed that they have not implemented any of the transactions covered by the Sale and Purchase Agreement and the Debt Instruments Agreement.
 
In a separate disclosure, TV5 Network, Inc. (“TV5”) and ABS-CBN Corporation ("ABS-CBN") also announced that they have mutually agreed to terminate the Investment Agreement dated 10 August 2022 covering the proposed acquisition by ABS-CBN of 34.99% equity interest in TV5 and the Convertible Note Agreement dated 10 August 2022 covering the proposed subscription by ABS-CBN to a Convertible Note to be issued by TV5. The termination was also formalized through a Memorandum of Agreement. The Parties confirmed that they have not implemented any of the transactions covered by the Investment Agreement and the Convertible Note Agreement."



Tila natupad ang hinihiling ni Rep. Rodante Marcoleta na makansela ang partnership agreement sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Just in: Leobert Dasmarinas Humingi Ng Tulong Kay Idol Raffy Tulfo!

Walang komento

Miyerkules, Agosto 31, 2022


Humihingi ngayon ng tulong kay Sen. Raffy Tulfo ang mga suspek sa nangyaring krimen kay Jovelyn Galleno.

Ang mga suspek na sina Leobert at Jovert ay mga pinsang buo ni Jovelyn Galleno. Ayon sa kanila pinilit lamang sila ng mga pulis na umamin sa nangyaring krimen at wala talaga silang kasalanan. Matatandaang nagviral ang pagbibigay pahayag ng dalawa at nagtulakan pa kung sino ang totoong may gawa sa krimen.

Sa latest na impormasyong aming nakalap, humingi umano ng tulong kay Sen. Raffy Tulfo ang pamilya ng mga suspek. Ayon sa mga ito, pinipilit lamang sila sa pag-amin ng totoong mastermind sa nangyari sa dalaga.



Samantala, naniniwala naman ang ilang mga netizens na posibleng totoo ang pinilit lamang ang mga ito. Marami rin ang naniniwalang maging ang DNA test result ay peke rin umano ang resulta. Hiling  ngayon ng mga netizens na sana'y bigyan ng pansin ni Sen. Raffy Tulfo ang mga hinaing ng pamilya ng suspeks.

Kapuso Singer-Inspirasyon Ang Bigating Kapamilya Singer?

Walang komento


Noong nagsisimula pa lamang ang Kapuso singer na si Julie Anne San Jose sa music industry, pinangarap na niyang maka-duet ang sikat na Kapamilya singer na si Gary V.

Sa virtual media conference sa kanyang bagong kantang pinamagatang Di Ka Akin, inamin niya ang kanyang paghanga kay Gary V. mula noong bata pa siya. Hindi umano niya inaakala na matutupad niya ang kanyang pangarap na iyon.

Pagkukwento ni Julie Anne San Jose, "Si Tito Gary, he's been one of the people talaga na I''ve always waanted to collaborate with. I mean, it's always been a dream."

Dagdag pa ni Julie Anne, "Nakakataba talaga ng puso, kasi si Tito Gary, isa siya sa musical influencer ko ever since when I was a kid."



Ibinahagi rin ni Julie na kapag may programa noon  sa kanilang paaralan, palagi niyang kinakanta ang mga awitin ni Gary V.

Matapos Masunog Ang Bahay! Jaya Ito Ang Buhay Sa Amerika!

Walang komento


Kasalukuyang nasa San Jose California si Jaya. Nagpapasalamat siya sa mga taong nagpa-abot ng panalangin at tulong sa kanilang pamilya matapos masunog ang kanilang bahay.

Matatandaang noong August 7, 2022 nasunog ang bahay nila ni Jaya matapos ang celebration nila sa kaarawan ng isang anak. Ayon kay Jaya, unti-unti na silang nakakarecover sa trahedyang nangyari. Kasalukuyang nangungupahan muna umano sila ng kanyang pamilya at nagpaplano na sa susunod na taon ay muli silang makakabili ng bagong bahay.

Sa ngayon ay gumagawa si Jaya ng mga shows kasama ng ilang American artists.



Elias Na Implwensyahan Na Ng Step Dad Na Si Derek!

Walang komento


Tila na impluwensyahan na ni Derek Ramsay ang anak ni Ellen Adarna na si Elias.

Nakitaan na ngayon ang bata sa pagkahilig sa paglalaro ng golf. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na golf ang kinahiligang sports ni Derek Ramsay. Tuwang-tuwa naman si Derek Ramsay sa pagkakahilig ni Elias sa kanyang kinahiligang sports.

Makikita sa ibinahaging video na masayang tinuturuan ni Derek Ramsay ang kanyang step son.



Kim Chiu Bumuhos Ang Luha Sa It'S Showtime!!!

Walang komento


Napaluha si Kim Chiu sa isang episode ng It's Showtime matapos mapag-usapan ang tungkol sa naging hero ng kanyang buhay bilang pagce-celebrate sa National Heroes Day nitong August 29.

Ayon kay Kim ang kanyang Ate ang itinuturing hero ng kanyang buhay dahil ito ang nag-alaga sa kanya. Wala umano ang ina nila at wala rin minsan ang kanilang ama. Wala umanong asawa at anak ang kanyang ate dahil sa pag-aalaga sa kanilang magkakapatid.

Ibinuhos ng kanyang ate ang kanyang attention sa magkakapatid na Chiu kaya labis ang pasasalamat ni Kim rito.



Detalye Ng Lambingan Nina Cassy Legaspi at Darren Espanto Sa Beach Sa Batangas!

Walang komento


Kilig na kilig ang mga tagahanga nina Cassy Legazpi at Darren Espanto matapos ibinahagi ng dalawa ang kanilang date sa Nasugbu, Batangas.

Noong August 28, nagpost si Darren Espanto ng ilang mga larawan niya na nagrerelax sa beach. Sa isang larawan ni Darren na nakasuot na shades ay makikita sa reflection ang aktres na si Cassy Legazpi na nakatingin dito habang kumukuha ng selfie.

Samatala, nagbahagi naman ng tila kaparehong post si Cassy. Kabilang sa mga ibinahaging larawan ni Cassy sa kanyang Instagram ay ang larawan ng isang lalaki na pinaghihinalaang si Darren Espanto.

Matatandaang, sinabi noon ni Darren na close friend lamang silang dalawa ng dalaga. Close friends na tipong alam nila ang halos lahat ng bagay tungkol sa isa't-isa. Bagama't may nang-iintriga sa dalawa at sinabing tila may namumuo na sa pagitan nila, iginiit ng dalawa na magkaibigan  lamang ang kanilan relasyon.



Binabatikos Ngayon Si Pambansang Kolokoy Matapos Na Umamin Na Meron Ng Kinakasama!

Walang komento

Binabash ngayon si Joel Mondina na mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy dahil sa pag-aming may bagong kinakasama na ngayon.

Umani ng pambabatikos ang pag-amin ni Pambansang Kolokoy nitong nakaraang araw na hiwalay na sila ng kanyang asawa at may bagong kinakasama na siya ngayon. Ayon pa sa kanya hindi niya pinagsisihan ang kanyang desisyon at masaya siya sa piling ng bagong kinakasama niya ngayon.

Marami ang nagulat sa paglalahad na ito ni Pambansang Kolokoy dahil kung pagbabasehan ang kanilang vlog kasama ang asawa ay tila masaya naman ang kanilang pagsasama. Hindi man diretsahang sinabi na third party ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, mahahalata naman dahil mayroon na siyang bagong kinakasama ngayon.

Matapos ang pag-aming ito ni Pambansang Kolokoy, binabatikos ngayon ang vlogger sa mga social media platform. Komento ng ilang mga netizens na sinayang at ipinagpalit lamang ni Pambansang Kolokoy ang 20 years na pagsasama nila ng kanyang asawa.

Dagdag pa ng mga ito, feeling pogi umano itong si Pambansang Kolokoy kaya naghanap ng bago. Tila hindi natanggap ng ilang mga netizens na matapos ang mahigit 20 years basta basta na lamang nitong tinapos ang relasyon nila ng kanyang asawa. Ang mas nakakayamot pa'y mayroon agad itong kinakasama na proud niyang sinabi na masaya sila ngayon.

 

Grabe! Raffy Tulfo Nagulat at Hindi Makapaniwala Sa Naging Resulta Ng Dna Test Ni Jovelyn Galleno

Walang komento

Labis na nalulungkot ang pamilya ng nawalang dalaga noong August 5 2022, matapos lumabas ang DNA test result mula sa natagpuang kalansay na pinaghihinalaan noon na si Jovelyn.

Hindi sila makapaniwala na ang nakitang kalansay sa damuhan ay si Jovelyn dahil dalawang linggo pa lamang itong nawawala. Maging si Sen. Raffy Tulfo ay tila hindi rin makapaniwalang ito ay si Jovelyn kaya nais muling ipa-DNA test ang kalansay.

Labis na nakakaawa ang naiwang pamilya ni Jovelyn dahil ang itinuturing na suspek ay mga kaanak pa nila. Hindi sila makapaniwalang nagawa nila ito sa sarili nilang pinsan.

Samantala, patuloy pa ring umaasa ang mga kaanak na hindi talaga ito ang nawawalang dalaga.

 

Ibinunyag Na! Detalye Ng Hiwalayan Nina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina!

Walang komento

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang hiwalayan ng dalawang online personality na sina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina.

Matapos ang matagal nilang pagsama sa loob ng 22 years, ibinahagi ni Pambansang Kolokoy na naghiwalay na sila ng kanyang asawa na si Marites Mondina. Marami ang nagulat sa rebelasyong ito ni Pambansang Kolokoy at tila hindi makapaniwala ang kanyang mga fans.

Ang mag-asawa ay isa sa mga vloggers na hinahangaan ng netizens. Sa Youtube Vlog ni Pambansang Kolokoy matapang niyang inamin na hiwalay na sila ni Marites kaya hindi na sila namataang magkasama. Ayon sa kanya, hindi pa sana umano siya dapat magsalita ngunit minabuti niyang aminin ang malungkot na kinahantungan ng kanilang pagsasama.

Inamin din ni Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy na mayroon na siyang bagong kinakasama ngayon. Hindi din umano siya nagsisisi sa nangyaring paghihiwalay nila ng kanyang asawa. May mga bagay din umano kasing hindi nakikita sa social media. Kaya nasasabi ng ilan na perfect couple sila.

Nilinaw naman ni Joel na maayos ang kalagayan ng kanyang mga anak at sinabing hindi niya ito pinapabayaan.



Ang rebelasyong ito ni Joel ay umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga hindi nagustuhan ang pagbabahagi ni Joel na tila proud pa umano itong may bago ng kinakasama ngayon. Tila wala umano itong respeto sa kanyang asawa. Dagdag pa ng ilan, may malaking ambag ang kanyang asawa sa success na tinatamasa niya ngayon tapos hiniwalayan lang. Tiyak mas bata umano ang ipinalit.

Samantala, nananatiki pa ring tahimik si Marites Mondina hinggil sa pag-aming ito ni Joel.

Imelda Marcos Matapos Bantaan Ni Manny Na Kakasuhan! Pacquiao Kulong Dahil Sa 1 Million Dollar Na Kaso

Walang komento

Matatandaang noong kasagsagan pa lamang ng election camapaign period, sinabi ni Manny Pacquiao na kung sakaling papalarin siyang manalo bilang pangulo ng bansa ay una niya tututokan ang pagbawi sa umano'y ninakaw ng mga Marcos mula sa kaban ng bayan.

Ngayon tila nabaligtad ang lahat matapos lumabas ang isang report na kakasuhan umano si Manny Pacquiao ng isang Filipino- US based author. Ayon sa balita, sasampahan ng kaso si Manny Pacquiao dahil sa breach of contract.

Ang nasabing law suit ay magkakahalaga ng aabot sa 1 million dollars. Ito ay dahil sa breach of contract sa pagpupublish ng mga libro hinggil sa biography ni Manny Pacquiao. Nakasaad umano sa kanilang verbal agreement na bibili si Manny ng atleast 25,000 copies at ididistribute ito sa lahat ng SK Chairman sa buong bansa. Ngunit, matapos ma published ang nasabing mga libro hindi na makontak si Sen. Manny.

Sa complaint ni Llana, nagbigay ng approval sa pagpupublish ng libro sa harap ng kanyang former coach na si Emil Romano, businessman na si Peter Cadorna, Fleurese Llana at sa mismong author.

Ayon kay Llana, bagama't ang nasabing kasunduan ay dapat ay nakasulat, maituturing ding valid ang mga verbal agreements. Kapag ang isang party ay hindi nai-fulfill ang kanilang part maari itong sampahan ng kaso.



Teacher Na Pulis Ni Jovelyn Galleno Nagsalita Na Sa Publiko!

Walang komento

Nagbigay na ng pahayag si Ace Abian hinggil sa mga isyung pandadawit sa kanya sa pagkawala at pagpaslang kay Jovelyn Galleno.

Si Ace Abian ay isang teacher ni Jovelyn Galleno na isa ring pulis. Ayon sa kapatid ni Jovelyn Galleno na si Jonalyn, may gusto umano ito kay Jovelyn ngunit walang gusto ang kanyang kapatid rito.

Matatandaang hindi nagpaunlak sa panayam ni Raffy Tulfo si Ace Abian noong nakaraan dahil nasa isang seminar umano ito. Ngayon, binasag na nito ang kanyang katahimikan at nagbigay na ng pahayag sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Ayon sa post ni Ace Abian, walang katotohanan na nagde-activate siya ng account. Hindi umano niya ito gagawin dahil malinis ang kanyang konsensya at alam niyang wala siyang kinalaman sa nangyari. Hiling naman niya na sana ay nabubuhay pa si Jovelyn upang ito ang makakapagsasabi sa totoong nangyari.

"Bakit kumakalat na naga deactivate daw ako ng account bakit ko naman gagawin yon!?  Parang pinatunayan ko naman na talaga akoy may sala na apiktado ako hindi ko magagawa kay jovelyn ang mga pinaparatang ninyo sa akin kya kung si jovelyn ang hanggang ngayon at nabubuhay sana nga para maipaliwanag nya sa inyo paano nangyari sa kniya lahat at ano mga sinapit nya bakit ako maga deactivate account di nmn ako apektado malinis ang kunsyensya na antayin nyo pagharap ko marami lang ako inaasikaso."



Inamin din nito sa isa pang post sedan at mettalica rin ang kanyang sasakyan ngunit mayroon itong logo ng bungo sa harapan, na hindi naman nabanggit ng nakakita umano sa dalaga. Samantala, idedemanda umano nito ang lahat ng mga taong naninira sa kanya at mayroon umano siyang screenshots sa mga komento ng mga ito.

Bulgaran Na! Ogie Diaz Isiniwalat Na Ang Pagbubuntis Ni Julia Barretto!

Walang komento

Martes, Agosto 30, 2022


 Matapos mapabalita ang umano'y pagbubuntis ni Julia Montes sa ikalawang anak umano nito, ang isa pang Julia ang pinag-uusapan ngayong buntis.

Dawit sa usaping pagbubuntis si Julia Barretto dahil nasa isang relasyon ito kasama si Gerald Anderson. Marahil naman ginagawan lamang ito ng isyu ngayon para sa promotion ng kanyang bagong pelikula na Expensive Candy kasama si Carlo Aquino.

Samantala, wala namang makikitang baby bump si Julia alinman sa mga photos nito. Matapos ang pang-iintrigang buntis si Kylie Padilla at mapabulaanan ito, tila pinapasa lamang ng ilang mga marites ang isyu kay Julia Barretto.

Napag-usapan din ito sa online show ni Ogie Diaz. Ayon sa kanila, usap-usapan umano ito ng ilang mga production staff sa isang taping.Ayon pa kay Ogie, dahil hindi umubra ang tsismis na buntis si Kylie si Julia naman ngayon ang pinupuntirya ng ilang mga marites.



Nakakaawa! Latest Update, Ina Ni Jovelyn Galleno Hinimatay Sa Resulta Ng Dna Test Ni Jovelyn Galleno

Walang komento

Inilabas na ng mga pulis ngayong araw ang resulta ng isinagawang DNA test sa natagpuan kalansay na pinaghihinalaang si Jovelyn Galleno.

Base sa resulta ng DNA test, lumabas na 99.99% positive na kay Jovelyn Galleno ang nakitang kalansay sa Sito Pulang Lupa Brgy. Sta. Lourdes Puerto Prinsesa. Ang sample na kinuha para sa DNA testing ay mula sa sample na nakulikta mula sa mga buto at swab sample ng ina ni Jovelyn Galleno.

Si Jovelyn ay nawala noong August 5, 2022 at ang kalansay ay natagpuan noong August 23, 2022. Natagpuan rin malapit sa kalansay ang ilang personal na gamit ni Joveln at mga Identification cards. Naging daan sa pagkakatagpo ng nasabing kalansay ay ang pag-amin ng isang suspek na si Leobert Dasmarinas, isang pinsan ni Jovelyn. Inamin ng suspek na may kinalaman siya sa krimeng nangyari sa dalaga.

Nakasampa na ang mga kaso laban sa mga suspek. 



Darren Espanto at Cassy Legaspi Magkasamang Nagpunta Sa Batangas!

Walang komento


Magkasamang nagbakasyon sina Darren Espanto at Cassy Legaspi sa isang beach. Sa kani-kanilang Instagram account makikita ang kanilang mga update kung saan ibinunyag nila na sila ay magkasama sila sa Nasugbu, Batangas escapade.

"Throwin’ out the shade for a little bit of sunshine," caption ni Darren sa kanyang post.

"In the moment," caption naman sa post ni Cassy.



Lolit Solis Hindi Maka Move on Sa Pag Cancel Sa Kaniya Ni Bea Alonzo!

4 (na) komento


Kamakailan ay ibinahagi ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagam na may isang fans ni Bea Alonzo na nagbigay sa kanya ng advice na naging dahilan na titigilan na niya ang panglalait sa aktres. Ngunit, tila muling binanatan ni Manay si Bea sa kanyang Instagram account.

Sa latest Instagram post ni Lolit Solis, tila nagtataka ito lung bakit hindi umano ipinagtatanggol ng team ni Bea ang aktres.

"Naku Salve , talagang ayaw ko ng pansinin si Bea Alonzo dahil parang waste of time na. Nagtataka ako na hindi naman siya ipinagtatanggol ng Team Bea maliban sa magpa cancel ng mga press people na tulad nyo ni Gorgy sa presscon na hindi naman sila ang gumasta, at pressured lang nila ang may ari na huwag tayo invite or else hindi darating si Lola Bea na wala naman nagawa sa sales ng product na endorser siya. Imagine mo, isang product na madali sanang mabili sa market hindi naging saleable dahil endorser si Bea Alonzo. Malulugi niyan ang mouthwash na si Bea ang nagbenta. Kawawa naman. Kasi nga negative agad ang ginawa ng Team Bea niya, nagpa cancel agad ng mga taong puwede pa sana makatulong sa kanyang palaos na career. Naku baka hindi na ma renew ang contract dahil sa mababang sales. Naku Gorgy at Salve, dapat alisin na ang sumpa, baka naman hindi si Bea Alonzo ang nagpa cancel, baka iyon Team Bea niya nag power trip lang , pero dahil nangyari na, Ok lang, basta tandaan, lahat ng sikat nalalaos, maganda nagiging pangit, bata tumatanda. Aral iyan Bea Alonzo na dapat mong pag aralan, huwag masyado ilusyonada, tumapak sa lupa, or else, baka madapa. Hah hah hah, joke joke joke."

Tila ngayon lamang na-realize ni Manay Lolit na maaring hindi naman si Bea mismo ang nagpa-cancel sa kanila kundi isa sa team nito. Samantala, patuloy pa rin ang pananahimik ni Bea Alonzo sa mga patama sa kanya ni Lolit Solis.



Kapamilya Aktor at Kapuso Aktres-Magtatambal Sa Isang Teleserye?

Walang komento

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang upcoming series ng Kapamilya actor at Kapuso actress.

Ayon sa aming nakalap na ulat, magsasama sa isang teleserye sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia. Ang kanilang teleserye ay ipo-roduce ng Dreamscape Entertainment. Ayon pa sa ulat, nagkasundo na umano ang ABS-CBN at GMA7 na gagawa ng teleserye na pagbibidahan ng kanilang mga talent.

Tila tuloy na tuloy na ang collaboration ng ABS-CBN at GMA7 para sa magandang project. Ito ay sisimulan sa susunod na taon, 2023.



Handa Na! Ellen Adarna Inamin Na Gusto Ng Magka-Anak Kay Derek Ramsay!

Walang komento

Sa kabila ng walang proyekto sa showbiz, tila hindi apektado ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna. Makikita naman sa kani-kanilang social media accounts na masaya sila bilang mag-asawa kasama ang kani-kanilang mga anak sa una nilang mga relasyon.

Ngunit sa kabila ng kanilang pananahimik, marami pa rin ang napapatanong kung kailan nila balak na magkaanak. Ayon naman sa mga solid fans ni Ellen, hindi na umano bumabata pa si Ellen. Kaya mahalaga umanong habang maaga pa ay planuhin na ng dalawa ang pagkakaroon ng anak.

Sa latest interview kay Ellen Adarna, inamin nito na handa na siyang magkaroon ng anak sa asawang si Derek Ramsay. Ayon pa kay Ellen nais niyang magkaroon ng indifinite live sa showbiz. Nais muna umano niyang magpahinga sa paggawa ng mga bigating proyekto. Hinuha naman ng mga netizen na ginawa ito ni Ellen bilang paghahanda sa pagkakaroon nila ng anak ni Derek Ramsay.

Ayon sa plano nilang mag-asawa, nais nilang magkaroon ng anak sa darating na year 2024. Nasiyahan naman ang kanilang mga tagasuporta sa desisyong ito ng mag-asawa.

 

Bistado!! Tuloy Ang Kaso Laban Sa Mga Sus-Pek Ayon Sa Kapulisan!

Walang komento


Tuloy pa rin ang kaso laban sa mga suspek sa kabila ng pagtanggi ni Jovert Valdistamon na sangkot siya sa panggagahasa at pagpaslang kay Jovelyn Galleno.

Sa korte na lamang umano magpaliwanag itong si Jovert Valdistamon hinggil sa pagtanggi niya na sangkot siya sa kaso ng panggagahasa at pagpaslang kay Jovelyn Galleno. Matatandaang unang lumantad si Leobert Dasmarinas at umamin sa nagawang krimen sa kanilang pinsang si Jovelyn Galleno. Ito rin ang nagdawit at nagturo na sangkot din sa krimen ang isa pang pinsan na si Jovert Valdistamon. Sa kabila ng pag-amin ni Leobert, mariing itinanggi ni Jovert na sangkot siya sa kaso.

Samantala, marami sa mga nakuhang ebidensya ng mga pulis ang umano'y nagpapatunay na silang dalawa ang gumawa sa kalunos-lunos na krimen kay Jovelyn Galleno.

Ipinapangako naman ng mga pulis ang na may kakaharaping kaso ang mga ito sa kabila ng pagbabago ng kani-kanilang salaysay.



Nagkabukingan Na! Pulis Na Professor Ni Jovelyn Galleno Hindi Kinakusap Si Raffy Tulfo!

Walang komento

Ibinahagi ni Jonalyn Galleno ang bagong impormasyon mula sa kaibigan ni Jovelyn Galleno. Kaugnay ito sa isang Pulis na nagkagusto umano kay Jovelyn. Nagmessage pa umano ang pulis na ito sa messenger ng dalaga matapos ang isang araw na pagkawala nito.

Ayon sa pahayag ni Jonalyn Galleno sa panayam nito kay Raffy Tulfo, ibinahagi niya na may isang pulis na professor na nagkagusto umano sa dalaga. Ngunit, ayon kay Jonalyn, ayaw ng kanyang kapatid sa nasabing professsor.

Samantala, hindi naka-usap ang nasabing pulis dahil nasa seminar umano ito. Hinuha ngayon ng ilang netizens na sangkot umano ang nasabing pulis sa kaso ni Jovelyn.

 

Breaking News! DNA Test Result Positive Si Jovelyn Galleno Ang Kalansay!

Walang komento


 Ibinahagi ng Palawan Police ngayong araw August 30, 2022 sa pamilya ng biktimang si Jovelyn Galleno ang resulta ng isinagawang DNA test sa natagpuang kalansay. Ayon sa resulta ng DNA test mula sa kalansay at mula sa magulang ni Jovelyn, 99.99% match. Nangangahulugan lamang ito na ang nakitang kalansay ay totoong si Jovelyn base sa nasabing resulta ng DNA test.

Samantala, kasalukuyang gumagawa ng parallel investigation ang NBI hinggil sa kaso ni Jovelyn Galleno. Magsasagawa rin ang NBI ng DNA test sa nakitang mga parte ng tao na nakita sa Sitio Pulang Lupa. Nagbigay din ng dirkektiba sa kanila si Sen. Raffy Tulfo tungkol sa parallel investigation sa mysteryosong pagkawala ni Jovelyn Galleno.

Kasalukuyang nangangalap ang NBI ng impormasyon hinggil sa mysteryosong kasong ito ni Jovelyn Galleno.



Bistado!! Colonel at Lieutenant Involved Sa Kaso Ni Jovelyn Galleno!

Walang komento


 Base sa panayam ni Sen. Raffy Tulfo sa Programang Raffy Tulfo in Action, napag-alaman na may inamin ang isang suspek sa kapatid ni Jovelyn Galleno. Ayon sa suspek, dinidektahan siya isang pulis kung ano ang dapat niyang sabihin. Itinuro din nito kung sinong pulis ang nagdidikta sa kanya.

Samantala, sinabi naman ng kapatid ni Jovelyn na may nagchat umanong professor na pulis ni Jovelyn noong August 6, 2022. Base sa chat, hinahanap umano nito si Jovelyn ngunit ang pinagtataka nila, hindi naman naka-enroll si Jovelyn.

Tila nawalan na ng tiwala ang pamilyani Jovelyn sa kapulisan kaya naman humingi na rin sila ng tuloy mula sa NBI. Sa tulong naman ni Sen. Raffy Tulfo, agad nag-imbestiga ang NBI at agad tiningnan ang lugar kung saan nakita ang umano'y kalansay ng dalaga.

Nagsagawa na rin ang NBI ng DNA test sa pinaghihinalaang kalansay ni Jovelyn. Ayon sa mga ulat, tinututukan ng NBI ang kaso ni Jovelyn Galleno. Nagsagawa na rin umano sila ng hiwalay na imbestigasyon hinggil sa kaso ni Jovelyn mula ng pormal na complaint ang pamilya ng biktima.

Ngayong linggo, inaasahan na darating roon ang mga eksperto mula sa Manila upang tumulong sa pagkalap ng mga impormasyong mas makakatulong sa kaso.



Dismayadong Fan Ni Deanna Wong, Naglabas Ng Hinaing Sa Social Media!Snob si Deanna!

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media ang paglalabas ng hinaing ng umano'y isang fan ng sikat na volleyball player na si Deanna Wong.

Nadismaya ang nasabing fan matapos hindi mapagbigyan ni Deanna na makapagselfie sa kanya. Ayon sa post ng fans, sinubukan umano niyang makipagselfie kay Deanna. Nilapitan niya ito at nagpaalam ngunoit hindi man lamang umano siya pinansin nito. Napaka-snob umano ni Deanna.

Samantala, mapapansin naman sa ibinahaging video ng nasabing fan na tila may pinagkakaabalahan si Deanna. Pagtatanggol naman ng ilang mga fans, napansin nila sa video na tila may inaayos na aberya si Deanna kaya hindi nito napagtuonan ng pansin ang nasabing fan.

Ipinagdiinan din ng ilang mga fans na dapat ay hindi maging bastos sa mga iniidolo at huwag basta-basta makipagselfie lalo na kung may ibang pinagkakaabalahan ang mga ito.

 

Asawa Ni Marian Rivera Na Si Dingdong Dantes Nag-Viral Kasama Sina Zia at Ziggy

Walang komento

Lunes, Agosto 29, 2022

Masayang nakipagkantahan si Dingdong Dantes sa kanilang mga anak ni Marian Rivera na sina Zia at Ziggy.

Bigay na bigay ang mga anak sa pagkanta habang tumutugtog ng gitara si Dingdong. Agad naman itong nagviral sa social media. Agad itong umani ng mga positibong komento at reaksyon mula sa mga netezins at tagahanga ng dalawa.

Marami ang nasiyahan sa closeness at bonding ng mag-aama.

 

Herlene Budol Lalaban Sa Africa, Officially Appointed Miss Planet Philippines 2022!

3 komento


Lalaban si Herlene Nicole Budol para Miss Planet Pageant na gaganapin sa Africa.

Appointed bilang Miss Planet Philippines ang Bb. Pilipinas First Runner Up na si Herlene Nicole Budol. Matatandaang kinumpirma noon sa kanyang birthday party na tuloy sa international pageant si Herlene. Baguhang pageant man ito ngunit kasali ito sa top 7 sa pageantry. Kahanay ng Miss Earth, Miss Grand at Miss Supra-International.

Sa inaugural competition, ay dinaluhan ito ng 34 candidates na ginanap sa Cambodia noong 2019. Dito itinanghal ang kauna-unahang Miss Planet mula sa South Africa na si Monique Best. Naging fourth runnner up naman ang kandidata ng Pilipinas na si Ms. Krisha Nicole Apaw.

Gaganapin ngayong taon ang second edition ng nasabing pageant. Dahil sa pandemya walang naganap na Miss Planet noong 2020 at 2021. Inaasahang lalahukan ito ng 70 candidates. Ang competition ay magsisimula sa Nov. 5 2022 sa Uganda. Ang paglalabanang korona ay nagkakahalagang 250,000 US dollar crown na gawa sa real gold, ruby at diamonds.



Kris Aquino Tiyak Magwawala Pag Nalaman Niya Ito, Martyr O Murd*Rer Kasado Na!

Walang komento

Matatandaang hindi napigilan ni Kris Aquino na magreact noong ipinalabas ang trailer ng Maid in Malacanang. Maging ang mga solid supporters ng mga Aquino ay hindi rin napigilan ang pagtaas ng kilay sa nasabing pelikula.

Ngunit hindi pa rin nagpaawat si Direk Darryl dahil kinasa na rin nito ang part 2 ng Maid in Malacanang, ang Martyr o Murderer. Hinuha ng ilangmga netizens na ang nasabing pelikula ay tungkol sa mga Aquino, particularly ang pagkapaslang ni Ninoy Aquino sa NAIA.

Ang napupusuan namang gaganap bilang Ninoy Aquino ay sina Herbert Bautista o Philip Salvador na parehong naging karelasyon ni Kris Aquino noon. Ayon tuloy sa mga netizens, tiyak magwawala si Kris Aquino sakaling matuloy ito.

Hindi pa man tiyak ang magiging plot ng pelikula, payo ni Cristy Fermin, sana ay hindi baguhin ang kasaysayan ng ating bansa at lituhin ang mga manonood.

 

Aj Raval Nagsalita Na Ukol Sa Issue Nila Ni Aljur Abrenica!

Walang komento


Matapos ang mainit na isyu ng umano'y pagbubuntis ng aktres na si AJ Raval nagpakita ito sa publiko.

Noong August 24, namataan si AJ na dumalo sa premiere ng pelikulang Sitio Diablo kasama ang kanyang ama na si Jeric Raval. Matapos ang isyu na nabuntis umano si AJ sa rumored boyfriend nitong si Aljur Abrenica. Matatandaang  nanahimik lamang ang dalawa at tila hinahayaan na lamang na mawala ang isyu.

Nang mamataan si AJ sa premiere ng nasabing pelikula, agad itong tinanong kung ano ang kanyang masasabi sa naglabasang mga haka-haka ng kanyang pagbubuntis.



Ayon sa aktres, pinapabayaan na lamang niya ang mga nang-iintriga sa kanya. Ayon pa sa kanya, kahit anong pagtatanggol sa sarili ang gagawin niya hindi pa rin ang mga ito titigil.

Kasal Ng Dating Kapamilya Actor Dinumog Ng Mga Artista!

Walang komento

Ikinasal nitong linggo ng hapon August 28 ang dating artista at Star Circle season 1 na si Raphael Martinez sa kanyang longtime girlfriend na si Lovely Terrado. Ang kanilang kasal ay ginanap sa Intramuros, Manila.

Kabilang sa wedding entourage ang mga kasabayan at kaibigan ni Raphael sa Star Circle season 1 na sina Joros Gamboa, Jason Abalos, Melissa Ricks, at iba pa. Ang kasal na ito ni Raphael ay tila naging reunion ng Star Circle Season 1.

Mga bigatin din ang mga kinuha nila ninang at ninong sa kasal na karamihan pa'y mga pulitiko, showbiz personalities na naging malapit sa ikinasal. Naging star-studded ang kanilang wedding kung saan nagperform ang ilan sa mga kaibigan nilang singers at artista.

 

Lolit Solis Excited Na Mapanood Muli Si Boy Abunda Sa Telebisyon!

Walang komento


 Nagbigay ng opinyon si Manay Lolit Solis hinggil sa balitang lilipat sa GMA7 ang sikat na TV host ng ABS-CBN na si Boy Abunda. Tanong pa ni Manay sa kanyang post, hindi na ba umano nag-eenjoy si Boy Abunda sa pagtatrabaho sa ABS-CBN?

"Kahit saan naman mag trabaho si Boy Abunda sure na enjoy ka trabaho niya Salve. Very professional, very credible at masarap siyang ka team sa trabaho. At tiyak na kung ano ipagagawa sa kanya, gagawin niyang mabuti , at maayos niya ng mahusay. Tiyak na welcome sight si Boy Abunda sa TV, dahil matagal ng wala siya sa screen eh marami parin siyang mga fans. Kaya welcome news ang balita na balik TV siya. Wait tayo sa muling pagbabalik ng King of Talk at talagang kanyang kanya lang ang title na iyan, siya lang may karapatan hawakan. Welcome back , Boy Abunda, the long wait is now over. Happy to have you back," post ni Manay sa kanyang Instagram kalakip ang larawan ng TV-host.



Joshua Garcia Ipinagtanggol Si Julia Baretto Tungkol Sa Issue Nitong Hiwalayan Kay Gerald!!

Walang komento


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagtatanggol ni Joshua Garcia sa kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto sa isyung kinakaharap nito ngayon.

Mainit na pinag-uusapan ang umano'y hiwalayan nina Julia Barretto at Gerald Anderson matapos ang filming nina Gerald at Kylie sa Switzerland. May mga ulat pang lumabas na umano'y nabuntis ni Gerald ang kanyang kapareha sa kanyang pelikula sa Switzerland na si Kylie Padilla.

Agad namang nagbigay ng pahayag si Kylie at pinabulaanan ang nasabing mga haka-haka. Samantala, nananatili namang tahimik ang magkasintahang sangkot sa nasabing isyu.

Samantala, nagbigay ng opinyon ang ex-boyfriend ni Julia Barretto na si Joshua Garcia hinggil sa mga isyung ito. Ipinagtanggol niya ang kanyang ex at sinabing walang katotohanan ang mga haka-hakang naghiwalay na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.



Tila mahihinuha na talagang nag-aalala pa rin si Joshua Garcia sa kanyang ex.

Kapamilya Tv-Host-Kapuso Na?

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang award-winning Kapamilya TV host. Ayon sa kumakalat na mga balita, lilipat na umano sa GMA7 ngayong taon ang Hari ng mga talk show na si Boy Abunda.

Matatandaang nagsimula sa GMA7 si Boy Abunda bago lumipat sa Kapamilya Network noong 1999. Ang una niyang programa sa ABS-CBN ay ang The Buzz.

Ayon sa mga ulat, may-usapan na umano sa pagitan ni Boy Abunda at mga executive sa GMA7. Nagpaalam na din umano si Boy Abunda sa ABS-CBN. Pagbalik umano nito sa bansa mula sa America sa September ay malalaman na kung balik Kapuso na ba siya.



Matatandaang inilahad noon ni Boy Abunda sa isang panayam na sinuspinde ng ABS-CBN ang kanyang kontrata dahil sa ABS-CBN shutdown. Ayon kay Boy Abunda sa tanong tungkol sa paglipat sa ibang network. 

"Depende sa pag-uusap. Makipag-usap ka ng maayps. Ako, my contract is suspended. I will be lying yo you if I say I didn't get offers to do talk shows."

Up_date: Jovelyn Galleno Tinago Ng Sus-Pek Dahil Hawak Ang Leeg Nito!

Walang komento

Matatandaan noong August 23, 2022, biglang lumutang ang suspek sa kaso ni Jovelyn Galleno na nagpakilalang si Leobert Dasmarinas. Siya ay umamin na may kinalaman siya sa pagkawala ni Jovelyn.

Ayon sa kanya, may iba pang sangkot sa nangyari kay Jovelyn at look out lamang siya. Noong August 5, umano ay inabangan nila si Jovelyn sa kanto at isinagawa ang matagal na nilang pinaplano. Marami ang hindi naniniwala na sila ang may gawa sa nasabing krimen dahil bukod sa magpinsan sila ay malapit din si Leobert kay Jovelyn dahil nagpagawa pa ito ng resume sa dalaga.

Marammi rin ang kumbinsido na hindi si Jovelyn ang nakitang kalansay sa damuhan dahil tila matagal na ito at hindi kapani-paniwalang naging kalansay kaagad si Jovelyn na dalawang linggo pa lamang na nawawala.

Makikita sa kalansay na tila matagal na ito at taon na ang lumipas. Bagama't kinumpirma ng pamilyang Galleno na pagmamay-ari ni Jovelyn ang natagpuang gamit malapit sa nakitang kalansay, kahina-hinala pa rin na hindi man lamang ito nangamoy at naging kalansay na lamang.

Ipina-DNA naman ang nasabing kalansay kung totoong kay Jovelyn ngunit hindi pa man lumabas ang resulta ay muling binawi ni Leobert ang kanyang salaysay at sinabing hindi si Jovelyn ang nakita. Pawang gawa-gawa lamang umano niya ang lahat. Nahalata rin ng pamilya na palaginng may suot na damit sa kanyang mukha gayung hindi na naman niya kailangang magtago pa.

Nang subukan umanong tanggalin ng ina ni Jovelyn ang takip sa mukha ni Leobert ay kaagad na pinigilan siya ng mga pulis na tila ba'y may itinatago.

 

Buong Katotohanan Sa Kontrobersya Ng Donasyon Ni Coco Martin Sa Misis Ni Andrew Schimmer Nilinaw Na!

Walang komento


Pinabulaanan ni Andrew Schimmer na binayaran ni Coco Martin ang hospital bills ng kanyang asawa.

Matapos mapag-usapan sa Youtube vlog ni Ogie Diaz ang panayam nito kay Andrew Schimmer. Bumuhos ang panalangin at donasyon matapos ang interview ngunit kasabay naman nito ang kaliwa't kanang pambabatikos sa kanila.

Labis naman ang pasasalamat ni Andrew kina Mel Tiangco at Ogie Diaz dahil sila ang naging daan  upang malaman ng ilang mga netizens ang hirap na pinagdadaanan ngayon ng kanilang pamilya. Naospital ang kanyang asawa dahil sa severe asthma attack na naging sanhi ng cardiac arrest at brain hypoxia.

Ayon sa kwento ni Andrew mabilis na naubos ang savings nilang mag-asawa dahil sa mahal ng treatments sa sakit nito. Ilang buwan na rin silang sa ospital na lamang nakatira kasama ang dalawa nilang anak.

Walang katulong sa pag-aalaga si Andrew sa kanyang asawa kaya naman nawalan na rin siya ng trabaho. Matapos makita ang kwento nina Andrew at Jo' marami ang naantig at nagbigay ng mga tulong para sa mag-asawa.

Samantala, nagpa-unlak ng isang interview si Andrew sa Abante Online. Dito nabanggit ni Andrew na isa si Coco Martin sa unang nagbigay ng tulong para sa pagpapagamot sa kanyang asawa. Ngunit, ang nasabing tulong na ito ni Coco ay pinagmulan ng isang kontrobersya.



Kinukwestiyon ng ilang mga netizens ang patuloy na panghihingi ni Andrew ng tulong sa kabila ng pag-babayad umano ni Coco Martin ng buo sa mga hospital bills ng asawa ni Andrew na umabot pa umano sa 6 million pesos.

Sa vlog ni Ogie Diaz ipinaliwanag ni Andrew ang katotohanan sa donasyon ni Coco Martin. Ayon sa kanya, hindi binayaran ni Coco Martin ng buo ang kanilang bills sa hospital na umabot sa 6 million pesos. Naki-usap naman si Andrew na tigilan na ang pagpapadala sa kanya ng mga masasakit na mensahe.

Nakakaiyak! Kapatid Ni Kris Aquino Na Si Ballsy Aquino Umaming Walang Gamot Sa Sakit Ni Kris

Walang komento


Nagbigay ng update ang kapatid ni Kris Aquino na si Ballsy Aquino hinggil sa kasalukuyang kalagayan ni Kris.

Aniya, may na-diagnose ang mag doktor nito sa Amerika ng dalawang pang auto-immune diseases. Sa ngayon, may apat na umanong auto immune diseases si Kris Aquino.

Labis rin ang pagbagsak ng timbang ngayon ni Kris na hindi na aabot sa 90 lbs. Upang masubukan umano ang ibang treatments, kailangan muna umanong mag-gain ng timbang si Kris. Ayon pa kay Ballsy kasalukuyang naghahanap ng medical team ni Kris ng tamang treatment para sa kanyang condition.

Ang paghahanap ng tamang treatment kay Kris ay hindi naging madali dahil maraming mga allergies si Kris na kailangang isaalang-alang. May ilang mga gamot din tila wala umanong epekto kay Kris o di kaya umepekto naman ngunit may mga side effects.

Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Kris kasama ang kanyang dalawang anak upang doon magpagamot. Dagdag pa ni Ballsy, dumating na sa punto kung saan nais nang sumuko ni Kris ngunit sa tuwing nakikita nito maski larawan ng mga anak ay muling lumalakas ang loob nito.



Samantala, marami naman sa mga kaibigan nito sa industriya ang nagdadasal para sa agarang paggaling nito.

Finally, Kim Chiu and Xian Lim, Nagkita Na after Isolation Period Ni Kim!

Walang komento

Sabado, Agosto 27, 2022

Finally nagkita na sina Kim Chiu at Xian Lim matapos ang kani-kanilang mga trabaho at lock in taping.

Hindi naman naitago ng kanilang mga fans ang tuwa at kilig dahil matagal din nilang na-miss na makitang magkasama ang dalawa. Matatandaang matagal sa lock in taping si Xian habang si Kim ay kailangan mag-isolate.

 

Korina Sanchez at Mar Roxas Ayaw Pauwiin Nina Pepe At Pilar Pagkahatid Sa Kanila Sa School!

Walang komento


 Excited na inihatid nina Mar Roxas at Korina Sanchez ang kanilang mga anak na sina Pilar at Pepe sa unang araw ng kanilang klase sa paaralan.

Ito ang unang pasok ng mga anak nila sa eskwela kaya maging ang mag-asawa ay labis na na-eexcite. Maging ang mga anak nila ay makikitang excited rin sa kanilang unang face to face classes.

Samantala, kapansin-pansin ang pagkakalapit ng magkapatid na labis na ikinatuwa ni Korina.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo