Ibinunyag Na! Detalye Ng Hiwalayan Nina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina!

Miyerkules, Agosto 31, 2022

/ by Lovely

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang hiwalayan ng dalawang online personality na sina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina.

Matapos ang matagal nilang pagsama sa loob ng 22 years, ibinahagi ni Pambansang Kolokoy na naghiwalay na sila ng kanyang asawa na si Marites Mondina. Marami ang nagulat sa rebelasyong ito ni Pambansang Kolokoy at tila hindi makapaniwala ang kanyang mga fans.

Ang mag-asawa ay isa sa mga vloggers na hinahangaan ng netizens. Sa Youtube Vlog ni Pambansang Kolokoy matapang niyang inamin na hiwalay na sila ni Marites kaya hindi na sila namataang magkasama. Ayon sa kanya, hindi pa sana umano siya dapat magsalita ngunit minabuti niyang aminin ang malungkot na kinahantungan ng kanilang pagsasama.

Inamin din ni Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy na mayroon na siyang bagong kinakasama ngayon. Hindi din umano siya nagsisisi sa nangyaring paghihiwalay nila ng kanyang asawa. May mga bagay din umano kasing hindi nakikita sa social media. Kaya nasasabi ng ilan na perfect couple sila.

Nilinaw naman ni Joel na maayos ang kalagayan ng kanyang mga anak at sinabing hindi niya ito pinapabayaan.



Ang rebelasyong ito ni Joel ay umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga hindi nagustuhan ang pagbabahagi ni Joel na tila proud pa umano itong may bago ng kinakasama ngayon. Tila wala umano itong respeto sa kanyang asawa. Dagdag pa ng ilan, may malaking ambag ang kanyang asawa sa success na tinatamasa niya ngayon tapos hiniwalayan lang. Tiyak mas bata umano ang ipinalit.

Samantala, nananatiki pa ring tahimik si Marites Mondina hinggil sa pag-aming ito ni Joel.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo