Buong Katotohanan Sa Kontrobersya Ng Donasyon Ni Coco Martin Sa Misis Ni Andrew Schimmer Nilinaw Na!

Lunes, Agosto 29, 2022

/ by Lovely


Pinabulaanan ni Andrew Schimmer na binayaran ni Coco Martin ang hospital bills ng kanyang asawa.

Matapos mapag-usapan sa Youtube vlog ni Ogie Diaz ang panayam nito kay Andrew Schimmer. Bumuhos ang panalangin at donasyon matapos ang interview ngunit kasabay naman nito ang kaliwa't kanang pambabatikos sa kanila.

Labis naman ang pasasalamat ni Andrew kina Mel Tiangco at Ogie Diaz dahil sila ang naging daan  upang malaman ng ilang mga netizens ang hirap na pinagdadaanan ngayon ng kanilang pamilya. Naospital ang kanyang asawa dahil sa severe asthma attack na naging sanhi ng cardiac arrest at brain hypoxia.

Ayon sa kwento ni Andrew mabilis na naubos ang savings nilang mag-asawa dahil sa mahal ng treatments sa sakit nito. Ilang buwan na rin silang sa ospital na lamang nakatira kasama ang dalawa nilang anak.

Walang katulong sa pag-aalaga si Andrew sa kanyang asawa kaya naman nawalan na rin siya ng trabaho. Matapos makita ang kwento nina Andrew at Jo' marami ang naantig at nagbigay ng mga tulong para sa mag-asawa.

Samantala, nagpa-unlak ng isang interview si Andrew sa Abante Online. Dito nabanggit ni Andrew na isa si Coco Martin sa unang nagbigay ng tulong para sa pagpapagamot sa kanyang asawa. Ngunit, ang nasabing tulong na ito ni Coco ay pinagmulan ng isang kontrobersya.



Kinukwestiyon ng ilang mga netizens ang patuloy na panghihingi ni Andrew ng tulong sa kabila ng pag-babayad umano ni Coco Martin ng buo sa mga hospital bills ng asawa ni Andrew na umabot pa umano sa 6 million pesos.

Sa vlog ni Ogie Diaz ipinaliwanag ni Andrew ang katotohanan sa donasyon ni Coco Martin. Ayon sa kanya, hindi binayaran ni Coco Martin ng buo ang kanilang bills sa hospital na umabot sa 6 million pesos. Naki-usap naman si Andrew na tigilan na ang pagpapadala sa kanya ng mga masasakit na mensahe.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo