Herlene Budol Lalaban Sa Africa, Officially Appointed Miss Planet Philippines 2022!

Lunes, Agosto 29, 2022

/ by Lovely


Lalaban si Herlene Nicole Budol para Miss Planet Pageant na gaganapin sa Africa.

Appointed bilang Miss Planet Philippines ang Bb. Pilipinas First Runner Up na si Herlene Nicole Budol. Matatandaang kinumpirma noon sa kanyang birthday party na tuloy sa international pageant si Herlene. Baguhang pageant man ito ngunit kasali ito sa top 7 sa pageantry. Kahanay ng Miss Earth, Miss Grand at Miss Supra-International.

Sa inaugural competition, ay dinaluhan ito ng 34 candidates na ginanap sa Cambodia noong 2019. Dito itinanghal ang kauna-unahang Miss Planet mula sa South Africa na si Monique Best. Naging fourth runnner up naman ang kandidata ng Pilipinas na si Ms. Krisha Nicole Apaw.

Gaganapin ngayong taon ang second edition ng nasabing pageant. Dahil sa pandemya walang naganap na Miss Planet noong 2020 at 2021. Inaasahang lalahukan ito ng 70 candidates. Ang competition ay magsisimula sa Nov. 5 2022 sa Uganda. Ang paglalabanang korona ay nagkakahalagang 250,000 US dollar crown na gawa sa real gold, ruby at diamonds.



( Hide )
  1. Di naman siya matalino, kaya malabong masungkit ang korona, kung ang itsura kayang idaan sa make up. Ang utak hindi eh

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nasa sayo yan kung wala kang tiwala at support . Edi don't diba! HAHAHA Dito nga sa pinas naka sungkit ng award PANO PA KAYA SA IBANG BANSA! KANYA KANYANG DISKARTE YAN KUNG PANO NYA IPAPANALO😉😚

      Burahin
  2. Ms Manila left the group😅

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo