Dismayadong Fan Ni Deanna Wong, Naglabas Ng Hinaing Sa Social Media!Snob si Deanna!

Martes, Agosto 30, 2022

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa social media ang paglalabas ng hinaing ng umano'y isang fan ng sikat na volleyball player na si Deanna Wong.

Nadismaya ang nasabing fan matapos hindi mapagbigyan ni Deanna na makapagselfie sa kanya. Ayon sa post ng fans, sinubukan umano niyang makipagselfie kay Deanna. Nilapitan niya ito at nagpaalam ngunoit hindi man lamang umano siya pinansin nito. Napaka-snob umano ni Deanna.

Samantala, mapapansin naman sa ibinahaging video ng nasabing fan na tila may pinagkakaabalahan si Deanna. Pagtatanggol naman ng ilang mga fans, napansin nila sa video na tila may inaayos na aberya si Deanna kaya hindi nito napagtuonan ng pansin ang nasabing fan.

Ipinagdiinan din ng ilang mga fans na dapat ay hindi maging bastos sa mga iniidolo at huwag basta-basta makipagselfie lalo na kung may ibang pinagkakaabalahan ang mga ito.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo