Breaking News! DNA Test Result Positive Si Jovelyn Galleno Ang Kalansay!

Martes, Agosto 30, 2022

/ by Lovely


 Ibinahagi ng Palawan Police ngayong araw August 30, 2022 sa pamilya ng biktimang si Jovelyn Galleno ang resulta ng isinagawang DNA test sa natagpuang kalansay. Ayon sa resulta ng DNA test mula sa kalansay at mula sa magulang ni Jovelyn, 99.99% match. Nangangahulugan lamang ito na ang nakitang kalansay ay totoong si Jovelyn base sa nasabing resulta ng DNA test.

Samantala, kasalukuyang gumagawa ng parallel investigation ang NBI hinggil sa kaso ni Jovelyn Galleno. Magsasagawa rin ang NBI ng DNA test sa nakitang mga parte ng tao na nakita sa Sitio Pulang Lupa. Nagbigay din ng dirkektiba sa kanila si Sen. Raffy Tulfo tungkol sa parallel investigation sa mysteryosong pagkawala ni Jovelyn Galleno.

Kasalukuyang nangangalap ang NBI ng impormasyon hinggil sa mysteryosong kasong ito ni Jovelyn Galleno.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo