Herlene Di Makapaniwala Sa Ginawa Ng Jag Company Sa Prize Niya Sa Binibining Pilipinas!

Huwebes, Setyembre 1, 2022

/ by Lovely


Labis na inaabangan ang mananalong Jag Denim Queen sa Bb. Pilipinas. Ngayong taon si Herle Nicole Budol ang nakakuha sa titulong ito.

Ang mapapanalunang cash prize ay dapat nasa 100,000 pesos, ngunit hindi umano ito tinupad ng Jag. Sa halip na 100,000 pesos, dinoble ng Jag ang kanilang cash prize para sa nanalong kandidata.

Ayon sa Facebook post ni Herlene ang hinihiling niya lamang noon ay magkaroon ng kisame ang kanilang tahanan upang kahit papaano ay hindi mainitan ang kanyang tatay at nanay ngunit house and lot ang ibinigay sa kanya sa tulong ng Panginoon at sa pamamagitan ng kanyang Manager na si Wilbert Tolentino.

"Ang lakas ko tlga kay Lord. dati yung hiling ko lang ay magkaron lang kami ng Kisame para d mainitan sila tatay at Nanay pero Nagkaron ako ng House & lot dahil kay Sir Wilbert Tolentino.

Ngayon, History repeats itself. Yung JAG DENIM QUEEN sa Jag Jeans Company ay 100k lamang ang premyo ang na Annunsyo ng Binibining Pilipinas 2022. Na ginulat naman ako today sa natanggap ko dahil dinouble prize nila ang Premyo. Super Happy ako dahil bonus pa yung may LED Billboard pa ako sa Edsa. Sobrang Solid pag sali ko sa BBP. Wala akong regret at marami ako natutunan sa patimpalak naranasan ko.
Marami Maraming Salamat Mima Wilbert Tolentino sa pag bantay ng Voting at araw araw mag promote sa lahat ng socmed namin ni Ate Madam inutz. Kht may nag Auto likes. Di ka nawalan ng pag asa at tuloy tuloy mo ilinaban hanggang sa dulo lahat ng Sponsor ng BBP. indi ko ma imagine sa loob ng 58 yrs ng Binibining Pilipinas at ako palang nakapag record breaking na naka uwi ng WALONG AWARD at 1st Runner up. Salamat sa motivation at inspirasyon. Your the best po Mima. Mahal ka ng buong KaSquammy, KaBudol at KaHiponatics ko dyan. God bless everyone."

Masayang ibinahagi rin ni Herlene na dinoble ng Jag ang ibinigay na premyo sa kanya at may bunos pang LED billboard.

Napaka blessed talaga ni Herlene dahil sa kabila ng unang sabak sa National pageant nag-uwi na siya ng maraming awards at itinanghal pa bilang first runner up.



Samantala, sa darating na November lalaban si Herlene bilang Miss Planet Philippines at susubukang iuwi ang korona ng Miss Planet sa Pilipinas. Tiyak magagamit ni Herlene sa Miss Planet pageant ang mga karanasan niya sa Bb. Pilipinas.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo