Binabatikos Ngayon Si Pambansang Kolokoy Matapos Na Umamin Na Meron Ng Kinakasama!

Miyerkules, Agosto 31, 2022

/ by Lovely

Binabash ngayon si Joel Mondina na mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy dahil sa pag-aming may bagong kinakasama na ngayon.

Umani ng pambabatikos ang pag-amin ni Pambansang Kolokoy nitong nakaraang araw na hiwalay na sila ng kanyang asawa at may bagong kinakasama na siya ngayon. Ayon pa sa kanya hindi niya pinagsisihan ang kanyang desisyon at masaya siya sa piling ng bagong kinakasama niya ngayon.

Marami ang nagulat sa paglalahad na ito ni Pambansang Kolokoy dahil kung pagbabasehan ang kanilang vlog kasama ang asawa ay tila masaya naman ang kanilang pagsasama. Hindi man diretsahang sinabi na third party ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, mahahalata naman dahil mayroon na siyang bagong kinakasama ngayon.

Matapos ang pag-aming ito ni Pambansang Kolokoy, binabatikos ngayon ang vlogger sa mga social media platform. Komento ng ilang mga netizens na sinayang at ipinagpalit lamang ni Pambansang Kolokoy ang 20 years na pagsasama nila ng kanyang asawa.

Dagdag pa ng mga ito, feeling pogi umano itong si Pambansang Kolokoy kaya naghanap ng bago. Tila hindi natanggap ng ilang mga netizens na matapos ang mahigit 20 years basta basta na lamang nitong tinapos ang relasyon nila ng kanyang asawa. Ang mas nakakayamot pa'y mayroon agad itong kinakasama na proud niyang sinabi na masaya sila ngayon.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo