Bistado!! Colonel at Lieutenant Involved Sa Kaso Ni Jovelyn Galleno!

Martes, Agosto 30, 2022

/ by Lovely


 Base sa panayam ni Sen. Raffy Tulfo sa Programang Raffy Tulfo in Action, napag-alaman na may inamin ang isang suspek sa kapatid ni Jovelyn Galleno. Ayon sa suspek, dinidektahan siya isang pulis kung ano ang dapat niyang sabihin. Itinuro din nito kung sinong pulis ang nagdidikta sa kanya.

Samantala, sinabi naman ng kapatid ni Jovelyn na may nagchat umanong professor na pulis ni Jovelyn noong August 6, 2022. Base sa chat, hinahanap umano nito si Jovelyn ngunit ang pinagtataka nila, hindi naman naka-enroll si Jovelyn.

Tila nawalan na ng tiwala ang pamilyani Jovelyn sa kapulisan kaya naman humingi na rin sila ng tuloy mula sa NBI. Sa tulong naman ni Sen. Raffy Tulfo, agad nag-imbestiga ang NBI at agad tiningnan ang lugar kung saan nakita ang umano'y kalansay ng dalaga.

Nagsagawa na rin ang NBI ng DNA test sa pinaghihinalaang kalansay ni Jovelyn. Ayon sa mga ulat, tinututukan ng NBI ang kaso ni Jovelyn Galleno. Nagsagawa na rin umano sila ng hiwalay na imbestigasyon hinggil sa kaso ni Jovelyn mula ng pormal na complaint ang pamilya ng biktima.

Ngayong linggo, inaasahan na darating roon ang mga eksperto mula sa Manila upang tumulong sa pagkalap ng mga impormasyong mas makakatulong sa kaso.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo