Nico David May Nakakaiyak na Mensahe Para sa Mga Tatay na Waiter! Hindi pwedeng Magreklamo dahil Matatanggal!

Martes, Enero 17, 2023

/ by Lovely


Umaani pa rin ng samu't-saring reaksyon at komento ang viral video ng kaarawan ni Alex Gonzaga kung saan bigla niyang pinahiran ng icing ang nag serve na waiter matapos niyang magblow sa kanyang birthday candle.

Marami ang nadismaya at hindi nagustuhan ang ginawa ni Alex dahil tila pinahiya niya ang waiter na pinagtatawanan pa nila. 

Subalit todo pagtatanggol naman ang ilang mga netizens sa aktres at sinabing katuwaan lamang ang lahat at pinayuhan pa ang nagdidismayang netizens na huwag maging OA.

Samantala, naglabas ng isang nakakaantig damdaming mensahe si Nico David sa kanyang sa kanyang Facebook account. Ang mensaheng ito ay para sa mga amang waiter na aniya'y hindi makakapagreklamo dahil maaring mawalan ng trabaho.

"Imagine your father works as a waiter..
12 hours of work, kasama na doon maipit sa
trapik papunta pabalik sa daily commute nya.
yung sahod more or less minimum wage.
He is doing his job para mapag aral at mapkain ka..
tapos bigla siyang papahiran ng CAKE ng
Artistang ENTITLED dahil sikat at mayaman.
Hindi siya pwede mag reklamo kasi pwede siya matangal sa trabaho.
He has to just put a smile.
habang ung mga guest noong artista pinagtatawanan siya.
Life is very unfair.
pero wag naman din sana tayong maging UNFAIR sa TATAY ng iba.
A little EMPATHY goes a long way."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo