Aj Raval Nagsalita Na Ukol Sa Issue Nila Ni Aljur Abrenica!

Lunes, Agosto 29, 2022

/ by Lovely


Matapos ang mainit na isyu ng umano'y pagbubuntis ng aktres na si AJ Raval nagpakita ito sa publiko.

Noong August 24, namataan si AJ na dumalo sa premiere ng pelikulang Sitio Diablo kasama ang kanyang ama na si Jeric Raval. Matapos ang isyu na nabuntis umano si AJ sa rumored boyfriend nitong si Aljur Abrenica. Matatandaang  nanahimik lamang ang dalawa at tila hinahayaan na lamang na mawala ang isyu.

Nang mamataan si AJ sa premiere ng nasabing pelikula, agad itong tinanong kung ano ang kanyang masasabi sa naglabasang mga haka-haka ng kanyang pagbubuntis.



Ayon sa aktres, pinapabayaan na lamang niya ang mga nang-iintriga sa kanya. Ayon pa sa kanya, kahit anong pagtatanggol sa sarili ang gagawin niya hindi pa rin ang mga ito titigil.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo