Herlene Budol, Tinanggihan na Maging Ninang Ni Baby Peanut?

Martes, Enero 17, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag noon ng Bb. Pilipinas 2022 first runner up na si Herlene Budol ang kagustuhan niyang maging isang ninang ni Baby Peanut, ang unang anak ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Sa isang post ni Luis kung saan ipinapakita niya ang kanyang daddy duties sa kanyang anak, nagbigay ng kwelang komento si Herlene Budol kung saan ipinahayag niya na sana ay kunin siyang ninang sa binyag nito.

Hirit pa ni Herlene, na sina Luis at Jessy ang magbibigay sa kanya ng regalo taon-taon.

Agad naman itong sinagot ni Luis na, "Parang may iba ha."

Subalit, iniintriga ngayon ng ilang mga netizens ang naging sagot ni Luis. Ayon sa ilang mga marites, na tila tinanggihan nito si Herlene.

Samantala, may mga nagsasabing baka hindi pabor si Jessy Mendiola na maging ninang si Herlene ng kanilang anak ni Luis kaya hindi nito pinansin ang hirit ng beauty queen. Dahil tiyak ang kukunin umano ng mga itong maging ninong at ninang ay ang malalapit sa kanila at yung may malalaking pangalan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo