Alex Gonzaga Lasing Lang Kaya Nagawa Iyon sa Waiter!

Martes, Enero 17, 2023

/ by Lovely


Sa gitna ng pambabatikos at backlash na natamo ngayon ni Alex Gonzaga sa iba't-ibang social media platforms matapos ang pagdiriwang ng kanyang 35th birthday. Naglabas na ng pahayag ang isang kaibigan nito at sinabi ang dahilan kung bakit nagawa ni Alex Gonzaga ang pamamahiya sa isang waiter.

Sa kumakalat na video makikita ang biglaang pagpapahid ni Alex Gonzaga ng icing ng kanyang cake sa waiter na nagserve sa kanila. Makikita pa sa video na tila nagulat ang waiter sa inasta ni Alex.

Samantala, ayon sa isang kaibigan ni Alex Gonzaga, lasing na sa pagkakataong iyon si ALez kaya hindi na umano nito napigil ang sarili. Alam naman ng lahat ang makulit na pag-uugali nito, tila wala na rin umano itong alam sa paligid. Ito ang ibinunyag ng dating kasamahan sa trabaho ni Alex.

Makikita naman talaga sa mga kumakalat na video na tila nagwawala na roon si Alex, tila wala na rin ito sa huwesyo nang isinerve ang cake.

"Come on guys. She was drunk

…and stupid. 

Drunk and stupid.

And a narcissist. 

Drunk and stupid and a narcissist."

Sa kabila ng lahat, patuloy pa ring nananahimik si Alex Gonzaga at hindi pa nagpapalabas ng pahayag o kung ano mang reaction sa backlash na natamo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo