Kapamilya Tv-Host-Kapuso Na?

Lunes, Agosto 29, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang award-winning Kapamilya TV host. Ayon sa kumakalat na mga balita, lilipat na umano sa GMA7 ngayong taon ang Hari ng mga talk show na si Boy Abunda.

Matatandaang nagsimula sa GMA7 si Boy Abunda bago lumipat sa Kapamilya Network noong 1999. Ang una niyang programa sa ABS-CBN ay ang The Buzz.

Ayon sa mga ulat, may-usapan na umano sa pagitan ni Boy Abunda at mga executive sa GMA7. Nagpaalam na din umano si Boy Abunda sa ABS-CBN. Pagbalik umano nito sa bansa mula sa America sa September ay malalaman na kung balik Kapuso na ba siya.



Matatandaang inilahad noon ni Boy Abunda sa isang panayam na sinuspinde ng ABS-CBN ang kanyang kontrata dahil sa ABS-CBN shutdown. Ayon kay Boy Abunda sa tanong tungkol sa paglipat sa ibang network. 

"Depende sa pag-uusap. Makipag-usap ka ng maayps. Ako, my contract is suspended. I will be lying yo you if I say I didn't get offers to do talk shows."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo