Ipinapakita ang mga post na may etiketa na love. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na love. Ipakita ang lahat ng mga post

Carlo Aquino Masayang Inamin Pakakasalan Na Si Charlie Dizon!

Walang komento

Huwebes, Pebrero 22, 2024


 Pinakilig ng aktor na si Carlo Aquino ang mga fans nila ng kanyang girlfriend na si Charlie Dizon matapos aminin ni Carlo Aquino sa kanyang kamakailang interview na sa tingin niya ay si Charlie Dizon na ang The One para sa kanya.


Ito na rin umano ang babae na nakikita niyang makakasama sa habang buhay at handa niyang pakasalan at iharap sa altar.


Kamakailan lamang ay nakorner ng mga press people si Carlo Aquino sa isang event ng skin care product na iniendorso nito subalit kadalasan sa mga katanungan na ibinabato kay Carlo Aquino ay wala namang kinalaman sa produkto.


Kabilang sa mga naitanong kay Carlo Aquino ay kung engage na nga ba sila ni Charlie Dizon dahil kamakailan lamang ay naiulat na mayroon na umanong suot-suot na singsing si Charlie Dizon na pinaghihinalaang engagement ring na mula kay Carlo Aquino.


Hindi man ito iinamin ni Carlo Aquino, inihayag naman niyang handa na siyang magpakasal ngayon dahil nasa tamang edad na rin naman siya para magkaroon ng sariling pamilya. 


Ipinahayag rin ni Carlo Aquino na iba na umano ang pananaw niya sa buhay ngayon, masaya naman umano sila sa ngayon ni Charlie Dizon.


"Masaya kami ni Charlie, nandoon ako. Pero wag ka masyadong excited kasi hindi yun, yung buhay. May biglang manggugulat sayo diyan."


Dagdag pa niya, "Never kang magiging handa sa mga sakit sa buhay mo. Kailangan mo ng kakampi, friend, partner, family."


Inamin naman ni Carlo Aquino na nakakaroon pa rin sila ng pag-aaway ni Charlie subalit napag-uusapan naman umano ito nila ng maayos.


Inilalarawan pa ni Carlo Aquino si Charlie Dizon bilang isang palaban na babae pero sa tamang paraan. Sa tuwing nakakasama umano niya ito ay ang gaan umano ng kanyang buhay at napakasarap tumawa.


Sa tuwing magkakaroon umano sila ng problema at hindi pagkakaunawaan ay kaagad umano nila itong pinag-uusapan.


Sa kabilang banda, ipinagtatanggol naman ni Charlie Dizon si Carlo Aquino laban sa mga bumabatikos rito. Marami kasi ang nagsasabi na problematic karelasyon si Carlo Aquino at isa itong babaero.


Ayon kay Charlie Dizon, hindi umano siya nagpapaapekto sa mga negatibong komento na nakakarating sa kanya patungkol kay Carlo Aquino. Masaya naman umano sila kaya hindi na umano niya iisipin pa ang iba.


Dagdag pa ni Charlie Dizon, napag-uusapan na umano nila ni Carlo ang patungkol sa kanilang future na magkasama. Magkakaroon umano sila ng pamilya at mga anak.


Sa kabila nito, marami pa rin sa mga netizens ang duda sa sinasabi ni Carlo Aquino na the one na niya si Charlie Dizon dahil sinabi na rin niya ito noong si Trina Candaza pa ang kanyang karelasyon kung saan sinabi rin niyang nagpaplano na sila noon na magpakasal.



Nakakaiyak Na Wedding Vows Nina Heart Evangelista at Chiz Escudero

Walang komento

Biyernes, Pebrero 16, 2024


 Muling pinatunayan ng mag-asawang sina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa publiko na matatag ang kanilang pagsasama sa loob ng maraming taon nila bilang mag-asawa.


Nitong huwebes February 15, 2024 naganap ang renewal of vows sa pagitan nina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa Balesin Island kung saan sila nagpakasal noon sa parehong lugar at sa kaparehong petsa.


Kasabay ng wedding, inilabas rin ng Harpers Bazaar SG fashion magazine ang kanilang panibagong edition kung saan itinampok nila si Heart Evangelista at ang naganap na intimate renewal of vow nito.


Ibinahagi pa ng fashion magazine ang maikling behind the scenes ng naganap na photoshoot para sa fabulous beach wedding gown ni Heart Evangelista na gawa ng Lebanese fashion designer na si Elie Saab.


Naging mas espesyal ang renewal of vows nina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa pagkakataong ito dahil sinamahan ni Cecile Ongpauco ang anak sa paglalakad sa aisle.


Malaki ang epekto nito dahil matatandaang hindi pumunta noon sa kasal nina Heart Evangelista at Chiz Escudero ang mga magulang ni Heart Evangelista dahil tumututol sila sa relasyon ng mga ito.


Subalit, sa tagal ng pagsasama nina Heart Evangelista at Chiz Escudero tila napatunayan na rin ng actress na masaya siya sa piling ni Chiz Escudero at totoong nagmamahalan silang dalawa.


Ilang beses ring naging emosyunal si Heart Evangelista sa kabuuan ng ceremony lalo na noong nagpalitan na sila ng wedding vows ni Sen. Chiz Escudero.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang ilan sa mga pinagdaanang pagsubok ng couple mula pa noong magkasintahan pa lamang ang mga ito. Una na rito ang pagtutol ng mga magulang ni Heart Evangelista sa kanilang relasyon.


May mga naglabasan ring isyu noon na ginawa lamang na panakip butas ni Heart Evangelista si Chiz Escudero sa kanyang failed relationhip. May mga nagsasabi ring tila nagrebelde umano si Heart Evangelista sa kanyang mga magulang kaya pinakasalan niya si Chiz Escudero na hayagang tinutulan ng kanyang mga magulang.


Hindi rin nakalagpas sa mga netizens ang matinding pagsubok na pinagdaanan ng dalawa noong 2022 kung saan napapabalita pa sa maraming mga pahayagan ang kanilang paghihiwalay.


Subalit, pinatunayan ng dalawa ang kasabihang love conquers all dahil sa pagiging masaya nila ngayon matapos ang lahat ng mga pagsubok na tila lalong nagpapalakas sa kanila.




Kilalanin Ang New Girlfriend Ni Xian Lim Na Maganda at Sosyal Na Ipinalit Kay Kim Chiu

Walang komento

Miyerkules, Pebrero 14, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platform at entertainment news sites ang pagkakaroon ng panibagong girlfriend ni Xian Lim makalipas ang ilang buwan ng hiwalayan nila ni Kim Chiu na naging nobya niya sa loob ng mahigit isang dekada.


Kumakalat ngayon sa social media ang pagkakaroon umano ni Xian Lim ng panibagong girlfriend na isang sosyal na babae, matapos mamataan ang aktor na may kasama sa ilang pagtitipon kung saan inaakbayan pa niya ito.


Marami naman sa mga netizens ang masaya ngayon kay Xian Lim at kanyang sa panibagong relasyon habang patuloy naman na nakikisimpatya kay Kim Chiu ang ilan pang mga netizens.


Kumakalat ngayon sa ilang mga entertainment websites ang larawan nina Xian Lim at Juan Karlos Labajo na mula sa post ng Facebook page ng Watanabe Riding Deveopment.


Base sa mga ibinahaging larawan makikita na katatapos lamang nina Xian Lim at JK Labajo na mag-ensayo sa pagdadrive. Makikita rin sa larawan na pareho silang may kaagbay na babae.


Ang babae na inaakbayan ni Xian Lim ay walang iba kundi si Iris Lee, na nauna nang naiuugnaya sa aktor. Ayon sa obserbasyon ng ilang mga netizens, tila matagal na umanong may relasyon ang dalawa kung pagbabasehan ang paghawak ni Iris sa kamay ni Xian Lim na nakaakbay sa kanyang balikat.


Bukod sa larawan na ito, may mga larawan ring kumakalat kung saan makikitang nakikipagbonding si Xian Lim sa mga kaibigan ni Iris Lee.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens kung saan inilahad nilang napakasakit nito para kay Kim Chiu dahil tila napakadali para kay Xian Lim na palitan siya gayung napakahaba ng kanilang panahon na pagsasama.


Matatandaan na noong November ng nakaraang taon, naging usap-usapan na ang pagkakaroon ng panibagong girlfriend ni Xian Lim na isang film producer. Marami ang nagsasabing ito ay walang iba kundi si Iris Lee dahil kung titingnan sa kanyang profile bio nakasulat roon na isa itong film producer at writer.


Ayon sa mga lumalabas na mga haka-haka, nagkasama sa iisang project sina Iris Lee at Xian Lim, magmula noon ay nagkalapit sila sa isa't-isa. Nito lamang January 2024, isang buwan matapos ang pag-amin nila ni Kim Chiu ng kanilang hiwaalayan, mayroon nang kumakalat na larawan nina Xian Lim at Iris Lee na sweet sa isa't-isa sa loob ng isang mall.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ni Xian Lim ang masaya ngayon para sa kanya dahil nakatagpo siya ng babaeng maari niyang makausap sa lahat ng oras. 


May mga nagsasabi pa na tila hindi naman umano totoo ang relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim noon kaya naman malamang ay hindi rin apektado si Kim Chiu sa relasyon nina Iris Lee at Xian Lim.



Sila Pala Ang Mga Naging Babae Ni Daniel, Habang Sila Pa Ni Kathryn Bernardo.

Walang komento

Martes, Pebrero 13, 2024

 


Trending ang mga kumakalat na larawan ng paglantad ng diumano'y naging babae ni Daniel Padilla noong sila pa ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Ito kaya ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang aktres na i-unfollow si Daniel sa kanyang Instagram account? Nitong nakaraang araw, nag-viral ang isang misteryosong post ng kapatid ni Kath.


Ibinunyag ng nag-post ng larawan na hindi lang isa kundi maraming babae ang nakarelasyon ni Daniel Padilla. Samantala, sa ngayon ay walang opinyon o pahayag ang kampo ni Daniel sa pagkalat ng mga larawan ng babae nito.








Salamat Sa Lahat: Daniel Padilla, Pinasalamatan Si Kathryn Bernardo Sa Kanyang Contract Signing.

Walang komento

 


Opisyal nang nag-renew at pumirma ng kontrata sa ABS-CBN at Star Magic ang aktor na si Daniel Padilla bilang Kapamilya. Hindi nakalimutan ni Daniel na banggitin at pasalamatan ang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Nagpasalamat siya kay Kathryn sa lahat ng alaala na magkasama sila sa kanilang trabaho at sa mahigit 11 taong pagmamahalan. Inamin din niya na hinding-hindi niya makakalimutan ang magagandang alaala at paglalakbay nilang magkasama.


Narito ang ilang komento ng mga tagahanga ni Daniel Padilla.


"Well deserve DJ. May they hate you but you still have us supporting you all the way... Your personal life is not our business so we stay out of it.. Just do your things DJ. More blessings to come and congratulations to being always a KAPAMILYA."


"Don't let criticism stop you from being grateful for the blessings that come your way. Mistakes are a natural part of life. Learn from them and keep moving forward. I'm impressed by the love you're showing to your family."


"Thank you so much DJ for that very warm and profound greetings and acknowledgments to all your fandom which you mentioned each and included kath sa mga memories and adventures you both which you said na hindi mawala sa puso. You are so kind and sincere of all those you have said. Continue and keep shining. God will always be with in all future undertakings and endeavours. God bless."


@maskipapsss Walang magmomove-on 🥲🥲🥲 #danielpadilla #dj #trending #foreverkapamilyadaniel #kathniel #kathrynbernardo #foryoupage #fypviralシ #kathnielbreakup #danielpadillakathrynbernardo ♬ original sound - ♏️

Ready Na Sa Bagong Lovelife: Daniel Padilla, Sinagot Ang Tanong Kung Ready Na S'yang Magmahal Muli

Walang komento

 


Matapos mangyari ang Forever Kapamilya contract signing ng aktor na si Daniel Padilla kahapon, February 12, nagkaroon ng pagkakataon ang TV Patrol reporter na si MJ Felipe na makapanayam siya.


Maraming tanong ang itinanong sa aktor. Kasama na rito ang pagtatanong sa kanya kung handa na ba siya sa bago niyang pag-ibig. Sinagot niya ito kaagad at sinabing wala siyang plano at ayaw niyang isipin ang love life.


Mas tututukan niya ngayon ang kanyang trabaho at tututukan muna ang kanyang pamilya. Ang pag-ibig ay  wala sa isip niya sa ngayon.


Ngayong papalapit na ang Valentines Day, tinanong din kung sino ang makaka-date niya sa araw ng mga puso. Ayon kay Daniel, nasa bahay lang siya. Nagkapalit yata sila ng mga kapatid niya dahil sila ang may date ngayong Valentines at siya ay nasa bahay lang.


Sa panayam na iyon kay Daniel, napansin ng netizens na hindi pa talaga handa ang aktor sa bagong pag-ibig at tila hindi maalis sa puso niya ang pagmamahal niya kay Kathryn. Hoping na magkaayos na sila ni Kathryn at magkabalikan.




Kayo Nalang! Netizens, Gustong I-pares Si Kathryn Kay Dominic Roque.

Walang komento

Linggo, Pebrero 11, 2024

 


Matapos ang ilang araw na bulungan, kinumpirma ng "King of Talk" na si Boy Abunda noong February 6, sa kanyang Kapuso talk show na "Fast Talk with Boy Abunda" na totoo ang balitang hiwalay na ang engaged couple na sina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Taong 2021 nang ihayag ni Bea Alonzo na "in a relationship" sila ni Dominic Roque. Last July, sinurpresa ni Dominic Roque si Bea sa kanyang proposal. Ngayon, wala pang isang taon, hiwalay na ang dalawa.


Ayon sa source, ibinalik na ni Bea ang engagement ring kay Dom. After this confirmation, may ilang netizens na parang may gustong mangyari.


"What if si Kathryn and Dominic nalang?" 




Narito ang mga komento ng ilang mga netizens. "Bakit picture lang yan pero kinikilig akooo. I kennat! KathDom!"


"I remember sabi ni Kath sa isang interview noon, si Dom yung parang male version niya."


"What if isa si Dom na pinagseselosan ni DJ noon."


"They both deserve a better partner. Kung sila man ang better for each other, only God can make it happen."




"Alam ko lang kakahiwalay lang nila pero kinikilig ako sa kanila. Bagay"


Samantala, hindi pa nagsasalita sina Dom at Bea tungkol sa kanilang hiwalayan. Umaasa rin ang ilan sa kanilang supporters na magkakabalikan ang dalawa at matutuloy ang naudlot na kasal.


@iamvane24 Kath and Dom friendship (pwede rin lover)😍❤️ mukhang bagay. Charot 😂😂 #dominicroque #kathrynbernardoofficial #kathryn #fyp #fypviralシ #foryoupage #endgame #beadom #tiktokph ♬ Forever and Ever and Always (The Softer Version) - Ryan Mack

Kathryn Mali Nga Ba Ang Pag Husga Kay Daniel Padilla at Ang Pag Unfollow Kay Gillian Vicencio?!

Walang komento

 


Nakapanayam at muling nagsalita si Gillian Vicencio. Isa siya sa mga in-unfollow ni Kathryn Bernardo sa Instagram pagkatapos ng breakup nila ni Daniel Padilla. Sa mga pahayag ni Gillian, wala siyang ideya kung bakit ginawa iyon ni Kathryn.


Si Gillian ay isa sa mga chix umano ng ex ni Kathryn na si Daniel Padilla. Sa pahayag ni Gillian, walang katotohanan iyon at hindi niya alam kung saan ito nanggaling.


Aniya, "nagulat po ako. Wala pong nangyari na ganoon. First time ko pong magkaroon ng ganung isyu. Hindi ko po alam kung saan nanggagaling. Nagmessage po ako sa kanya, kay Kathryn, at hindi pa po kasi kami nakakapagkita ulit ng personal."


Nang tanungin kung totoo ang isyu, itinanggi ito ni Gillian Vicencio. Pagkatapos nito, tinanong ng mga mamamahayag kung papayag pa rin siyang magsama sila sa iisang proyekto.




Aniya, "Yes, yes, project po yan, syempre kailangan ng pera. Oo naman, kasi wala namang malisya." 


Tinanong din siya kung ano ang masasabi niya sa nasabing isyu ng hiwalayan nina Kathryn at Daniel at kung mini-message ba niya si Daniel Padilla.


Matagal na raw silang hindi nakakapag-usap ni Daniel. The last time they met was nung nagte-taping pa sila as a group, sabi ni Gillian. Hindi maiiwasang ma-trauma si Gillian dahil sa maraming masasakit na komentong ibinato sa kanya.




Ria Atayde May Pagbabanta Kay Kathryn Bernardo Malapit Na Magsalita Si Daniel!

Walang komento

 


Bukod sa contract signing ni Kathryn last week, hinihintay din ang speech ni Daniel Padilla. Matatandaang naglabas si Kathryn tungkol sa mga pekeng kaibigan. Hati ang opinyon ng netizens kina Kathryn at Daniel.


Ayon sa mga komento, "Good luck Daniel. Magiging okay din ang lahat, tiwala lang kay Lord sa lahat ng trials na binibigay sayo. Malalagpasan mo din yan at may matutunan kang magandang aral sa pagsubok na iyan and at the end of the day, mamahalin ka lalo ng mga taong nagtitiwala sayo."


"Hindi pa kami nawawalan ng pag-asa. Trials lang to, hindi mo masasabi ang panahon, baka sa dulo kayo din pala. Natuto ka na sa lahat ng pagkukulang o pagkakamali mo. God bless you and your family."


Ayon pa sa isang komento, "Ang dami na niyang naipasok na pera sa ABS-CBN. Ngayong may pinagdadaanan siya, bibitawan siya. Unfair naman ata yun at naging loyal siya sa network niya. Labas sa trabaho ang personal life niya."




"May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin kontrolado kahit sabihin pa ng iba na 'Cheating is a choice' pero kung 'yun talaga ang nakatakdang mangyari, irespeto natin ang personal na buhay ng Kathniel. Wala tayo sa posisyon para manghimasok pa."


Ilan lamang iyan sa mga komentong ibinahagi.

Lumabas Din Ang Totoo! Bea Alonzo May Attitude Problem Pala Kaya Iniiwan Ng Mga Nakakarelasyon Niya!

Walang komento

Linggo, Pebrero 4, 2024

 


Aktres na si Bea Alonzo, may attitude problem ba siya kaya iniwan siya ng mga karelasyon niya? Gaano ito katotoo?


Pinupuna ngayon ng netizens ang aktres na si Bea Alonzo dahil sa patama niya kay Dominic Roque sa panayam niya kamakailan.


Matatandaan na agad niyang itinanggi ang pahayag ni Dominic tungkol sa kanilang paghahanda sa kasal at sinabing wala sa plano niya ang kasal at hindi rin totoo na may mga ninang at ninong na silang kinuha. 




Taliwas ito sa sinabi ng aktor kamakailan na handa na sila ni Bea na magpakasal at planong gawin ito sa Spain at mayroon din daw silang mga ninong at ninang na nakalista.


Dahil sa magkaibang pahayag nila, talagang kinulit sila ng mga netizens sa social media, lalo na si Bea Alonzo, na ngayon ay binabatikos ng mga netizens dahil sa kanyang pahayag na tila nang-iinsulto kay Dominic Roque.


Ayon sa kumakalat na balita ngayon at lumalabas sa iba't ibang pahayagan, may attitude problem daw si Bea Alonzo kaya hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon. Parang noong naging boyfriend ni Bea si Zanjoe Marudo. Kaya rin sila naghiwalay, isa sa mga dahilan ay ang ugali ni Bea Alonzo na hindi rin gusto ng pamilya ni Zanjoe. 




Noong nakarelasyon ni Bea si Gerald Anderson, matatandaang inulan ng bashes ang aktor dahil ghinosting raw siya ni Gerald. Ito ay ayon sa mga pahayag noon ni Bea pero base kay Gerald na bago pa man niya niligawan si Julia Barretto ay nakipaghiwalay na siya kay Bea ng maayos.


Baka raw hindi lang matanggap ni Bea ang breakup nila ni Gerald. Siguro si Bea Alonzo ang talagang may problema pagdating sa ugali dahil kung tutuusin, mabait naman si Dominic Roque at wala na siyang hahanapin pang iba. At least may pundasyon sa buhay at may kaya din ang pamilya. 


Ayon sa source ni Ogie Diaz, hindi rin boto ang nanay ni Bea kay Dominic dahil mayaman si Bea at maraming endorsements, hindi tulad ni Dominic na hindi gaanong sikat at maraming endorsement.




Marahil isa sa mga dahilan ng kanilang hiwalayan ay pera. Samantala, inulan ngayon ng mga negatibong komento si Bea Alonzo dahil sa mga walang respeto at nakakahiyang pahayag nito sa kanyang nobyo.


Netizens commented, "Sa pamilya ni Zanjoe, may ugali yan. Ang sweet, pero..."


"Bea ang may problema, nagbilang na ng lalaki, siguro iba ang gusto."


"Kaya nga siya iniwan ni Gerald kasi may attitude problem yan eh. Tapos si Gerald pa ang naging masama sa publiko eh nakipaghiwalay naman sa kanya ng maayos. Hindi lang kasi tanggap na hiniwalayan siya!"




Dominic Roque Nagsalita Na! Hindi Na Matutuloy Ang Kasal Nila Ni Bea Alonzo!

Walang komento

 


Nagsalita na si Dominic Roque tungkol sa isyu na hindi na matutuloy ang kasal nila ng fiancee na si Bea Alonzo. Usap-usapan ngayon sa social media kung may pinagdadaanan ba ang magfiancee na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens na hindi suot ng diumano’y Kapuso actress ang kanyang engagement ring. May nakapansin din na tila hindi na nagpo-post sina Bea at Dominic ng mga picture nilang magkasama.


Ang huling post ni Dominic kay Bea ay noong January 4 at inoff na rin ng aktor ang mga komento sa kanyang Instagram. Kaya naman may kanya-kanyang hula ang netizens kung maganda pa ba ang relasyon nina Bea at Dominic.




"Naiinis siya sa akin kasi feeling niya hindi ako hands-on sa ano, pero 'yun ang tinanong ko sa mga kaibigan kong lalaki, ganoon din sila. So", ani Dominic Roque sa isang interview.


Sa latest vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, ayon sa kanyang source, naghiwalay sina Bea at Dominic noong January 20.


"Ayon sa isa sa mga source ko, wala na sila. Hiwalay na sila. Yung Japan nila, last post nila yun. Wala na sila.", ani Ogie.




Lalong naghinala ang netizens nang marinig ang mga sagot ni Bea sa isang interview nang tanungin siya tungkol sa kasal nila ni Dominic.


"Wala, wala pang plano. Parang dapat, lalaki yata yung nagpaplano. Sorry, wala akong mashare.", saad ni Bea.




Kathryn Bernardo Iba Ang Ngiti Ng Magmessage Na Si Jericho Rosales Sknya Star Magic Contract Signing

Walang komento

Sabado, Pebrero 3, 2024



Iba ang ngiti ni Kathryn Bernardo nang magbigay sa kanya ng mensahe si Jericho Rosales nang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN Star Magic.


Isa sa mga nagbigay ng mensahe sa contract signing ni Kathryn Bernardo ay si Jericho Rosales. Napabalitang may upcoming project siya kasama si Kathryn Bernardo.


Napansin ng mga netizens na iba ang ngiti ni Kathryn nang magbigay sa kanya ng mensahe si Jericho. Hindi pa kumpirmado kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon, pero balitang may mga paparating na proyekto ang dalawa dahil gusto rin daw talaga ni Jericho na makatrabaho si Kathryn at ilang taon na siyang nagtatanong sa ABS.


Ito ang mensahe ni Jericho kay Kathryn at mensahe naman ni Kathryn kay Jericho.


"Hey Kath!". Nagcongratulate si Echo kay Kathryn sa mga hakbang na ginagawa nito ngayon. Inamin ni Jericho na tinatanaw niya si Kath sa malayo at proud sya rito. Hinihiling rin niya na sana ay magkatrabaho sila sa iisang proyekto in the future. "Adios, namaste, congratulations, babosh."


Natatawang sabi ni Kath na si Echo ay mahilig raw sumingit. Nasurprise siya sa pagsingit ni Echo sa videos. Naalala niya habang pumaparty sila sa Gender reveal ni Maja ay sumingit rin ito. "Nagvideo pala siya, thank you so much for the umm, for the video. Umm yun, yun lang."




Bea Alonzo Lantarang Tinanggi ang Plano sa Kasal na Sinabi ni Dominic Roque

Walang komento

Biyernes, Pebrero 2, 2024


 Ikinagulat ng mga netizens ang hayagang pagtanggi ng aktres na si Bea Alonzo na may plano na sila ni Dominic Roque sa kanilang kasal. 


Itinanggi ng aktres na si Bea Alonzo na nagpaplano na sila ni Dominic Roque sa kanilang kasal. Inilahad din niyang wala pa siyang ideya tungkol sa magiging kasal nila ni Dominic Roque.


Taliwas naman ito sa naging pahayag ni Dominic Roque noong nakaraang mga linggo na may plano na sila ni Bea Alonzo sa kanilang kasala at hinahanda na nila ang kanilang guest list.


Kung saan inilahad pa ni Dominic Roque na hindi imbitado si Daniel Padilla sa kanilang kasal ni Bea Alonzo, tanging si Kathryn Bernardo lamang.


Sa kamakailang panayam kay Bea Alonzo, inihayag niyang wala pa siyang idea kung ano ang magiging detalye ng kasal nila ni Dominic Roque. Nangako pa si Bea Alonzo na isisiwalat niya ang mga detalye sa media kapag magkaroon na siya ng idea sa magiging kasal nila ni Dominic.


Matatandaan na naging malaking usapin online ang naging pahayag ni Dominic Roque ilang linggo lamang ang nakakalipas na inilalatag na nilang dalawa ni Bea Alonzo ang lahat ng plano para sa kanilang kasal kahit pa hindi pa niya masabi ang eksaktong petsa nito.


Ayon pa kay Dominic na plano nila ni Bea Alonzo ang isang Christian wedding at kinumpirmang hindi invited si Daniel Padilla.


Ipinahayag pa ni Dominic Roque na sana nitong January ay ilalatag na nila ni Bea Alonzo ang lahat ng plano para sa kanilang pagpapakasal upang ma-finalize na ito.


Labis naman ikinalito ng mga netizens kung bakit tila tinatanggi ngayon ni Bea Alonzo ang mga isiniwalat na detalye noon ni Dominic Roque patungkol sa mga plano para sa kanilang kasal.


Bukod sa pa rito, inilahad ni Bea Alonzo na wala silang plano ni Dominic Roque para sa darating na Valentine's Day at sa katunayan ay may naka-schedule umano siyang taping sa araw na iyon.


Marami naman ang nangangamba ngayon sa estado ng relasyon ng dalawa dahil marami ang nakapansin na hindi na umano sinusuot ni Bea Alonzo ang binigay na engagement ring ni Dominic Roque sa kanya.


Sa kabila ng mga usap-usapan ngayon sa soial media patungkol sa posibleng nangari sa engaged couple, hinihintay naman ng mga tagahanga ng dalawa na sila na mismo ang magbahagi ng kanilang side sa nasabing isyu.



@starsphotog517 Bea Alonzo Tinanong Kung Invited Ba Ang KathNiel sa Kanilang Wedding ni Dominic Roque? #StarsPhotog #OPPOReno11Series5G #ThePortraitExpert #StandOutInPortrait #BeaAlonzo #KathNiel @bybeaalonzo @user60112118802760 @dmclifestyle @2176399033 @kathrynbernardoofficial @BERNARDOKATH @oppophilippines ♬ original sound - StarsPhotog

Enrique Gil Tinapos Na Ang Hiwalayan Isyu Nila Ni Liza Soberano

Walang komento

Tinuldukan na ng aktor na si Enrique Gil ang mga haka-hakang matagal na silang naghiwalay ng kanyang long time girlfriend na si Liza Soberano.


Sa kamakailan panayam ni Gretchen Pulido kay Enrique Gil para sa pelikula nitong I Am Not Big Bird, naitanong niya sa aktor kung sino ng magiging ka-date nito sa darating na Valentines Day.


Kaagad naman itong sinagot ni Enrique Gil na ang kanyang makakadate ay walang iba kundi ang kanyang ina dahil nakakalungkot man ay hindi umano niya maaring makasama si Liza Soberano dahil nandoon ito sa United States para i-promote ang movie nito na Lisa Frankenstein.


Gayunpaman, hinihiling pa rin ni Enrique Gil na makauwi ang kanyang girlfriend sa bansa sa tamang oras at pagkakataon para suportahan siya sa kanyang film.


Pinuri naman ni Gretchen ang paraan nina Enrique Gil at Liza Soberano sa pagsuporta sa bawat projects ng isa't-isa.


Tahasan ring naitanong ni Gretchen si Enrique Gil kung kumusta ang romantic relationship nila ni Liza Soberano na napapabalitang matagal nang nagtapos.


Ayon naman kay Enrique Gil, maayos ang kanilang relasyon at masaya pa rin sila. Tila sinagot na rin niya ang mga katanungan kung bakit hindi na sila madalas na nagkakasama sa agpapahayag niyang kapwa sila abala sa kani-kanilang mga career.


"I think we just realize na in life na we should not center around each other. Parang we can do more, we can grow more, we can achieve more, then we can be better."


Samantala, labis naman na nasisiyahan ang mga fans ngayon nina Liza Soberano at Enrique Gil na mismong ang aktor na ang nagsasabing sila parin ng aktres.


Matatandaan na ilang beses na ring naiulat noon ang paghihiwalay ng dalawa mula ng makapagdesisyon si Liza Soberano na iwan ang ABS-CBN, Star Magic at si Ogie Diaz upang i-pursue ang kanyang Hollywood dream.


Naging abala na rin ito sa kanyang career lalo na at may mga nakaharap rin itong mga pagsubok sa Amerika.


Dahil dito, nagiging malimit na ang pagkakataon na nagkasama ang dalawa. Gayunpaman, nasiyahan ang mga netizens dahil natagalan nila ang relasyon sa kabila ng pagiging malayo nila sa isa't-isa at minsan na lamang silang nagkikita.


 

@mayadelarosalim_00

♬ original sound - Lorna Trinidad

Katrina Halili Nagluluksa Sa Biglaang Pagkawala Ng Boyfriend Na Si Jeremy!

Walang komento

Martes, Enero 30, 2024


 Labis na nagluluksa ngayon ang Kapuso actress na si Katrina Halili sa maagang pagpanaw ng kanyang boyfriend na si Jeremy Guiab na tumatayo na rin bilang pangalawang ama ng kanyang anak kay Kris Lawrence na si Katie.


Ibinahagi ng Kapuso actress ang malungkot na balita sa kanyang Instagram account sa pamamagitan ng pagpost ng larawan ng isang lalaki na naglalakad palayo at nilagyan ng malungkot na caption.


Sa caption, inilahad ni Katrina Halili kung gaano ka-daya si Jeremy dahil sa pag-iwan sa kanila ni Katie sa kabila ng pangako nitong aalagaan silang mag-ina.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay at panalangin para kay Katrina Halili mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz, kabilang na sina Aiko Melendez, Camille Prats, Kris Bernal, Jackielou Blanco at marami pang iba.


Bukod sa mga artista nagpadala rin ng mensahe ng pakikiramay ang ilang mga tagahanga ng aktres na nakikidalamhati sa pagpanaw ni Jeremy.


Walang ibang hiling ang mga ito kundi ang strength para kay Katrina Halili at pangalangin na malalampasan nito ang lungkot dala ng pagkawala ng kanyang boyfriend.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na si Katrina Halili ay may isang anak sa dating karelasyon na si Kris Lawrence, ito ay walang iba kundi si Katie.


Si Katie ay na-diagnose na mayroong ASD o Autism Spectrum Disorder, isang neurological at developmenta disorder na apektado ang behavior at socializing skills ng taong na-diagnose nito.


Dahil dito, marami ang nakakaintindi na mahirap ang kalagayan ni Katrina Halili, dahil pinagsasabay ng aktres ang kanyang pagiging artista at pagtutok sa kanyang anak na may special na pangangailangan.


Sa katunayan, sadya umanong nililimitahan ni Katrina Halili ang kanyang tinatanggap na projects upang hindi kainin ng trabaho ang oras ng pag-aalaga niya sa kanyang anak na 11 years old pa lamang ngayon.


Dahil rin ito, nararamdaman ng lahat ang pagdadalamhati ngayon ni Katrina Halili dahil sa pagpanaw ng lalaking hindi lamang naging katuwang niya sa kanyang buhay kundi maging sa pag-aalaga na rin sa kanyang anak.


Sa kabilang banda, hindi naman pinapabayaan ni Kris Lawrence ang kanyang anak kay Katrina Halili dahil sinusuportahan niya ito. Maayos rin ang kanilang co-parenting set-up ni Katrina Halili, sa katunayan ay nahihiram pa niya mula sa aktres ang kanilang anak.


Samantala, base sa ibinahaging social media post ng Quezon City Councilor na si Don De Leon, inilahad niya ang dahilan ng biglaang pagpanaw ni Jeremy. Ayon rito, nakaranas ng fatal heart attack ang kanyang kaibigan na naging sanhi ng kanyang biglaan pamamayapa.


Grabe to Daniel Padilla Parang As0ng Sunod Ng Sunod Kay Kathryn Bernardo Pinagtabu-yan Daniel I-iyak

Walang komento

Linggo, Enero 28, 2024

 


Viral at trending ngayon sa mundo ng social media ang pag-attend ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kasal ng kanilang matalik na kaibigan na si Robi Domingo.


Kitang-kita sa nagviral na video ang paglapit-lapit ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo na parang asong sunod ng sunod sa kanyang amo. 


"Deserve mo yan", sabi ng mga netizens matapos magviral ang video kung saan kitang-kita na parang aso si Daniel Padilla na sunod ng sunod kay Kathryn Bernardo. Para bang nagmamakaawa ito na balikan sya ni Kathryn Bernardo. 


Matapos magviral ang nasabing video ay umani agad ito ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon patungkol sa nasabing video. 


Banat pa nila ay maawa na daw diumano si Daniel Padilla sa kanyang sarili dahil hindi basta-basta ang kanyang ginawang kasalanan kay Kathryn Bernardo. 


Dagdag pa ng mga netizens ay sana naman daw ay hayaan nalang ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo at magmove-on nalang sa kanyang buhay upang sa ganoon ay makalaya na silang dalawa sa sakit at hinagpis na nararamdaman nila ngayon dulot ng pagkasira ng kanilang relasyon. 


Nang lumabas ang balitang ito ay umani agad ng samu't-saring komento mula sa netizens. Marami sa kanila ngayon ang di mapigilan ang sarili na maglabas ng kani-kanilang hinaing at komento sa mundo ng social media. 


Ayon pa sa kanila, "Dapat kay Kath sabihan si Daniel to leave her alone kasi parang ituring si Kath ni Daniel kala mo property niya yung tao, walang respeto, parang binabastos yong babae."


"Magmahal the best that you can. Para no regrets. Hindi yung hahabol ka pag nagsisisi tapos too late na. Go Kath, you are doing good!"


@showbiz.philippines VIDEO ng Todong Paglayo ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla sa Wedding ni Robi Domingo #kathrynbernardo #danielpadilla #kathniel #fyp #fypシ ♬ original sound - Showbiz Philippines


Kathryn Bernardo Dedma Kay Daniel Padilla Sa Kanilang Event !| Kathniel Balik Trabaho Na!

Walang komento

 


Balik trabaho na nga sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung saan makikita na ang kanilang mga solo endorsements. Hindi na katulad ng dati na parating magkasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. 


Ganunpaman, masaya ang kanilang fans dahil unti-unti na ngang bumabalik ang dalawa sa kani-kanilang solo career. Tila spotted naman sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang event na magkasama ngunit hindi ito isinapubliko. 


Narito at muli nating balikan ang kanilang event na magkasama. 




Detalye sa Engagement at Pagpapakasal ni Carlo Aquino at Charlie Dizon

Walang komento

Biyernes, Enero 26, 2024


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang magkasintahan na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon matapos lumabas ang isyung tila nagbabalak na umanong magpakasal ang dalawa.


Sa kamakailang vlog ng showbiz insider na si Ogie Diaz, isiniwalat niyang may nakarating sa kanya na mga isyu na umano'y nagbabalak nang magpakasal sina Charlie Dizon at Carlo Aquino.


Ayon pa sa pahayag ni Ogie Diaz, nakilala na umano ni Carlo Aquino ang mga magulang ni Charlie Dizon. May mga kumakalat na ring mga larawan ng dalawa na magkasama sila sa iisang okasyon.


Ipinahayag ni Ogie Diaz, na nakaplantsa na umano ang planong pagpapakasal ng dalawa at balak nilang isagawa ang lahat ng ito kapag natapos na ang mga nakalinyang proyekto na kinakailangang unahin ng dalawa.


Naitanong din ni Mama Loi kung kailan magaganap ang sekretong pagpapakasal nina Charlie Dizon at Carlo Aquino, kaagad naman itong sinagot ni Ogie Diaz na hindi pa niya tiyak kung ano ang petsa subalit magaganap umano ito ngayong taon.


Sa kabila nito, nilinaw nina Ogie Diaz na hindi pa naman kumpirmado ang patungkol sa nakalap nilang impormasyon subalit dahil wala namang sabit ang dalawa posibleng mangyayari talaga ang nasabing plano.


Matatandaan na naging usap-usapan din noon ang suot-suot na singsing ni Charlie Dizon na pinaghihinalaang engagement ring na mula kay Carlo Aquino. Naging makahulugan din ang caption noon Charlie Dizon sa kanyang post kung saan ibinida niyang si Carlo Aquino pa mismo ang kumuha ng kanyang larawan.


Marami naman sa mga netizens noon ang napapatanong kung engage na ba silang dalawa, subalit naging tikom na ang kanilang mga bibig.


Matatandaang naging malaking usap-usapan rin noon ang pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon dahil marami ang nagsasabing si Charlie Dizon ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza.


Gayunpaman, mariing pinabulaanan ni Carlo Aquino ang isyu at sinabing matagal na silang hiwalay ni Trina Candaza nang magsimula silang mag-date ni Charlie Dizon.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo