Kayo Nalang! Netizens, Gustong I-pares Si Kathryn Kay Dominic Roque.

Linggo, Pebrero 11, 2024

/ by Sparkle

 


Matapos ang ilang araw na bulungan, kinumpirma ng "King of Talk" na si Boy Abunda noong February 6, sa kanyang Kapuso talk show na "Fast Talk with Boy Abunda" na totoo ang balitang hiwalay na ang engaged couple na sina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Taong 2021 nang ihayag ni Bea Alonzo na "in a relationship" sila ni Dominic Roque. Last July, sinurpresa ni Dominic Roque si Bea sa kanyang proposal. Ngayon, wala pang isang taon, hiwalay na ang dalawa.


Ayon sa source, ibinalik na ni Bea ang engagement ring kay Dom. After this confirmation, may ilang netizens na parang may gustong mangyari.


"What if si Kathryn and Dominic nalang?" 




Narito ang mga komento ng ilang mga netizens. "Bakit picture lang yan pero kinikilig akooo. I kennat! KathDom!"


"I remember sabi ni Kath sa isang interview noon, si Dom yung parang male version niya."


"What if isa si Dom na pinagseselosan ni DJ noon."


"They both deserve a better partner. Kung sila man ang better for each other, only God can make it happen."




"Alam ko lang kakahiwalay lang nila pero kinikilig ako sa kanila. Bagay"


Samantala, hindi pa nagsasalita sina Dom at Bea tungkol sa kanilang hiwalayan. Umaasa rin ang ilan sa kanilang supporters na magkakabalikan ang dalawa at matutuloy ang naudlot na kasal.


@iamvane24 Kath and Dom friendship (pwede rin lover)😍❤️ mukhang bagay. Charot 😂😂 #dominicroque #kathrynbernardoofficial #kathryn #fyp #fypviralシ #foryoupage #endgame #beadom #tiktokph ♬ Forever and Ever and Always (The Softer Version) - Ryan Mack

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo