Enrique Gil Tinapos Na Ang Hiwalayan Isyu Nila Ni Liza Soberano

Biyernes, Pebrero 2, 2024

/ by Lovely

Tinuldukan na ng aktor na si Enrique Gil ang mga haka-hakang matagal na silang naghiwalay ng kanyang long time girlfriend na si Liza Soberano.


Sa kamakailan panayam ni Gretchen Pulido kay Enrique Gil para sa pelikula nitong I Am Not Big Bird, naitanong niya sa aktor kung sino ng magiging ka-date nito sa darating na Valentines Day.


Kaagad naman itong sinagot ni Enrique Gil na ang kanyang makakadate ay walang iba kundi ang kanyang ina dahil nakakalungkot man ay hindi umano niya maaring makasama si Liza Soberano dahil nandoon ito sa United States para i-promote ang movie nito na Lisa Frankenstein.


Gayunpaman, hinihiling pa rin ni Enrique Gil na makauwi ang kanyang girlfriend sa bansa sa tamang oras at pagkakataon para suportahan siya sa kanyang film.


Pinuri naman ni Gretchen ang paraan nina Enrique Gil at Liza Soberano sa pagsuporta sa bawat projects ng isa't-isa.


Tahasan ring naitanong ni Gretchen si Enrique Gil kung kumusta ang romantic relationship nila ni Liza Soberano na napapabalitang matagal nang nagtapos.


Ayon naman kay Enrique Gil, maayos ang kanilang relasyon at masaya pa rin sila. Tila sinagot na rin niya ang mga katanungan kung bakit hindi na sila madalas na nagkakasama sa agpapahayag niyang kapwa sila abala sa kani-kanilang mga career.


"I think we just realize na in life na we should not center around each other. Parang we can do more, we can grow more, we can achieve more, then we can be better."


Samantala, labis naman na nasisiyahan ang mga fans ngayon nina Liza Soberano at Enrique Gil na mismong ang aktor na ang nagsasabing sila parin ng aktres.


Matatandaan na ilang beses na ring naiulat noon ang paghihiwalay ng dalawa mula ng makapagdesisyon si Liza Soberano na iwan ang ABS-CBN, Star Magic at si Ogie Diaz upang i-pursue ang kanyang Hollywood dream.


Naging abala na rin ito sa kanyang career lalo na at may mga nakaharap rin itong mga pagsubok sa Amerika.


Dahil dito, nagiging malimit na ang pagkakataon na nagkasama ang dalawa. Gayunpaman, nasiyahan ang mga netizens dahil natagalan nila ang relasyon sa kabila ng pagiging malayo nila sa isa't-isa at minsan na lamang silang nagkikita.


 

@mayadelarosalim_00

♬ original sound - Lorna Trinidad

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo