Detalye sa Engagement at Pagpapakasal ni Carlo Aquino at Charlie Dizon

Biyernes, Enero 26, 2024

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang magkasintahan na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon matapos lumabas ang isyung tila nagbabalak na umanong magpakasal ang dalawa.


Sa kamakailang vlog ng showbiz insider na si Ogie Diaz, isiniwalat niyang may nakarating sa kanya na mga isyu na umano'y nagbabalak nang magpakasal sina Charlie Dizon at Carlo Aquino.


Ayon pa sa pahayag ni Ogie Diaz, nakilala na umano ni Carlo Aquino ang mga magulang ni Charlie Dizon. May mga kumakalat na ring mga larawan ng dalawa na magkasama sila sa iisang okasyon.


Ipinahayag ni Ogie Diaz, na nakaplantsa na umano ang planong pagpapakasal ng dalawa at balak nilang isagawa ang lahat ng ito kapag natapos na ang mga nakalinyang proyekto na kinakailangang unahin ng dalawa.


Naitanong din ni Mama Loi kung kailan magaganap ang sekretong pagpapakasal nina Charlie Dizon at Carlo Aquino, kaagad naman itong sinagot ni Ogie Diaz na hindi pa niya tiyak kung ano ang petsa subalit magaganap umano ito ngayong taon.


Sa kabila nito, nilinaw nina Ogie Diaz na hindi pa naman kumpirmado ang patungkol sa nakalap nilang impormasyon subalit dahil wala namang sabit ang dalawa posibleng mangyayari talaga ang nasabing plano.


Matatandaan na naging usap-usapan din noon ang suot-suot na singsing ni Charlie Dizon na pinaghihinalaang engagement ring na mula kay Carlo Aquino. Naging makahulugan din ang caption noon Charlie Dizon sa kanyang post kung saan ibinida niyang si Carlo Aquino pa mismo ang kumuha ng kanyang larawan.


Marami naman sa mga netizens noon ang napapatanong kung engage na ba silang dalawa, subalit naging tikom na ang kanilang mga bibig.


Matatandaang naging malaking usap-usapan rin noon ang pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon dahil marami ang nagsasabing si Charlie Dizon ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza.


Gayunpaman, mariing pinabulaanan ni Carlo Aquino ang isyu at sinabing matagal na silang hiwalay ni Trina Candaza nang magsimula silang mag-date ni Charlie Dizon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo