Katrina Halili Nagluluksa Sa Biglaang Pagkawala Ng Boyfriend Na Si Jeremy!

Martes, Enero 30, 2024

/ by Lovely


 Labis na nagluluksa ngayon ang Kapuso actress na si Katrina Halili sa maagang pagpanaw ng kanyang boyfriend na si Jeremy Guiab na tumatayo na rin bilang pangalawang ama ng kanyang anak kay Kris Lawrence na si Katie.


Ibinahagi ng Kapuso actress ang malungkot na balita sa kanyang Instagram account sa pamamagitan ng pagpost ng larawan ng isang lalaki na naglalakad palayo at nilagyan ng malungkot na caption.


Sa caption, inilahad ni Katrina Halili kung gaano ka-daya si Jeremy dahil sa pag-iwan sa kanila ni Katie sa kabila ng pangako nitong aalagaan silang mag-ina.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay at panalangin para kay Katrina Halili mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz, kabilang na sina Aiko Melendez, Camille Prats, Kris Bernal, Jackielou Blanco at marami pang iba.


Bukod sa mga artista nagpadala rin ng mensahe ng pakikiramay ang ilang mga tagahanga ng aktres na nakikidalamhati sa pagpanaw ni Jeremy.


Walang ibang hiling ang mga ito kundi ang strength para kay Katrina Halili at pangalangin na malalampasan nito ang lungkot dala ng pagkawala ng kanyang boyfriend.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na si Katrina Halili ay may isang anak sa dating karelasyon na si Kris Lawrence, ito ay walang iba kundi si Katie.


Si Katie ay na-diagnose na mayroong ASD o Autism Spectrum Disorder, isang neurological at developmenta disorder na apektado ang behavior at socializing skills ng taong na-diagnose nito.


Dahil dito, marami ang nakakaintindi na mahirap ang kalagayan ni Katrina Halili, dahil pinagsasabay ng aktres ang kanyang pagiging artista at pagtutok sa kanyang anak na may special na pangangailangan.


Sa katunayan, sadya umanong nililimitahan ni Katrina Halili ang kanyang tinatanggap na projects upang hindi kainin ng trabaho ang oras ng pag-aalaga niya sa kanyang anak na 11 years old pa lamang ngayon.


Dahil rin ito, nararamdaman ng lahat ang pagdadalamhati ngayon ni Katrina Halili dahil sa pagpanaw ng lalaking hindi lamang naging katuwang niya sa kanyang buhay kundi maging sa pag-aalaga na rin sa kanyang anak.


Sa kabilang banda, hindi naman pinapabayaan ni Kris Lawrence ang kanyang anak kay Katrina Halili dahil sinusuportahan niya ito. Maayos rin ang kanilang co-parenting set-up ni Katrina Halili, sa katunayan ay nahihiram pa niya mula sa aktres ang kanilang anak.


Samantala, base sa ibinahaging social media post ng Quezon City Councilor na si Don De Leon, inilahad niya ang dahilan ng biglaang pagpanaw ni Jeremy. Ayon rito, nakaranas ng fatal heart attack ang kanyang kaibigan na naging sanhi ng kanyang biglaan pamamayapa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo