Ready Na Sa Bagong Lovelife: Daniel Padilla, Sinagot Ang Tanong Kung Ready Na S'yang Magmahal Muli

Martes, Pebrero 13, 2024

/ by Sparkle

 


Matapos mangyari ang Forever Kapamilya contract signing ng aktor na si Daniel Padilla kahapon, February 12, nagkaroon ng pagkakataon ang TV Patrol reporter na si MJ Felipe na makapanayam siya.


Maraming tanong ang itinanong sa aktor. Kasama na rito ang pagtatanong sa kanya kung handa na ba siya sa bago niyang pag-ibig. Sinagot niya ito kaagad at sinabing wala siyang plano at ayaw niyang isipin ang love life.


Mas tututukan niya ngayon ang kanyang trabaho at tututukan muna ang kanyang pamilya. Ang pag-ibig ay  wala sa isip niya sa ngayon.


Ngayong papalapit na ang Valentines Day, tinanong din kung sino ang makaka-date niya sa araw ng mga puso. Ayon kay Daniel, nasa bahay lang siya. Nagkapalit yata sila ng mga kapatid niya dahil sila ang may date ngayong Valentines at siya ay nasa bahay lang.


Sa panayam na iyon kay Daniel, napansin ng netizens na hindi pa talaga handa ang aktor sa bagong pag-ibig at tila hindi maalis sa puso niya ang pagmamahal niya kay Kathryn. Hoping na magkaayos na sila ni Kathryn at magkabalikan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo