Dominic Roque Nagsalita Na! Hindi Na Matutuloy Ang Kasal Nila Ni Bea Alonzo!

Linggo, Pebrero 4, 2024

/ by Sparkle

 


Nagsalita na si Dominic Roque tungkol sa isyu na hindi na matutuloy ang kasal nila ng fiancee na si Bea Alonzo. Usap-usapan ngayon sa social media kung may pinagdadaanan ba ang magfiancee na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens na hindi suot ng diumano’y Kapuso actress ang kanyang engagement ring. May nakapansin din na tila hindi na nagpo-post sina Bea at Dominic ng mga picture nilang magkasama.


Ang huling post ni Dominic kay Bea ay noong January 4 at inoff na rin ng aktor ang mga komento sa kanyang Instagram. Kaya naman may kanya-kanyang hula ang netizens kung maganda pa ba ang relasyon nina Bea at Dominic.




"Naiinis siya sa akin kasi feeling niya hindi ako hands-on sa ano, pero 'yun ang tinanong ko sa mga kaibigan kong lalaki, ganoon din sila. So", ani Dominic Roque sa isang interview.


Sa latest vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, ayon sa kanyang source, naghiwalay sina Bea at Dominic noong January 20.


"Ayon sa isa sa mga source ko, wala na sila. Hiwalay na sila. Yung Japan nila, last post nila yun. Wala na sila.", ani Ogie.




Lalong naghinala ang netizens nang marinig ang mga sagot ni Bea sa isang interview nang tanungin siya tungkol sa kasal nila ni Dominic.


"Wala, wala pang plano. Parang dapat, lalaki yata yung nagpaplano. Sorry, wala akong mashare.", saad ni Bea.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo