Ipinapakita ang mga post na may etiketa na love. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na love. Ipakita ang lahat ng mga post

Angeline Quinto, Ipinagtanggol Ang Kanyang Asawa na si Nonrev!

Walang komento

Huwebes, Mayo 16, 2024


 Isa sa masasayang celebrity ngayon ay ang actress-singer na si Angeline Quinto dahil nasa maayos ang kanilang pamilya at kamakailan lamang ay ikinasal na sila ng kanyang partner na si Nonrev Daquina.


Nakadagdag pa sa kasiyahan na ito ni Angeline Quinto ay ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang pagkakataon sa anak nila ni Nonrev.


Patuloy na nagbabahagi si Angeline Quinto ng mga updates patungkol sa kanyang buhay sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos mula sa mga netizens dahil siya ang nagpo-provide sa kanilang pamilya.


Tila bingi at bulag ngayon ang aktres sa mga pambabatikos dahil nakapokus lamang siya sa kanyang mahal sa buhay at sa pagtataguyod sa kanyang pamilya.


Sa gitna ng mga pambabatikos na natatanggap ngayon ng asawa ni Angeline Quinto na si Nonrev, nagbahagi si actress-singer ng isang open letter para rito.


"Alam ko hindi naging madali sa umpisa. May ibang ayaw sa relasyon natin, Pero mas pinili mong manatili sa tabi ko, nung panahong kailangan na kailangan kita. Nung panahong ayaw ko ng kumanta at magtrabaho dahil sa pag kawala ng Mama Ikaw ang naging kakampi at inspirasyon ko. At ang pag dating ni Sylvio ang nagbago ng buhay ko."


"Para saiyo ang awiting sinulat ko, kasama ni Sir @jonathanmanalo natapos namin ang kanta bago ang kasal natin kaya ito rin ang ginamit para sa bridal march ko last month"


Ipinahayag rin ni Angeline Quinto na palagi niyang ipaglaban si Nonrev Daquina sa mga netizens na nambabatikos rito.


Matatandaang hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami ang nambabatikos kay Nonrev Daquina dahil sa hindi umano nito pagtatrabaho. Inaasa na lamang umano nito ang lahat kay Angeline Quinto gayung bukod sa kanyang anak kay Angeline Quinto ay may mga anak pa ito sa iba't-ibang mga babae.



Xian Lim Pinakita Na Very Happy Sya Ngayon Sa Piling Ng New Girlfriend Na Si Iris Lee!

Walang komento

Lunes, Mayo 6, 2024


 Matapos kumpirmahin ang relasyon, Xian Lim at Iris Lee malaya nang ipinasisilip sa mga netizens ang mga sweet moment nilang dalawa.


Ipinakita na ng actor-director na si Xian Lim ang katotohanang masaya sila ni Iris Lee sa piling ng isa't-isa sa kabila ng mga pambabatikos na natatanggap matapos kumpirmahin ang kanilang relasyon.


Umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang latest Instagram post ni Xian Lim kung saan ibinahagi niya sa unang pagkakataon ang mga larawan nila ni Iris Lee sa kanyang Instagram account.


Ibinahagi ni Xian Lim ang mga larawan nila ng kanyang bagong karelasyon na si Iris Lee tatlong araw matapos ang pag-amin niya sa publiko ng relasyon nilang dalawa.


Ang mga larawan na ito ay kuha noong sino-shoot nila ang kanilang pelikula sa Thailand kung saan si Xian Lim ang direktor habang si Iris Lee naman ang producer.


Sa isang picture, makikitang komportable si Xian Lim na nakaupo sa tabi ni Iris Lee habang mayroon silang sinisilip sa kamera.


Napansin rin ng maraming mga netizens ang pagiging inspired ni Xian Lim sa pagtatrabaho kasama si Iris Lee. Maging ang pagiging mature at professional ni Iris Lee ay hindi rin pinalagpas ng maraming mga netizens.


May mga netizens pa ang tila nagbago ang isip sa mga nakitang larawan dahil makikita umano sa mga pictures ang pagiging matalino ni Iris Lee at hindi umano ito 'sabaw'.


Tila ito umano ang dahilan kung bakit ito ang pinili ni Xian Lim dahil tila nahanap na umano ng aktor sa katauhan ni Iris Lee ang babaeng hinahanap niya na kapareho niyang intelligent at dedicated pagdating sa film-making.


Samantala, ipinagtanggol naman ng general manager ng Aguila Entertainment Agency si Xian Lim laban sa mga bumabatikos rito dahil sa pangloloko umano nito sa dating karelasyon na si Kim Chiu.


Ayon dito, matagal na niyang kilala si Xian Lim at never pa umano itong nagcheat. Lahat din umano ng relasyon ng aktor ay nagtatagal dahil commited ito kapag may napupusuan.


Sinabi rin nito na sana ay matahimik na ang lahat dahil nagbigay na ng pahayag si Xian Lim kung saan sinabi nitong walang third party sa naging hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Hindi rin umano matatawag na cheating ang relasyon nina Xian Lim at Iris Lee ngayon dahil naunang naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim bago pumasok sa storya si Iris Lee.


Xian Lim Inamin Na Ang Relasyon Nila Ni Iris Lee, Third Party Kay Kim Chiu Nilinaw

Walang komento

Biyernes, Mayo 3, 2024


 Inamin na ng Kapuso actor na si Xian Lim ang totoong estado ng relasyon nila ng Vivamax producer na si Iris Lee. Nilinaw din ni Xian Lim ang isyu na umano'y ang third party sa hiwalayan nila ni Kim Chiu si Iris Lee.


Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-amin ni Xian Lim matapos ang kanyang pag-amin sa totoong relasyon nila ngayon ni Iris Lee.


Sa isang exclusive interview kay Xian Lim ng Esquire Magazine, sinagot at nilinaw ng aktor ang lahat ng mga isyu na ibinabato sa kanila ni Iris Lee.



Sinagot ni Xian Lim ang lahat ng mga speculations sa totoong relasyon nila ni Iris Lee at ang mga haka-haka sa naging hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu.


Ayon kay Xian Lim, totoong nagdi-date na sila ngayon ni Iris Lee, na inilalarawan niya bilang isang  isang talented filmmaker at creative partner. Masayang-masaya na rin umano sila sa kanilang relasyon ngayon.


Nilinaw din niya ang isyung si Iris Lee ang naging third party sa paghihiwalay nila ni Kim Chiu noong nagdaang taong 2023.


Iginiit ni Xian Lim na hindi naging third party si Iris Lee sa relasyon nila noon ni Kim Chiu. Nagkaroon lamang umano sila ng ugnayan dalawa makalipas ang paghihiwalay nila ni Kim Chiu na naging girlfriend niya sa loob ng maraming mga taon.


"There are things that I want to clarify. Number one, that there was a third party. There's no third party. That's it. That plain and simple."


Pinabulaanan din ni Xian Lim ang mga balitang nagpakasal na sila ni Iris Lee sa New York.


"Another rumor: when I see my friends—the people who are the last to even care about these things—kino-congratulate na ko. They say, 'Congratulations on the marriage in New York!' And I'm like, no, I am not married," pahayag ni Xian Lim.


Hiling naman ni Xian Lim sa lahat ng mga netizens na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa relasyon nila ni Iris Lee dahil hindi umano nito deserve ang mabatikos.


"She doesn't deserve all that flak. We don't deserve that because all the things na people are saying, there's no truth to any of it," paglilinaw ni Xian Lim.



@rosemarieflor7 "Xian Lim clarified that he and Iris started dating after his split with Kim Chiu—whom he has been with for 12 years—refuting rumors that there was a third party involved in the cause of his split with the latter. "-Philstar #viral #viralissue #irislee #xianlim #fypシ゚viral ♬ nhạc nền - douyin dance

Angelica Panganiban Emosyunal Sa Pagpapahayag Ng Kanyang Pagmamahal Kay Gregg Homan

Walang komento

Miyerkules, Abril 24, 2024


 Marami sa mga netizens at mga kaibigan ng aktres na si Angelica Panganiban ang naging emosyunal matapos marinig ang vow ng aktres para sa asawang si Gregg Homan sa kanilang ikalawang kasal.


Muling nagpakasal ang mag-asawa na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa ikalawang pagkakataon sa Inara Resort sa Isla ng Siargao, ilang buwan matapos ang kanilang unang kasal sa US.


Sa isang video na ipinost ng The Aivee Clinic sa Instagram, nakunan si Angelica Panganiban na naging emosyonal sa altar nang ipahayag niya ang kanyang pagmamahal kay Gregg sa pamamagitan ng kanyang wedding vows.


"Ilang beses din akong nadapa, nasaktan, umiyak, pero ni minsan hindi ako sumuko sa pag-ibig. Alam kong darating din ang panahon na ibibigay din sa'kin ng Bathala ang karapat-dapat," panimulang pahayag ng aktres.


"Dumating ang araw na hindi ko malilimutan. Dumating ka. Ikaw ang naging sagot sa lahat ng bakit ko noon. Dahil sa'yo, naging sapat ako," dagdag ng aktres na nagsimulang maging emosyunal.


"Salamat dahil hindi lang ikaw ang dumating. Dumating ang isang tao na hihigitan pa ang kapasidad kong magmahal, dumating si Bean sa buhay natin. Pangakong hindi na ako matatakot at sasanayin ko na ang sarili ko na may nagmamahal na sa akin nang totoo at nag-aalaga nang wagas. Kasi ang sarap pala kapag nasusuklian ang lahat ng binibigay ko. Habang buhay, mahal kita."


Ilan sa mga celebrities na dumalo sa espesyal na araw nina Angelica Panganiban at Gregg Homan ay sina Kim Chiu, Bela Padilla, Andoy Ranay, Anne Curtis, mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Dr. Aivee Aguilar Teo, Liz Uy, at Kean Cipriano.


Nagkakilala sina Angelica Panganiban at Gregg Homan noong 2020 nang mag-film si Angelica para sa isang teleserye show sa Subic, kung saan nakatira si Gregg. Kinumpirma nila ang kanilang relasyon noong January 2021.


Ang kanilang unang kasal ay naganap naman noong December 31, 2023 ng nakaraang taon.



EA Guzman Nahuli ni Shaira Diaz Na May Ginagawang Hindi Kanais-Nais

Walang komento

Martes, Abril 23, 2024


 Umaani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang naging pag-amin nina Shaira Diaz at EA Guzman sa naging panayam sa kanila ng kilalang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz.


Sa nasabing panayam inihayag ng aktor na si Edgar Allan Guzma na mas kilala bilang si EA Guzman ang kanyang labis na pagsisisi nang mahuli siya ng kanyang girlfrien na si Shaira Diaz na nanonood ng bold movies.


Idinitalye naman nina Shaira Diaz at EA Guzman ang buong pangyayari kay Ogie Diaz upang mas maunawaan nito ang buong kwento.


Naniniwala si Shaira Diaz na ang ginawang panonood ng mga porn movies ni EA Guzma ay maaring na ring tawaging cheating.


Ayon kay Shaira Diaz, marami sa mga tao ang nagsasabing normal lang sa isang lalaki na manood ng ganoong uri ng palabas. Peroa para sa kanya ay hindi kailangan na inormalize iyon.


Sinabihan pa umano niya noon si EA na magpalit sila ng sitwasyon siya naman ang manonood, pagpapantasyahan ang ibang lalaki kung matutuwa rin daw pa si EA.


Dagdag pa ni Shaira, na parang cheating na rin iyong panonood ni EA Guzman ng mga bold movies dahil nakikita umano nito ang mga katawan ng ibang tao na supposedly sacred.


Matapos umano itong sabihin ni Shaira Diaz kay EA Guzman ay na realize umano ng aktor na mali talaga ang kanyang nagawa kaya naman tinigil na niya ang panonood ng kanyang paboritong movie magmula noon.


“Du’n nag-start, Mama Ogs. Tinamaan ako du’n na nasasaktan siya. So dahil sobrang mahal ko siya, nag stop talaga,” pahayag ni EA Guzman.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang inamin nina Shaira Diaz at EA Guzman sa panayam nila kay Ogie Diaz.


Ayon sa ilang mga netizens na hindi naman maituturing na cheating ang ginawa ni EA Guzman na panonood ng bold movies dahil wala naman itong ginawang move para makilala ang babae napapanood.


Ipinunto pa ng maraming mga netizens na talagang hindi maiiwasan na may mga mature contents ang ilang mga magagandang movies lalo na kung nagmula naman ito sa ibang bansa.


May mga nagsasabi pa kay Shaira Diaz na nagpapaka-OA lamang siya dahil may mga needs naman umano si EA Guzman dahil isa itong grown up man lalo na't nagpa-practice sila ng celibacy.


May mga nagtatanggol naman kay Shaira kung saan ipinunto nilang hindi naman pinilit ng babae ang aktor na magpractice ng celibacy kasama siya.



Mga "Red Flag" Video Ni Daniel Kay Kathryn Noon, Kumakalat Online! Fans Ni Daniel, Pumalag!!

Walang komento

Sabado, Abril 13, 2024

 


Ilang buwan matapos maghiwalay, nag-uumpisa nang magkaroon ng hindi pagkakasundo sa social media ang mga tagasuporta nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla tungkol sa mga naging isyu nila sa isa't isa. 


Kamakailan, umusbong sa internet ang iba't ibang video mula sa ilang tagahanga ni Kathryn na nagpapakita umano sa hindi kanais-nais na asal ni Daniel noong sila ay magkasintahan pa. Ang pagkalat ng mga videong ito ay nagbibigay linaw sa ilan kung ano ang pag-uugali ng aktor bago pa man natapos ang relasyon ng Kathniel.


Sa kabilang banda, may mga tagasuporta rin si Daniel na tinatanong kung bakit ngayon lamang lumabas ang mga videong ito, at bakit walang reaksyon mula sa iba noong sila ay magkasama pa. Hindi rin nila maiwasang punahin ang patuloy na paglaki ng isyu ng kanilang paghihiwalay, na ayon sa kanila ay nakakapagod na. 


Ngayon na may pagtatalo na sa pagitan ng mga tagasuporta nina Kathryn at Daniel, nagiging kumplikado ang tanong kung sino nga ba ang dapat paniwalaan. Ano ang iyong opinyon dito?




Sen. Bong Revilla, Sinagot Si Lani Mercado Patungkol Sa Kanilang Pagsasama

Walang komento

Huwebes, Abril 11, 2024


 Matapos ang mahigit 30 years na pagsasama nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado, ibunyag ng dalawa sa publiko na hindi naging madali ang kanilang pagsasama.


Nagbigay ng pahayag ang dating action star at senador na si Bong Revilla kung gaano siyang humanga sa pagmamahal, pang-unawa at katatagan na ipinapakita palagi ng kanyang asawa na si Congresswoman Lani Mercado.


Aminado naman si Se. Bong Revilla na hindi naging madali ang kanilang pagsasama. Sa loob ng 30 years, hindi naging smooth sailing ang lahat dahil dumaan din sila sa maraming mga pagsubok.


Hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat na na-uugnay noon ang aktor at Senador na si Bong Revilla.


Bukod pa rito may iba pang mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya na kung sakali mang naging mahinang klase ng babae si Lani Mercado naniniwala siyang hindi nito kakayanin ang lahat.


"Totoo yun, siyempre sa lahat ng mga pagsubok na dumaan sa buhay ko, sa dami ng mga tsismis na dumating, nandiyan pa rin siya, very supportive. Kung may bibigyan ako ng medalya, bibigyan ko ng medalya si Lani, lalagyan ko pa ng crown," pahayag ni Sen. Bong Revilla sa isang panayam sa kanya.


Naglabas rin ng reaksyon si Senator Bong Revilla sa naging pahayag noon ni Congresswoman Lani Mercado kung saan inilahad nito na hindi siya madaling maging asawa.


Ayon kay Senator Bong Revilla, talagang hindi madali ang maging asawa niya dahil sa dami ng kanyang mga pinagdadaanan na tila isang roller coaster ride. Kaya naman talagang mahirap na maging asawa siya dahil dito ay labis umano niyang hinahangaan ang paninindigan ng kanyang asawa.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang nagssabing na tila nagpapakamartyr na lamang si Lani Mercado dahil sa dami ng mga babaeng naiuugnay sa kanyang mister na si Bong Revilla.


Ayon kay Bong Revilla hindi naman naging martir ang kanyang asawa dahil naniniwala siyang ang pagiging martir ay pagmamahal na rin iyon.


Inilahad naman ni Sen. Bong Revilla na siguro hindi lamang mga masasamang katangian ang nakikita ng kanyang asawa sa kanya. Nakitaan rin umano siya nito ng magagandan katangian dahil nanatili sa kanyang tabi ang kanyang asawa.


Iginiit naman ni Sen. Bong Revilla na hindi man siya naging perpektong lalaki, isa naman siyang tunay na lalaki at hinding-hindi niya iiwan ang kanyang asawa.



Naniniwala rin umano si Sen. Bong Revilla sa kasabihang 'behind every successful man, there is a strong woman'.



Matching Promise Ring Nina Kathryn Bernardo at Alden Richards Mamahalin

Walang komento

Huwebes, Abril 4, 2024


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media at ilang entertainment news sites ang diumano’y “matching black rings” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Kamakailan lamang ay sinupresa ni Alden Richards ang aktres na si Kathryn Bernardo sa ikalawang birthday celebration nito kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya.


Sa kumakalat video kung saan makikita ang pagdating ng Kapuso actor na si Alden Richard sa birthday dinner ni Kathryn. Dala ang isang malaking bouquet ng bulaklak at regalo.


Marami naman ang nakapansin sa tila may pagkakaparehas ang mga singsing na suot-suot nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. 


Ayon sa mga kumakalat na tsika nagkakahalaga umano ang mga singsing ng 6 million pesos.

Dahil dito hindi maiwasan ng mga supporters ng dalawa na mas kiligin dahil sa posibilidad na may namumuo nang relasyon ang dalawa.


Kaagad itong nagtrending sa ilang mga social media platforms dahil na rin sa paglabas ng mga fans ng Aldub tandem nina Maine Mendoza at Alden Richards noon.


Bukod sa magkaparehong black rings, napansin rin ng maraming mga netizens na magkaparehas rin ang suot-suot na relo ng dalawa.


Dahil dito, marami ang naghinalang nagkakamabutihan na nga ang mga ito at tinatago na muna nila sa publiko dahil personal naman nila itong mga buhay.


Samantala, nagbabanta naman ang ilang mga AlDub fans na magrerebolusyon sila sakaling magtuloy-tuloy ang relasyon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo dahil hindi umano nila matanggap na niloloko ni Alden Richards ang kanilang idolo na si Maine Mendoza.


Naniniwala pa rin kasi ang maraming AlDub fans na mag-asawa na sina Alden at Maine at mayroon na silang mga anak.




Sam Milby at Catriona Gray Nagkabalikan Na! Tuloy Na Ang Kasalan Na Gaganapin Sa Australia!

Walang komento

Martes, Marso 26, 2024


 Kinumpirma na ng kampo ng celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby na maayos na ngayon ang relasyon ng dalawa matapos ang unang pagsisiwalat nila na may pinagdadaanan ang relasyon ng dalawa.


Kinumpirma na ng reliable sources na malapit sa celebrity couple,na magkarelasyon pa rin sina Catriona Gray at Sam Milby.


Matatandaan na kumalat noon ang mga bali-balitang naghiwalay na sina Catriona Gray at Sam Milby dahil may natuklasan umano ang aktres patungkol sa pagkatao ni Sam Milby na hindi katanggap-tanggap para sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ilang beses ding napapabalita noon ang patungkol sa totoong kasarian ni Sam Milby, ngayon natuklasan na umano ito mismo ni Catriona na mayroong nakarelasyon na lalaki si Sam Milby na naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon si Sam Milby mismo ang nakipaghiwalay kay Catriona Gray upang makaiwas sa isyu at para hindi na rin kumalat pa sa social media ang lahat.


Bagama't wala namang ibinigay na dahilan, sa pagkalat noon ng mga balitang may pinagdadaanan sina Catriona Gray at Sam Milby, marami ang naniniwalang may kinalaman sa totoong gender ni Sam Milby ang dahilan.


Iginiit naman noon ng Cornerstone management, na kinabibilangan pareho nina Sam Milby at Catriona Gray na hindi naman naghiwalay ang dalawa may pinagdadaanan lamang umano ang relasyon ng dalawa at inaayos naman nila ito.


May mga nagsasabi pang ang totoong dahilan nito ay ang pagkakamove ng kanilang kasal, tila nagkatampuhan umano ang dalawa dahil naka set na sana ang lahat kinailangan pang i-move ang kasal.


Nilinaw pa noon ng Cornerstone na hindi sana sila maglalabas ng kung anong pahayag patungkol sa relasyon ng kanilang talents subalit dahil marami nang naglabasan na mga haka-haka magmula noong isiniwalat ni Ogie Diaz ang patungkol sa hiwalayan nina Catriona Gray at Sam Milby.


Sa kabilang banda, unang naitakda ang kasalan nina Catriona Gray at Sam Milby sa darating na May 2024, magaganap naman ito sa Australia, subalit dahil sa schedule ng dalawa ay hindi pa umano alam kung kailan ito magaganap.



Full Story! Ikinasal Na Sina Ria Atayde and Zanjoe Marudo Wedding 3.23.24

Walang komento

Lunes, Marso 25, 2024


 Ikinasal na ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, ibinahagi mismo ng aktor ang masayang balitang ito dalawang araw matapos ang kanilang actual wedding.


Ikinabigla ng mga tagahanga nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ng ibinahagi mismo ng aktor nitong March 25, 2024 ang balitang ikinasal na silang dalawa.


Nagbahagi ng ilang mga piling larawan sina Zanjoe Marudo sa kanyang social media account na kuha mula sa kasal nila ni Ria Atayde. Sa caption isiniwalat ni Zanjoe na noon pang March 23, 2024 sa mismong ika-32 na kaarawan ni Ria Atayde.


Caption ni Zanjoe Marudo sa kanyang post, "3.23.24 happy birthday my WIFE."


Sa comment section ng post ni Zanjoe Marudo, malugod na tinanggap ng kapatid ni Ria Atayde na si Gela Atayde si Zanjoe Marudo sa kanilang pamilya.


Kasunod nito, ang mga pagbati na ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay nilang dalawa.


Matatandaan na nitong sabado ay spotted pa ng maraming mga netizens ang masayang celebration ni Ria Atayde sa kanyang kaarawan kasama si Zanjoe Marudo na todo pag-alalay sa kanya.


Kapansin-pansin rin na naka-formal attire ang mga bisita nila sa nasabing okasyon gayung naka-casual lang naman sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.


Matapos ang pagsisiwalat ni Zanjoe kaagad na naiugnay ng mga netizens ang nangyaring okasyon bago ang birthday celebration. 


Kabilang sa mga namataan sa birthday party ni Ria Atayde ay sina Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Darren Espanto.


Sa pagpapakasal ngayon nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, lalong tumitibay ang paniniwala ng mga netizens na totoo ang isyung nagdadalang tao ngayon si Ria Atayde dahil sa biglaang engagement at madaliang pagpapakasal ng dalawa.


Samantala, marami naman ang nagsasabing kung totoo mang nagbubuntis ngayon si Ria Atayde bakit sa naunang panayam kay Gela ay itinanggi ito. Inilahad pa noon ni Gela na gusto nang magbuntis ni Ria Atayde subalit nahihirapan ito dahil sa pagkakaroon nito ng PCOS.


Sa likod ng mga isyung ito, hiling ng mga tagahanga nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na maging masaya sila sa kanilang pagsasama at maging matatag katulad ng pagsasama ng iba pang mga celebrity couples na hanggang ngayon ay nagsasama pa rin.

Kim at Paulo Nag-iyakan! Di Makapaniwala Sa Sobrang Dami Ng Nanood Ng Kanilang Serye!

Walang komento

Biyernes, Marso 22, 2024

 


Naluha sina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil sa overwhelming na suporta at viewership ng kanilang seryeng What's Wrong with Secretary Kim mula noong unang episode nito. Labis ang kanilang pagpapasalamat sa mga tagahanga at audience na naglaan ng kanilang oras at pagmamahal para sa nasabing serye.


Kim Chiu ay nagpahayag ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga viewers na walang sawang sumusuporta at tumututok sa kanilang mga gawain. Gayundin, ipinahiwatig ni Paulo Avelino ang kanyang pagkilala at pasasalamat sa warm reception na natanggap mula sa mga manunuod patungkol sa kanilang on-screen partnership ni Kim Chiu.


Ang What's Wrong with Secretary Kim ay hindi lang basta naghatid ng aliw sa audience, kundi nagbigay din ng mas malalim na inspirasyon at kahulugan sa mga tao sa likod ng produksyon. Ang pagkilala at pasasalamat mula kina Kim Chiu at Paulo Avelino ay sumasalamin sa malalim nilang pagpapahalaga sa pagmamahal at suportang kanilang natatanggap mula sa kanilang mga fans.





Pum4n4w Kris Aquino Update|baon Sa Utang Ex-boyfriend Kris Aquino, Napahagolhol Iyak Ng Malaman 'to

Walang komento

 


Narito ang pinakahuling balita tungkol kay Kris Aquino matapos ianunsyo ng kanyang itinuturing na kasintahan na nagpalit sila ng doktor para sa aktres dahil sa hindi naging epektibo ang operasyon at ang paghahanap ng angkop na gamot para sa sakit na kanyang dinaramdam.


Dahil dito, napilitan si Kris Aquino na maghanap ng bagong espesyalista na magbibigay ng pangangalaga sa kanya. Kasalukuyang nasa proseso ang kanyang koponan sa paghahanap ng bagong doktor na tutugon sa kanyang medikal na pangangailangan.


Sa kabila ng pagsisikap, ayon sa pagbabahagi ng kasintahan ni Kris Aquino, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin sila nakakakita ng doktor. Nagpahayag din ng pagkadismaya ang dating doktor ni Kris, sa pag-aakalang hindi ganap na naipahayag o napansin ang kanilang pagsisikap sa pag-aalaga sa aktres.


Inilahad ng mga naunang doktor na ang dahilan kung bakit hindi epektibo ang gamutan kay Kris Aquino ay dahil sa kanyang katawan na hindi na kayang tanggapin ang mataas na dosis ng mga gamot.


Nadagdagan pa umano ang mga komplikasyon sa kalusugan ni Kris Aquino dahil sa mga gamutan, na nakaapekto sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan, kabilang na ang kanyang puso, na nagdulot ng paghina ng kanyang paghinga.


@gmanews Kris Aquino, may ikalimang na autoimmune disease at sasailalim sa panibagong gamutan. #UnangBalita #GMAIntegratedNews #SocialNewsPH ♬ original sound - GMA News

Gretchen Barretto Nagbenta Na Din Kay Boss Toyo Kasama Si Atong Ang

Walang komento

Huwebes, Marso 21, 2024


 Trending at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagpunta ni Gretchen Barretto sa pawnshop ni Boss Toyo para magbenta, kasama pa niya rito si Atong Ang.


Kaagad na nagviral sa ilang mga social media platform ang TikTok video na ibinahagi ni Boss Toyo sa kanyang account kung saan makikitang nagpunta sa Pinoy Pawnstar ang dating actres at socialite na si Gretchen Barretto kasama ang gambling icon billionaire na si Atong Ang.


Saglit namang nakausap ni Boss Toyo si Gretchen Barretto kung saan naitanong nito sa dating aktres kung ang kanyang ibinibenta.


Kaagad naman itong sinagot ni Gretchen Barretto at sinabi na ang kanyang ibinibenta ay mismong si Atong Ang. 


Bagama't nagulat ay natatawa namang sumagot si Boss Toyo at inihayag na hindi niya afford si Atong Ang.


Samantala, hindi naman nakaiwas sina Gretchen Barretto at Atong Ang sa panibagong kontrobersiya patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na matagal ng pinaghihinalaang mayroong mas malalim na relasyon ang dalawa bukod sa pagiging magkaibigan.


Lalo pang tumindi ang mga isyung ito patungkol sa dalawa dahil naging madalas na ang pagsasama nina Gretchen Barretto at Atong Ang na sila lamang dalawa.


Matatandaan na noong January 2024, naglabasan rin ang mga videos kung saan nakitang magkasama sina Gretchen at Atong Ang sa pamimili ng gadget sa isang mall sa Green Hills.


Samantalang, nitong March 6, lamang ay namataang kasama ni Gretchen Barretto si Atong Ang sa pagdiriwang ng kanyang birthday.


Dahil dito, patuloy na tinatanong ng ilang mga netizens si Gretchen Barretto kung ano ang totoong relasyon nila ni Atong Ang at kung bakit hindi na sila nagkakasama ngayon ng kanyang longtime partner na si Toni Boy o kung naghiwalay na nga ba silang dalawa dahil tila naging bukas na sa publiko ang pagsasama nila ni Atong Ang ngayon.


Marami naman ang naniniwalang naghiwalay na sina Toni Boy Cojuangco at Gretchen Barretto dahil hindi na sila nakikitang nagkasama at maging noong kaarawan ni Gretchen ay wala rin doon si Toni Boy.


Samantala, noon pa man ay may mga intriga nang mayroong tinatagong relasyon sina Gretchen Barreto at Atong Ang kahit pa pareho silang mayroong karelasyon.


Subalit, palagi itong pinabubulaanan ni Gretchen Barretto at iginigiit na magkaibigan lamang silang dalawa at kasosyo sa negosyo.


Maging si Atong Ang ay nanindigan noon na wala silang relasyon ni Gretchen Barretto at iginiit na kahit kailan ay hindi niya sisirain ang kanyang pamilya.




Paulo Avelino Todo Alaga Kay Kim Chiu Kahit Sabay Na Tinamaan Ng Sakit!

Walang komento

 


Maraming mga netizens ang nasorpresa sa ibinahaging balita nina Kim Chiu at Paulo Avelino tungkol sa kanilang kasalukuyang sitwasyon. Ikinagulat ng lahat nang malaman na pareho silang tinamaan ng COVID-19, isang impormasyong inilahad nila sa media conference ng kanilang bagong teleserye na Linlang noong Enero 15, 2024.


Hindi nakapunta nang personal sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa media conference ng Linlang na malapit na ring ipalabas sa telebisyon, dahil sa kanilang pagkakasakit. Subalit, nananatiling optimistiko si Kim Chiu sa kabila ng kanyang kondisyon, na nagpapakita ng kanyang positibong pananaw sa buhay.


Ayon kay Kim Chiu, kahit na siya ay positibo sa COVID, nananatili siyang tapat sa kanyang karakter bilang Juliana. Maraming fans nina Kim at Paulo ang nagpaabot ng kanilang pag-asang mabilis na makabawi ang dalawa sa kanilang kalusugan upang maipagpatuloy nila ang kanilang mga proyekto.


May mga pangamba rin ang ilan kung paanong sabay na nagkasakit sina Paulo at Kim. Kasabay nito, umaasa ang ilang netizens na ang pagiging malapit nina Paulo at Kim sa isa't isa ay mauwi sa totohanan, lalo na ngayong single muli si Kim Chiu.


Sa kabilang banda, si Paulo Avelino ay hindi direktang kinumpirma kung siya ba at si Janine Gutierrez ay may relasyon. Dahil dito, marami ang umaasang ang KimPau ang susunod na magkatuluyan. Ngunit, may mga tagasuporta rin ni Kim Chiu na nagpapayo sa aktres na tamasahin muna ang pagiging single at huwag magmadali sa pagpasok sa isang bagong relasyon.


@rohnromulo #linlangteleseryeversion @pauavelino34 @kimberlysuechiu @dreamscapeph @abscbn #fyp #foryoupage ♬ original sound - Rohn Romulo

Kathryn Bernardo Pag Hindi Nakipagbalikan Kay Daniel Maari Daw Matulad Kay Sharon at Gabby Alamin

Walang komento

Miyerkules, Marso 20, 2024

 


Matapos lumisan patungong ibang bansa noong Enero 12, si Daniel Padilla ay patuloy pa ring napapabalita dahil sa umano'y pag-unfollow sa kanya ng dati niyang kasintahan na si Kathryn Bernardo. Marami ang nakaramdam ng simpatya kay Daniel, na anila'y hindi na nararapat pang makatanggap ng mga batikos na ito.


Sa kabila ng lahat, nanatiling tahimik ang aktor at hindi nagbibigay ng anumang pahayag tungkol sa mga paratang at ebidensiyang lumalabas patungkol sa kanilang 11 taong relasyon ni Kathryn Bernardo. Bagamat may ilan na nagpapahiwatig na nararapat lang ang mga hamong kinakaharap ni Daniel bilang kabayaran sa kanyang mga nagawa, nagtatanong ang iba kung tunay na nagpapakita na ba siya ng pagsisisi kahit na walang tuwirang pag-amin.


Sa loob ng halos dalawang buwan, umusbong ang tanong kung tunay bang nagsisi si Daniel at kung ipinahayag ba niya ito sa kanyang mga kilos. Bagama't lumabas ang balita na maaaring nagkaroon siya ng ibang mga pakikipagrelasyon, lumilitaw na kay Kathryn pa rin ang kanyang tunay na pag-ibig.


Ngunit, ayon sa ilan, ang tunay na pagmamahal ay hindi naglalagay sa panganib sa relasyon sa pamamagitan ng pagtataksil. Kaya, nagtanong ang iba kung sumuko na ba si Daniel sa pagsuyo sa aktres. Isang netizen ang nagpaalala kay Kathryn, inihalintulad ang sitwasyon nila sa nangyari kina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Binanggit ng netizen na maaaring pinagsisihan ni Sharon Cuneta ang hindi pagtanggap sa paghingi ng tawad ni Gabby noon. Ipinapayo ng netizen kay Kathryn na maghinay-hinay at isaalang-alang ang mga desisyon nang hindi magsisi sa huli. Ginamit ang kuwento nina Sharon at Gabby bilang halimbawa, kung saan ang hindi pagpapatawad ni Sharon ay nagdulot ng sakripisyo sa kanilang anak na si Kristina. 


Aniya, "pangaralan mo si Kat. Easy lang siya, Kat, huwag kang magpakasaya dahil ito lang ang masasabi ko, baka mamaya magsisi ka. Ang lalaki, kahit ilang libo pang babae ang magkaroon ng kaugnayan, siya ay lalaki. Easy kang hindi dahil sikat ka ngayon ay okay lang sayo ang magwala ka." 


"Ang babae ay iba, parang crystal. Respetuhin mo muna ang sarili mo bago ka gumawa ng isa pang bagay na pagsisisihan mo pagdating ng panahon. Bibigyan na kita ng halimbawa, si Sharon and Gabby. Dahil sikat si Sharon, akala ni Sharon noong nagpakasal siya kay Kiko ay tunay na pag-ibig. Bumalik si Gabby kay Sharon at humingi ng tawad si Gabby sa mga ginawa niya."


"Pero hindi siya pinatawad ni Sharon. Ngayon, ang nagsakripisyo ay ang anak nila ni Gabby na si Kristina. Akala mo sa sarili mo, ikaw ay parang ibon na lumilipad sa ngayon. Ito ang tandaan mo, hindi nagstay si Daniel sa Pilipinas, nagpunta siya sa ibang bansa. Pag si Daniel ay nagpunta sa Amerika. Ay, nako. Ang yaman mo na, nasa Pilipinas ka pa rin, pero, peso lang."

Paulo Avelino at Kim Chiu Nahuli Ang Reaksyon Sa Isang Media Conference Netizens Nagulat!

Walang komento

Martes, Marso 19, 2024

 


Kahapon ginanap ang malakihang media conference para sa What's Wrong with Secretary Kim ng ABS-CBN at Viu Philippines, na dinaluhan ng mga sabik na imbitado. Ang lahat ay nasasabik dahil sa wakas, maaari nang itanong kina Paulo Avelino at Kim Chiu ang tungkol sa mga usap-usapang magkarelasyon na sila. Ito ang pagkakataon para linawin ang mga espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.


Sa bahagi ng question and answer, ang host ang magpapasa ng mga tanong mula sa press. Kaya, kung mayroong katanungan patungkol sa usapin kung sila ba ni Paulo at Kim ay may relasyon na, nakasalalay sa host kung ito'y kanyang itatanong. Dahil pagkatapos ng presscon, hindi na maaaring magkaroon ng karagdagang panayam ang press kay Kim, Paulo, at sa ibang cast ng What's Wrong with Secretary Kim.


Ayon sa paanyaya, dahil sa mahigpit na iskedyul ng mga bida, hindi papayagan ang mga biglaang panayam pagkatapos ng media conference. Mayroon bang iniiwasan sina Paulo Avelino at Kim Chiu? Sa kabila nito, sabik na sabik ang mga tagahanga nina Kim at Paulo sa kanilang bagong serye.


Sa Linlang, naranasan ng mga manonood ang matinding tensyon at drama. Ngayon, sa What's Wrong with Secretary Kim, inaasahan na magdadala naman sila ng kilig sa kanilang mga karakter.


@khelzy_14 KimPau MediaCon Part 6 #WWWSKMediaCon #KimPau #KimChiu #PauloAvelino #whatswrongwithsecretarykim ##WhatsWrongWithSecretaryKimPH #wwwskwithkimpau #wwwskphilippineadaptation #viuphilippines #viu #dreamscapeentertainment #abscbn #fypシ #fypシ゚viral #fyp ♬ original sound - Khelsy

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo