Alden Richard Ang Sweet Kay Kathryn Bernardo, Nanliligaw Na

Walang komento

Huwebes, Marso 28, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang ginawa ni Alden Richards sa aktres na si Kathryn Bernardo sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan sa El Nido, Palawan noong March 26, 2024.


Kabilang sa mga invited guest ng Asia's Superstar na si Kathryn Bernardo sa kanyang yacht cruise birthday celebration noong March 26, 2024 ang dating leading man na si Alden Richards.


Matapos ang kanilang masayang celebration, kumakalat ngayon sa ilang pahayagan ang isyung dumadamoves na umano itong si Alden Richards para sungkitin ang puso ng dalaga.


Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang ibinahaging post ni Lovely Abella kung saan marami ang umiintriga kina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Bagama't kasama naman sa larawan sina Lovely Abella, Kakai Bautista at Maymay Entrata hindi pa rin naiwasang kiligin ng marami sa napakalakas na chemistry nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.


Tila naging mini-reunion rin ng pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan noon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil karamihan sa naging bisita ni Kathryn sa kanyang 28th birthday ay kasamahan nila sa nasabing pelikula.


Samantala, may isang netizens naman ang iniintriga sina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Ayon sa komento nito, tila dumadamoves na umano itong si Alden Richards kay Kathryn Bernardo ngayong hiwalay na ang aktres sa kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.


Matatandaan na noon pamang nagkatambal sa Hello, Love, Goodbye sina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay marami nang nagshi-ship sa dalawa at humihiling na sana ay magkaroon ng part 2 ang kanilang pelikula.


Subalit, hindi ito nagtuloy-tuloy dahil sa relasyon noon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na tila ipinagadamt noon ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo dahil hindi pumapayag ang aktor na maipareha sa iba si Kathryn matapos ang matagumpay nitong pelikula kasama si Alden Richards.


Pinagbabawalan din nito ang aktres na magsuot ng mga revealing na damit at pinipigilan rin niya ito sa paglalasing lalo na kapag nasa public places silang dalawa.


Vice Ganda Ni-Reveal Ang Kapuso Stars Na Magiging Host Ng It's Showtime

Walang komento


 Ibinunyag na ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mga Kapuso artists na gusto nilang makasama sa pagsisimula ng It's Showtime sa GMA7.


Magkakaroon ng double celebration ang It's Showtime sa darating na April 6, 2024 kung saan ilalabas nila ang birthday celebration episode ni Vice Ganda. Bukod pa rito, magsisilbi rin ito bilang premiere ng It's Showtime sa main channel ng GMA Network.


Ayon sa pagbabahagi ni Vice Ganda, naitanong na sa kanya kung kailan niya balak magkaroon ng birthday episode   kung before holy week ba o pagkatapos na lamang nito


Pinili naman umano ni Vice Ganda na after holy week na lamang gagawin ang kanyang birthday episode para makapagpahinga naman siya mula sa pagbabakasyon at para maging fresh na rin umano ang lahat sa pagbabalik nila para sa kanyang kaarawan sa darating na April 6, 2024.


Sa panahong iyon, ay hindi pa naman umano nila alam na may magaganap na malaking pagbabago sa show. Kaya naman magsisilbi umanong double celebration para sa kanila ang darating na April 6, 2024.


Bukod pa rito, isiniwalat rin ni Vice Ganda ang kanyang wishlist sa mga Kapuso artists na nais niyang makasama sa pagbubukas ng kanilang show sa main channel ng GMA Network.


Ayon kay Vice Ganda marami siyang gustong makasama na mga Kapuso artists na kinabibilangan nina Alden Richards, Marian Rivera, Dingdong Dantes pati na rin umano ang mga nakatsikahan niya na mga Kapuso artists na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.


Hiling pa ni Vice Ganda na sana ay available umano ang mga nasabing artists dahil nagsisimula na umano sila sa kanilang inquiry.


Nauna na rito ang pangako ni Vice Ganda na mas lalong magiging kapana-panabik ang It's Showtime ngayong magsisimula na sila ng panibagong journey sa main channel ng Kapuso Network.



Marc Pingris Nagsalita Na Sa Alegasyon Ng Cheating Kasama Si Kim Rodriguez! Ang Katotohanan!

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang basketball player na si Marc Pingris patungkol sa mga kumakalat na isyu na umano'y may tinatago silang relasyon ng actress na si Kim Rodriguez at ilang beses pang nagkasama sa mga bakasyon.


Naglabas na ng pahayag si Marc Pingris upang linawin ang totoong relasyon nila ni Kim Rowdriguez sa gitna ng mga naglabasang mga isyu ngayon patungkol sa pagiging unfaithful niya sa kanyang asawa.


Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang ilang mga larawan na naunang ibinahagi nina Marc Pingris at Kim Rodriguez sa kani-kanilang mga social media platforms.


Bagama't hindi naman nakitang magkasama sa iisang larawan sina Marc Pingris at Kim Rodriguez, makikita naman na tila nasa iisang lugar lamang sila sa parehong oras dahil sa mga background at mga fans na nakikipagselfie sa kanila.


Bukod pa rito, ilang beses ring namataan si Kim Rodriguez na todo cheer sa mga basketball games ni Marc Pingris.


May mga nagbahagi rin ng mga larawan nina Marc Pingris at Kim Rodriguez na parehong kinunan sa expressway stopover at Sydney, Australia.


Samantala, sa isang Facebook post nitong March 28, 2024, sinagot na ni Marc Pingris ang mga accusations ng maraming mga netizens patungkol sa totoong relasyon nila ni Kim Rodriguez at kung bakit nanonood si Kim Rodriguez sa kanyang basketball game.


Hiniling din ni Marc Pingris na sana'y itigil na ng mga netizens ang pagpapakalat ng mga maling mga haka-haka patungkol sa kanila ni Kim Rodriguez sa kanyang pagsasalita dahil nakakaapekto na umano ang mga isyung ito sa pamilya nila ni Danica Sotto.


Ayon kay Marc Pingris, walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sakanilang relasyon ni Kim Rodriguez. 


Iginiit din niya na walang namamagitan sa kanilang dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao. Nilinaw din ni Marc na nakasama lamang niya si Kim sa isang basketball event at sa isa pang event noong naging muse ang aktres ng team kanilang team.


Nagpapasalamat rin si Marc Pingris sa lahat ng mga netizens na nagpaabot ng pag-aalala para sa kanilang pamilya. Siniguro naman niyang maayos pa sa ngayon ang kanyang pamilya subalit hiling niya na sana ay matigil na ang mga isyu.


Samantala, may mga netizens naman na patuloy na nagtatanong dahil hindi nilinaw ni Marc Pingris ang mga larawan nila ni Kim Rodriguez na kuha mula sa Sydney, Australia at sa stopover.


Dating Kapamilya Aktres Tinawag Na Laos Nang Lumipat Sa GMA7

Walang komento


 Hindi pinalampas ng komedyanteng si Pokwang ang isang basher na nagsasabing nalaos na siya sa kanyang paglipat sa GMA network.


Kahit holy week, hindi inatrasan ng komedyanang si Pokwang ang kanyang basher sa social media platform na Twitter noong March 27, 2024.


Tila kumulo ang dugo ni Pokwang nang ipaabot sa kanya ng kanyang fan na may mga basher na tumatawag sa kanyang 'laos'.


Ayon sa post ng isang basher, magmula noong iniwan ni Pokwang ang ABS-CBN at lumipat sa GMA7 ay nalaos na ito. Dagdag pa ng basher,  nagsisisi na rin umano ngayon si Pokwang sa kanyang paglipat dahil sa pag-aakalang hindi makakabangon ang ABS-CBN magmula noong nawalan ng prangkisa.


Tinanong naman ng isang fan si Pokwang kung totoo ba ang naging pahayag ng basher patungkol sa kanyang pagsisising umalis sa ABS-CBN at nalaos na siya ngayong nasa GMA7.


Kaagad namang sumagot si Pokwang, "Jusko saan galing mga animal na ito? dapat ito ang tinatapon sa China! mga mapag gawa ng isaping walang kwenta!"


Pinabulaanan ni Pokwang ang pahayag ng basher na nagsisisi siyang umalis sa ABS-CBN para lumipat sa GMA Network.


Iginiit pa niyang masaya siya ngayon sa GMA Network at sa mga nagbukas na opportunity para sa kanya gayunpaman, hindi naman umano nawawala ang respeto niya sa ABS-CBN kung saan siya nanggaling.


"masaya po ako sa @gmanetwork at mataas din respeto ko sa @abscbn both network at ang @tv5 ay mga malaking pasasalamat kopo dahil binuksan nila ang kanilang mga pinto sa aking talento #GratefulHeart sa mga mapag gawa ng kwento sa impierno bagsak nyo!" dagdag na pahayag ni Pokwang.


Sa kabilang banda, isiniwalat noon ang pagkukusa ni Lee O'Brian na umalis sa Pilipinas matapos panigan ng BOI ang petisyon ni Pokwang para i-deport ang dating AFAM na kinakasama.


Nakarating na rin umano kay Pokwang na naghahanda nang umalis sa bansa si Lee.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Lee O'Brian at maging si Pokwang kung tuluyan na bang nakaalis sa bansa si Lee.



Karylle Trending Dahil Sa Ginawa Nito Sa Family Feud Guesting!

Walang komento


 Tuloy na tuloy na ang pagtatapatan ng mga It's Showtime show sa Kapuso gameshow na Family Feud na hosted ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.


Nakapagtaping na noong nakaraang sabado ang mga hosts ng It's Showtime kung saan hinati sila sa dalawang grupo, ang team ni Vice Ganda at ang team ni Anne Curtis.


Ayon naman sa mga sinasabi ng mga reliable sources, labis na nag-enjoy si Dingdong Dantes at mga staffs ng Family Feud sa paglalaro at pagbabardagulan ng mga It's Showtime hosts sa kanilang gameshow.


Ito rin umano ang dapat abangan ng mga manonood ng Family Feud, ang masayang paglalaro at pag-ookrayan ng mga hosts ng It's Showtime lalo na ang mga bagong punchline nina Tiyang Amy na nasa team ni Vice Ganda at Ogie Alcasid na nasa team naman ni Anne Curtis.


Samantala, ibinahagi na ng official Facebook page ng Family Feud Philippines ang teaser ng paglalaro ng mga It's Showtime hosts na kinabibilangan nina Vice Ganda, Amy Perez, Jhong Hilario, Jugs Jugeata, Anne Curtis, Ogie Alcasid, Vhong Navarro, at Teddy Corpuz.


Mapapanood ang kabuuang paglalaro ng It's Showtime sa Family Feud sa darating na April 8, 2024.


Ang paglalaro ng mga It's Showtime show sa sikat na gameshow ng GMA Network ay bahagi ng promotion para sa paglipat ng It's Showtime sa main channel ng nasabing network na magsisimula sa darating na April 6, 2024.


Sa kabilang bandam hindi naman naiwasan ng ilang mga netizens na hanapin ang isang It's Showtime host na si Karylle. Marami ang napapatanong kung bakit hindi ito kasama sa mga naglalaro sa Family Feud.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Karylle ay dating karelasyon ng host ng Family Feud na si Dingdong Dantes at hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay dahil naiisyu noong naging third party ang misis na ngayon ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera. Marami pa ang naghinala noon na ang dahilan kung bakit lumipat sa ABS-CBN si Karylle ay para iwasan ang dating nobyo.


Marami ang naghahanap kay Karylle dahil naniniwala silang magiging mas masaya ang bardagulan ng mga host kung kasama ito. May mga naghinala naman na tila umiiwas pa rin si Karylle sa kanyang dating nobyo dahil noong sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang bumisita sa It's Showtime ay hindi pumasok si Karylle.


Bukod kay Karylle hinanap rin ng mga netizens ang aktres na Kim Chiu na hindi rin kasama sa lineup ng mga naglalaro sa Family Feud.


Danica Sotto Nagsalita Na at May Mensahe Sa Cheating Issue Ni Marc Pingris Kay Kim Rodriguez

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag si Danica Sotto-Pingris sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang asawa na si Marc Pingris.


Naglabas ng short message si Danica Sotto-Pingris para sa lahat matapos maging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media sites ang umano'y pangangaliwa ng kanyang mister na si Marc Pingris sa pakikipagrelasyon nito sa aktres na si Kim Rodriguez.


Matatandaan na kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga larawan kung saan makikitang tila nasa iisang lugar lamang sina Marc Pingris at Kim Rodriguez kung pagbabasehan ang kanilang mga backgrounds at mga nakasamang fans sa picture.


Gayunpaman, nauna nang nagbigay ng pahayag ang malapit na kaibigan ni Danica Sotto na si Pebbles kung saan ipinagtanggol niya si Marc Pingris laban sa mga naglabasang alegasyon na hindi nakuntento ang basketball player sa kanyang asawa at nakipagrelasyon sa isang batang actress.


Ayon kay Pebbles, hindi magagawa ni Marc Pingris ang lokohin ang kanyang asawang si Danica at marami itong priorities sa buhay. Mayroon din umano itong magandang pamilya kasama ang kanyang kaibigan na si Danica.


Kaagad namang nagkomento si Danica Sotto sa pagtatanggol ni Pebbles sa kanyang mister at pinapakalma na niya ito. Pinahayag rin niya ang pagmamahal para rito.


Marami naman sa mga fans nina Danica Sotto at Marc Pingris ang humihiling na sana ay walang katotohanan ang isyu lalo na't may mga anak sila na maaring maapektuhan.


Nanghihinayang rin ang ilang mga netizens sa samahan ng dalawa dahil naniniwala silang ideal couple ang mga ito na may malakas na pananampalataya sa Panginooon.


Samantala, hindi naman nakatulong ang munting pahayag ni Danica Sotto para matahimik na ang isyu. May mga naniniwala pa rin na kapag may usok tiyak ay may apoy. Subalit maari naman umano na inaayos ngayon ng dalawa ang kanilang pagsasama para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng pahayag sina Marc Pingris at Kim Rodriguez patungkol sa isyu.




Pia Wurtzbach Rumesbak Kay Heart Evangelista! Mas Tumindi Pa Ang Parinigan

Walang komento

 

Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang haka-hakang may hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang celebrities na sina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista.


Kumakalat ngayon ang mga chikang may nagaganap na silent war sa pagitan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at actress-international fashion icon na si Heart Evangelista.


Nag-ugat ang isyung ito nang mapansin ng ilang mga netizens na tila sinagot ni Pia Wurtzbach ang Instagram post ni Heart Evangelista noong January.


Usap-usapan ang naging matapang na pahayag ni Pia Wurtzbach para sa isang beauty brand na kanyang iniindorso. Sa Instagram account ng beauty queen ibinahagi niya ang video ng naturang campaign bilang bahagi pa rin ng women's month celebration.


"While others deny us a seat at the table, we're creating our own space, paving the way for others to follow. Irrelevant after the crown? I fought for my place to be so much more, sayang ba yun?" matapang na pahayag ni Pia Wurtzbach sa campaign.


Kaagad namang umani ng papuri si Pia Wurtzbach mula sa kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang pananaw at paninindigan.


Samantala, may ilang mga netizens naman na nagkomento na tila ginamit umano ni Pia Wurtzbach ang nasabing campaign para paringgan si Heart Evangelista.


Binalikan pa ng ilang mga netizens ang naging post noon ni Heart Evangelista kung saan makikita ang larawan ng isang book na may nakasulat na,"Don't give the enemy a seat at you table."


Sa caption isinulat din ni Heart ang katagang 'Not today' at nilagyan pa ng no entry sign.


Umani naman ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang parehong posts nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach. Nagdedebatihan rin ngayon ang kani-kanilang mga netizens dahil pareho nang lumalaban ang dalawa.


Ayon sa komento ng isang fan ni Pia Wurtzbach, "Everyday, H throws a shade. Even consistently “likes” comments from hers fans with malicious statements, plus bluntly bashing P in an IG Live saying “At least hindi ako ngiwi”

But did you hear anything from Pia? WALA. Instead, she asked us, her supporters to stop engaging with the bashers.


CONFIDENCE IS SILENT, INSECURITIES ARE LOUD.


And now this ad, galit kayong mga H fans?!? Wow ha"


Kaagad namang bumwelta ang mga fans ni Heart Evangelista at sinabing napapansin umano nila ang pagiging copycat ni Pia Wurtzbach sa mga styles ni Heart.


Matatandaan na nag-umpisa ang tila tahimik na bangayan ng dalawa nang kontrobersyal lumipat ang glam team ni Heart Evangelista kay Pia Wurtzbach.


Katotohanan Sa Isyung Pagtataksil ni Marc Pingris Sa Asawang Si Danica Sotto

Walang komento


 Kinukwestiyon ngayon ng maraming mga netizens ang loyalty at faithfulness ni John Marc Pingris sa kanyang asawa na si Danica Sotto.


Kumakalat ngayon sa mga social media ang mga usap-usapan ng pagkakaugnay nina Marc Pingris at aktres na si Kim Rodriguez.


Nag-ugat ang isyu sa pagitan ni Kim Rodriguez at Marc Pingris nang mapansin ng maraming mga netizens na parehong kinunan sa iisang lugar ang ibinahaging Instagram stories ng dalawa na sabay nilang ibinahagi sa kanilang Instagram stories.


Bukod pa rito, marami rin ang nakapansin sa parehong mga tao na nagpapapicture sa dalawa sa kaparehong oras at araw na nagpapatunay na magkasama ang dalawa sa Australia.


Marami naman sa mga fans nina Marc Pingris at Danica Sotto ang umaasa na hindi totoo ang balitang ito dahil napakarami na nilang anak at hinahangaan ng marami katatagan ng relasyon noon nina Danica Sotto at Mrc Pingris.


Marami rin ang nakikisimpatya ngayon kay Danica Sotto dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may maliit pa silang anak ni Marc.


Marami rin ang humihiling na sana naman ay hindi sina Danica at Marc ang tinutukoy sa mga naglabasang mga social media blind items patungkol sa mag-asawang on the rocks na ang relasyon dahil sa isang artista.


Sa kabilang banda, kung titingnan naman ang mga social media post nina Marc Pingris at Danica Sotto ay makikita namang nakasuporta pa sila sa isa't-isa at nagkokomento pa sa kani-kanilang mga social media posts.


Samantala, naglabas naman ng isang social media post ang malapit na kaibigan ni Pebbles kung saan iginiit niyang walang nangyayaring masama sa binubuong pamilya nina Marc Pingris at Danica Sotto.


Ayon sa post ni Pebbles, na matagal nang kinunan ang mga larawan at baka nagkataon lamang na nagkasabay sina Kim Rodriguez at Marc sa pagbabahagi sa kani-kanilang Instagram stories.


Pabiro pa niyang isiniwalat na siya ang unang bumuto kay Marc para kay Danica kaya naman siya rin ang unang sasapok rito sakaling lolokuhin nito ang kanyang kaibigan.


Nagkomento naman rito si Danica Sotto kung saan pinapakalma niya ang kanyang kaibigan.



Tunay Na Nangyari Sa 28th Birthday Ni Kathryn Bernardo with Alden Richards, Jericho Rosales

Walang komento

Miyerkules, Marso 27, 2024


 Labis na kasiyahan ang nararamdaman ng aktres na si Kathryn Bernardo sa pagdidiwang niya sa kanyang ika 28 na kaarawan noong March 26, 2024 sa El Nido, Palawan.


Kasama ni Kathryn Bernardo sa nasabing okasyon ang kanyang malalapit na kaibigan at mga taong mahalaga para sa kanya. Bukod pa rito, nakatanggap rin siya ng mga pagbati mula sa mga importanteng tao sa industriya ng showbiz.


Ginanap ang birthday celebration ni Kathryn Bernardo sa pagmamay-ari niyang resort sa El Nido, Palawan ang Isla Amara Resort.


Nagsidatingan sa Palawan ang mga makikinang na Stars sa mundo ng showbiz na malalapit kay Kathryn Bernardo para makisaya sa kaarawan ng aktres.


Marami naman sa mga netizens ang nakapansin na tila ito na ang pinakasamayang birthday ni Kathryn Bernardo dahil nailalabas na ng aktres ang kanyang tunay na pagkatao at nagagawa na rin niya ang lahat ng kanyang gusto.


Samantala, kumakalat rin ngayon ang video ng pagsupresa kay Kathryn Bernardo ng mga staff nila sa resort sa pamamagitan ng pagbibigay ng cake at bouquet of flower na paborito ng aktres.


Makikita rin sa mga ibinahaging video na nagdiwang ng kaarawan ang aktres sa isang yacht cruise.


Spotted naman sa birthday celebration ni Kathryn Bernardo ang ilang mga co-stars niya sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na kinabibilangan nina Alden Richards, Maymay Entrata, Rocky Bautista, at Lovely Abella.


Naroon rin ang mister ni Maja Salvador na si Rambo Nunez, Miles Ocampo, Dominic Roque, Jericho Rosales at marami pang iba.


Nagsidatingan rin ang mga kilalang BFF ni Kathryn Bernardo na sina Irish, Trina, Dom, at Alora.


Marami naman sa mga netizens ang nagpahayag ng kasiyahan para kay Kathryn Bernardo ngayon kung saan nagagawa na nito ang mga bagay na ninanais niya.


Makikita rin umano na talagang masaya ngayon ang aktres sa natatamasa niyang kalayaan magmula nang maghiwalay sila ng dating boyfriend na si Daniel Padilla.


Bukod sa kanyang birthday, ipinagdidiwang din ng aktres na si Kathryn Bernardo ang panibagong milestone kung saan hinirang siya bilang kauna-unahang Pilipinang ambassador ng French luxury cosmetics perfume and skin care product.


Samantala, marami naman ang naantig sa ibinahaging mensahe ni Mommy Min para sa kanyang anak na si Kathryn Bernardo kung saan inilahad niyang hindi naging maayos ang kanyang anak nitong mga nakaraang buwan subalit bilib umano siya rito dahil patuloy itong bumabangon at hindi sumusuko.


Katotohanan Sa Kasal Ni Xian Lim at Iris Lee Na Ginanap Sa New York

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social platforms ang isyung nagpakasal na sina Iris Lee at Xian Lim sa New York.


Sentro ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa pagpapasecret wedding umano nina Xian Lim at Iris Lee sa New York.


Ilang buwan matapos ang pagkumpirma nina Xian Lim at Kim Chiu ng kanilang paghihiwalay naging usap-usapan naman ang patungkol sa pagpapakasal nina Xian Lim at Iris Lee.


Nag-ugat ang mga usap-usapang ito nang magpost si Xian Lim ng isang hint patungkol sa isang importanteng petsa sa kanyang social media account.


Pahayag ni Xian Lim, "Life is biggest reward for humanity and everything revolves around this. Expect the unexpected; Keep some room in you heart for the unimaginable."


Marami naman ang nakisimpatya para kay Kim Chiu dahil sa mga naglabasang spekulasyon na nagpakasal na umano si Xian Lim sa ibang babae at bukod pa rito ay nagdadalangtao na rin ang babaeng ipinalit ni Xian sa aktres.


Matatandaan na isang vlog noon ni Ogie Diaz, napag-usapan nila noon pang 2022 namamataan na nagkakasama sina Iris Lee at Xian Lim, sa panahon iyon ay magkarelasyon pa sina Kim Chiu at Xian Lim.


Hindi naman umano sigurado ni Ogie Diaz kung sa pagkakataong iyon ay may romantic relationship na ba sina Xian Lim at Iris Lee o nasa getting to know stage pa lamang ang dalawa.


Nag-umpisang magkalapit sina Iris Lee at Xian Lim sa kassagsagan ng proyektong Hello Universe na ginawa ni Xian Lim kung saan una silang nagkatrabaho ni Iris Lee.


Samantala, tila nakumpirma naman ang isyung nagpasecret wedding sina Xian Lim at Iris Lee sa isiniwalat ni Xian Gaza na umano'y magkasama na sa iisang bahay ang dalawa kahit pa noong hindi pa tuluyang natatapos ang relasyon nila ni Kim Chiu.


Samakatuwid ay pinagsabay umano ni Xian Lim ang dalawang babae sa kanyang buhay.


Sa ngayon ay inaabala na lamang ni Kim Chiu ang kanyang sarili sa kanyang trabaho bilang host ng It's Showtime at sa mga nakalinya pa niyang projects sa ngayon.




Kim Chiu Nagsalita Na Tungkol Sa Mga Nangyari Sa Kanyang Relasyon! Matindi Pala Pinagdaanan Ni Kim!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa naging pahayag ni Kim Chiu patungkol sa mga nagdaan niyang relasyon.


Hindi man pinangalanan ni Kim Chiu na si Xian Lim ang kanyang tinutukoy, kaagad itong naiugnay ng mga netizens dahil na rin sa pag-aalangan ni Kim Chiu na sabihin ang mga bagay na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.


Ayon sa ilang mga netizens, napapansin umano nila na tila natatakot si Kim Chiu na maglabas ng pahayag kung patungkol ito sa naging hiwalayan nila noon ni Xian Lim.


Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nililinaw ni Kim Chiu ang totoong sanhi ng kanilang paghihiwalay ni Xian Lim matapos ang mahaba nilang relasyon bilang magkasintahan.


Samantala, may mga nagsasabi naman na hindi na kailangang magsalita pa si Kim Chiu patungkol sa nangyari sa kanila ni Xian Lim dahil nagtapos na rin naman ang kanilang relasyon at masaya na sila sa kanilang mga buhay ngayon.


Nauna na ring ibinahagi ni Kim Chiu na hindi naman sila magkagalit ni Xian Lim at naging maayos naman ang kanilang pag-uusap patungkol sa pagtatapos ng kanilang relasyon.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang nakapansin sa kamakailang pahayag ni Kim Chiu patungkol sa pakikipagrelasyon.


Ayon sa naging pahayag ni Kim Chiu, kapag hindi ka na sinasagot huwag mo nang ilaban sa lahat ng bagay. Naniniwala rin umano si Kim Chiu sa kasabihang silence means yes at kapag nagmahal ay inilalaban talaga ang lahat para walang pagsisisihan sa huli.


Iginiit pa ni Kim Chiu na dapat ay i-lower ang expectation sa ibang tao dahil sa bandang huli ay ikaw rin lang naman ang masasaktan.


Samantala, iniuugnay naman ng ilang mga netizens ang naging pahayag na ito ni Kim Chiu sa sagot ni Xian Lim kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda.


Ayon kay Xin Lim hindi na umano niya namalayan na nawalan na pala siya ng pagmamahal para kay Kim Chiu na nagpapatunay sa kasabihan na kalaunan ay nawawala rin ang pag-ibig.


Sa ngayon patuloy na tinatanong ng maraming mga netizens kung ano ang dahilan ng pagkawala ng pag-ibig ni Xian Lim para sa kanyang girlfriend for 12 years na si Kim Chiu.



Kathryn Bernardo Spotted Na Lasing Na Lasing Sa Palawan

Walang komento


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang video clips kung saan makikitang lasing na lasing ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang 28th birthday celebration.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang videos kung saan makikita ang pagdiriwang ni Kathryn Bernardo sa kanyang 28th birthday sa Palawan kasama ang ilang malalapit na kaibigan.


Sa likod ng malaking kasiyahan, marami ang nagsasabing napansin umano nila na tila sumusubra ngayon ang aktres sa pag-inom.


Marami rin ang nakakakita umano sa aktres na pasuray-suray na ang paglalakad dala ng matinding kalasingan. Ayon pa sa ilang mga netizens na maging ang mga kasamahan ni Kathryn Bernardo ay lasing na lasing na rin.


Umaani naman ngayon ng samu't-saring komento mula sa iba pang mga netizens ang video na kumakalat kung saan makikita si Kathryn Bernardo na kasama ang kanyang mga kaibigan na tila lasing na lasing na.


Ikinabahala ng ilang mga fans ni Kathryn Bernardo ang nakikita nila na karamihan sa kasa-kasama ngayon ni Kathryn ay mga kalalakihan lalo pa't naglalasing umano ang aktres.


Gayunpaman, nilinaw naman ng mga nakakita sa aktres na maayos naman ang kalagayan nito ay labis na inalalayan ng mga kaibigan na hindi pa gaano lasing katulad ng aktres.


Smantala, hind naman naiiwasan na mabuksan muli ang usapin patungkol sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ayon sa ilang mga basher ng aktres na magmula nang maghiwalay ang dalawa ay ipinapakita na umano ng aktres ang totoo nitong kulay.


May mga nagsasabi rin na naging pakawala ngayon ang aktres dahil sa mga ginagawa nitong pagpapakalasing at pasama-samang paggimik ng mga kalalakihan.


Ayon naman sa iba na tila nagrerebelde umano ngayon ang aktres sa nangyari sa kanilang ni Daniel Padilla kaya naman ginagawa na nito ang mga bagay na dating inaayawan ng aktor.


Gayunpaman, may mag sumusuporta naman kay Kathryn at sinasabing normal lamang na mag-unwind din ito paminsan-minsan hindi iyong nakatutok lamang ang buhay sa trabaho.


Iginiit pa nila na ngayon lamang naging masaya si Kathryn Bernardo dahil naging malaya na ito sa mga pambabawal ni Daniel Padilla.




Vice Ganda, May Pasaring Kina Cristy Fermin at Romel Chika

Walang komento


 Tila hindi pa rin natatapos ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang pambabanat kay Cristy Fermin at nadamay na rin ngayon ang kasamahan ni Cristy Fermin sa show na si Romel Chika.


Hindi na nagtitimpi si Vice Ganda sa mga naging pasaring ni Cristy Fermin laban sa kanya kaya naman binanatan na niya ito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging kritiko ni Cristy Fermin kay Vice Ganda kung saan ilang beses na rin nitong pinagsabihan ang komedyante.


Kamakailan lamang ay binanatan ni Cristy Fermin si Vice Ganda matapos mailipat sa Kapuso network ang It's Showtime, kung saan sinabihan ng kolumnista si Vice Ganda na hindi na isang kabayo kundi isa nang pusa dahil kinakain na nito ang kanyang mga sinasabi.


Tila hindi naman ito pinalampas ni Vice Ganda dahil sa kanyang kamakailang tweet, nagbahagi si Vice Ganda ng isang meme kung saan makikita ang dalawang odd looking creature na tinawatawag ang isa ng 'Nay'.


Alam naman ng lahat na tinatawag na 'Nay' si Cristy Fermin sa entertainment industry.


“Nangigil ako! Pinagpapala na naman sya! Kumilos tyo daliiii!” pahayag ng unang creature na may pangit na hitsura.


“Dating gawi ‘Nay siraan natin sya. Walang kakalma kahit Semana Santa!” sagot naman ng isa pa.


Sa caption, sinulat ni Vice Ganda ang, 'bwak bwak bwak' na una na niyang pinasaring kay Cristy Fermin.


Marami naman sa mga netizen na sumusuporta kay Vice Ganda ang nagsasabing tama lamang ang ginawa nito dahil sumusubra na rin ang pagpapansin nina Cristy Fermin at Romel Chika.


Samantala may mga dumuporta naman kay Cristy Fermin kung saan inilahad nila kung gaano kayabang si Vice Ganda. Ipinunto rin nila ang ilang mga napapansing pagputol ni Vice Ganda sa sasabihin sana ng ibang mga host sa show na nagpapakita lamang umano ng kawalan ng respeto.


"Totoo naman na mayabang talaga si accluh sa comedy bar pa. Up until now kahit sa It’s Showtime, maski hosting, nananapaw sa kapwa hosts. Yung ibang hosts na may gusto pa sana itanong, kina cut nya. So…"


Paolo Contis, Handang Maging Host Ng It's Showtime

Walang komento


 Dating main host ng Tahanang Pinakamasaya na si Paolo Contis handang magtrabaho sa It's Showtime matapos mailipat ang nasabing show sa GMA7.


Sa kamakailang panayam kay Paolo Contis nitong lunes March 25, 2024, naitanong sa kanya ang posibilidad na makasama sa noontime show na It's Showtime.


Kaagad naman itong sinagot ni Paolo Contis, na bukas siya at wala naman umanong problema sa kanya kung makakasama siya noontime show na It's Showtime.


Inilahad pa ni Paolo Contis na kaibigan naman niya ang ilang sa mga host ng It's Showtime lalo na ang singer na si Ogie Alcasid na ilang taon din niyang nakasama sa Bubble Gang.


Ayon kay Paolo Contis, work is work kaya naman handa niyang tanggapin ang mga trabahong ibibigay para sa kanya.


Ipinahayag rin ni Paolo Contis ang kanyang kasiyahan para sa It's Showtime na nagkaroon ng panibagong tahanan sa Kapuso network.


May mga netizens naman ang hindi kumbinsido sa pahayag na ito ni Paolo Contis dahil kung tatanggapin ni Paolo Contis ang hosting ng It's Showtime ay parang tinrayddor na rin nito ang TAPE Inc. gayung todo-todo pa naman ang kanyang pagsusuporta noong kabahagi pa siya ng Tahanang Pinakamasaya.


Matatatandaan na matapos ang contract signing ng ABS-CBN at GMA network noong March 20, 2024 ay naglabas ng joint statement ang mga nasabing network upang opisyal na ianunsyo kung kailan mag-uumpisa ang pag-ere ng It's Showtime sa GMA Network.


Ayon sa inilabas na joint statement ng GMA7 at ABS-CBN, magsisimulang eere ang It's Showtime sa kanilang bagong tahanan sa darating na April 6, 2024 mula 12:00 ng tanghali hanggang alas dos y medya ng hapon mula lunes hanggang sabado.


Sa kabilang banda labis naman ang pasasalamat ni Vice Ganda sa GMA Network sa pagtanggap sa kanila at pagbibigay ng platform para mas marami pa silang mapapasayang tao.


Sa ngayon ay patuloy namang inaabangan ng maraming mga manonood ang magiging pagbabago sa It's Showtime ngayong co-produced na ito ng GMA7.


Marami ang napapatanong kung sino-sino ang mga Kapuso artist ang papasok sa show at kung ano naman ang mangyayari sa mga kasalukuyang host ng show ngayon.



Sarah Geronimo at Mommy Divine Nagkaayos Na, Matteo Guidicelli at Mommy Divine Nagkaayos Narin!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang nagkaayos na umano sina Sarah Geronimo at ina nitong si Mommy Divine. 


Matapos ang mahigit apat na taon ng hindi pag-uusap, nagkaayos na umano ang mag-inang sina Sarah Geronimo at Mommy Divine sa katunayan ay welcome na umano sila sa pamamahay nito kung saan may pagkakataon na nakitulog na sila roon.


May mga panibagong update na naman ang ilang mga reliable source patungkol sa relasyon ng mag-inang sina Sarah Geronimo at Mommy Divine Geronimo matapos ang apat na taon nang lumalala ang kanilang hidwaan dahil sa pagpapakasal ni Sarah kay Matteo Guidicelli.


Sa latest episode ng Showbiz Updates noong byernes, March 23, 2024, isiniwalat ni Ogie Diaz ang nasagap niyang balita patungkol sa mag-inang sina Sarah Geronimo at Mommy Divine Geronimo.


Ipinarating umano sa kanya ng kanyang source na maayos na ang relasyon ngayon nina Sarah Geronimo at Mommy Divine. Sa katunayan ay sa bahay na umano nito natutulog si Sarah Geronimo tuwing sabado at linggo na pinayagan naman ng mister na si Matteo Guidicelli.


Ayon kay Ogie Diaz, matagal na umanong nagkaayos sina Mommy Divine at Sarah Geronimo, sa katunayan ay sinabi umano sa kanya ng kanyang sources na noong nakaraang taon ay magkasamang nagpunta sa Europe sina Sarah Geronimo at Mommy Divine. Muli pa umano silang nagbakasyon nito lamang taon sa bansang Japan naman.


Samantala, naitanong naman ng co-host ni Ogie Diaz na si Mama Loi na kung totoong nagkasamang magbakasyon noon sina Sarah Geronimo at Mommy Divine ay bakit wala lamang mga kumalat na larawan ng pagsasama nila.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay nanatiling tahimik si Sarah Geronimo sa isyu nila ng kanyang ina si Mommy Divine. 


Ang tanging pinanghuhugutan lamang ngayon ng mga netizens ay ang pasasalamat ni Sarah Geronimo sa kanyang inang si Mommy Divine noong tinanggap niya ang award mula sa 2024 Billboard Women in Music Awards.



Kim Chiu Nagsalita Na Sa Hiling Ng Ex Na Si Xian Lim Na Makipagbalikan Sa Kanya!

Walang komento


 Sinagot na ng aktres at It's Showtime host na si Kim Chiu ang mga naging pahayag ni Xian Lim na sinasabing nais siyang balikan nito pagdating ng araw.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nasa moving on stage pa rin hanggang ngayon si Kim Chiu sa nangyaring paghihiwalay nila ni Xian Lim.


Aminado rin naman si Kim Chiu na kahit ilang buwan na rin ang nagdaan mula nang nagkahiwalay sila ni Xian Lim ay hindi pa rin tuluyang nawawala ang kanyang nararamdaman para rito dahil sa tagal ng kanilang relasyon at napakarami na nilang mga memories na pinagsamahan.


Samantala, sa isang panayam noon kay Xian Lim, inamin ng aktor na kung mabibigyan siya ng pagkakataon na balikan ang kanyang past relationship ay babalikan niya ito pero hindi na ang mga kontrobersiya na mga pinagdaanan niya kaugnay ng kanilang relasyon.


Aminado rin umano si Xian Lim na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal para kay Kim Chiu at kung maari ay babalikan niya ito sa tamang panahon.


Samantala, hindi ito nagustuhan ng mga tagahanga ni Kim Chiu dahil hindi naman umano lingid sa kaalaman ng lahat na mayroon nang nobya ngayon si Xian Lim na ipinalit niya kay Kim Chiu.


Hindi na umano maganda na tila ginawa naman ng aktor na reserba si Kim Chiu sakaling hindi mag work out ang relasyon nila ngayon ni Iris Lee.


May mga nagsasabi pa na kung totoong mahal talaga ni Xian Lim si Kim Chiu ay bakit niya pa ito hiniwalayan. May mga naniniwala pang balak na namang gamitin ni Xian Lim si Kim Chiu dahil makikita namang magnanda ang takbo ng career ngayon ng aktres at sunod-sunod ang mga projects nito.


Samantala, may mga nagtanong naman kay Kim Chiu kung may balak ba siyang balikan si Xian Lim, kaagad na sinabi ng aktres na hindi na umano siya magbibigay ng panibagong chance kay Xian Lim at magpo-pokus na lamang muna siya sa kanyang showbiz career.



Bagong Cast Ng Senior High Season 2 Ipinakilala Na!

Walang komento


 Panibagong cast na bubuo sa panibagong season ng Senior High na pamamagatanga High Street ipinakilala na.


Ipinakilala na ang mga artistang bubuo sa panibagong season ng GEN Z teleserye na Senior High na may pamagat na High Street.


Sa isang story conference na ibinahagi mismo ng official Facebook page ng Dreamscape Entertainment inilahad nila ang panibagong cast na makakasama sa teleseryeng Senior High na pagbibidahan pa rin ng aktres na si Andrea Brillantes.


May mga cast rin naman na nagmula pa sa unang serye na makakasama pa rin sa panibagong season katulad na lamang nina Juan Karlos, Xyriel Manabat, Elaijah Canlas, Zaijan Jaranilla, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino, at Gela Atayde.


Hindi na makakasama sa panibagong season ng serye sina Kyle Echarri at Daniela Stranner dahil pare-pareho na silang abala sa ibang proyekto ng Dreamscape na pinamagatang Pamilya Sagrado.


Samantala, makakasama pa rin naman ang ilang mga bigating artista mula sa original cast ng show katulad na lamang nina Angel Aquino, Mon Confiado, Anna Abad Santos, Angeli Bayani, Gerard Madrid, Inka Magnaye, Rans Rifol.


Lalo pang maging kaabang-abang ang High Street dahil sa pagpasok ng mga bagong cast na lalong magpapaganda sa kwento na kinabibilangan nina Dimples Romana, Romnick Sarmenta, Ralph de Leon, AC Bonifacio, at Harvey Bautista.


Nauna na rito, ang pagbabahagi ni Andrea Brillantes sa kanyang social media account ang pagkakaroon niya ng panibagong project. Kalakip nito ang mga larawan niya kasama ang ilang mga artista na nakasama na rin niya noon sa Senior High.


Kaagad namang nagpahayag ng kanilang excitement ang mga tagasubaybay ng Senior High na noon pa man ay humihiling na ng sequel sa nasabing teleserye.


Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan ng ilang mga fans na malungkot dahil hindi na makakasama ang ibang mga cast ng teleserye subalit ipinahayag pa rin naman nila na patuloy pa rin nilang susuportahan at papanoorin ang High Street ang panibagong season ng Senior High.



Xian Gaza, Matapang Na Ibinunyag Ang Na 3rd Party Si Iris Lee Sa Relasyon Kim Chui at Xian Lim!

Walang komento


 Muli na namang naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang isiniwalat ng self-proclaimed pambansang marites na Xian Gaza patungkol sa dahilan ng hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Ayon kay Xian Gaza, nagli-live in na sina Xian Lim at Iris Lee bago pa man tuluyang maghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.


Ito din umano ang dahilan kung bakit labis na nasasaktan si Kim Chiu dahil lumalabas na siya pa ang kabit kahit mas una naman silang magkarelasyon ni Xian Lim.


Samantala, isa umano sa mga dahilan kung bakit tuluyang nahulog ang loob ni Xian Lim kay Iris Lee ay dahil nawalan na ng oras para sa kanya si Kim Chiu dahil abala na ito sa kanyang trabaho.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na naging sunod-sunod ang pagtanggap ni Kim Chiu ng project bukod pa sa pagiging host sa It's Showtime.


Naibaling naman umano ni Xian Lim ang kanyang pagmamahal kay Iris Lee na palagi niyang nakikita sa trabaho.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ni Kim Chiu ang lalong naiinis ngayon kay Xian Lim dahil kung totoong nawalan na siya ng pagmamahal sa aktres ay dapat hiniwalayan niya ito ng maayos at hindi iyong palihim din siyang nakikipagrelasyon sa iba.


May mga nagsasabi pa na talagang ginamit lamang noon ni Xian Kim si Kim Chiu upang makilala rin ang kanyang pangalan sa showbiz at kaya hiniwalayan na niya ito ay dahil naging sikat na rin siya.


Samantala, may ilang mga netizens naman ang naniniwalang hindi naman naging masalimoot ang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim dahil sa mga naging panayam sa aktres ay inilahad noyang bukas pa rin siyang magkasama sila sa trabaho ni Xian Lim dahil hindi naman umano sila magkaaway.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo