Dating Kapamilya Aktres Tinawag Na Laos Nang Lumipat Sa GMA7

Huwebes, Marso 28, 2024

/ by Lovely


 Hindi pinalampas ng komedyanteng si Pokwang ang isang basher na nagsasabing nalaos na siya sa kanyang paglipat sa GMA network.


Kahit holy week, hindi inatrasan ng komedyanang si Pokwang ang kanyang basher sa social media platform na Twitter noong March 27, 2024.


Tila kumulo ang dugo ni Pokwang nang ipaabot sa kanya ng kanyang fan na may mga basher na tumatawag sa kanyang 'laos'.


Ayon sa post ng isang basher, magmula noong iniwan ni Pokwang ang ABS-CBN at lumipat sa GMA7 ay nalaos na ito. Dagdag pa ng basher,  nagsisisi na rin umano ngayon si Pokwang sa kanyang paglipat dahil sa pag-aakalang hindi makakabangon ang ABS-CBN magmula noong nawalan ng prangkisa.


Tinanong naman ng isang fan si Pokwang kung totoo ba ang naging pahayag ng basher patungkol sa kanyang pagsisising umalis sa ABS-CBN at nalaos na siya ngayong nasa GMA7.


Kaagad namang sumagot si Pokwang, "Jusko saan galing mga animal na ito? dapat ito ang tinatapon sa China! mga mapag gawa ng isaping walang kwenta!"


Pinabulaanan ni Pokwang ang pahayag ng basher na nagsisisi siyang umalis sa ABS-CBN para lumipat sa GMA Network.


Iginiit pa niyang masaya siya ngayon sa GMA Network at sa mga nagbukas na opportunity para sa kanya gayunpaman, hindi naman umano nawawala ang respeto niya sa ABS-CBN kung saan siya nanggaling.


"masaya po ako sa @gmanetwork at mataas din respeto ko sa @abscbn both network at ang @tv5 ay mga malaking pasasalamat kopo dahil binuksan nila ang kanilang mga pinto sa aking talento #GratefulHeart sa mga mapag gawa ng kwento sa impierno bagsak nyo!" dagdag na pahayag ni Pokwang.


Sa kabilang banda, isiniwalat noon ang pagkukusa ni Lee O'Brian na umalis sa Pilipinas matapos panigan ng BOI ang petisyon ni Pokwang para i-deport ang dating AFAM na kinakasama.


Nakarating na rin umano kay Pokwang na naghahanda nang umalis sa bansa si Lee.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Lee O'Brian at maging si Pokwang kung tuluyan na bang nakaalis sa bansa si Lee.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo