Katotohanan Sa Isyung Pagtataksil ni Marc Pingris Sa Asawang Si Danica Sotto

Huwebes, Marso 28, 2024

/ by Lovely


 Kinukwestiyon ngayon ng maraming mga netizens ang loyalty at faithfulness ni John Marc Pingris sa kanyang asawa na si Danica Sotto.


Kumakalat ngayon sa mga social media ang mga usap-usapan ng pagkakaugnay nina Marc Pingris at aktres na si Kim Rodriguez.


Nag-ugat ang isyu sa pagitan ni Kim Rodriguez at Marc Pingris nang mapansin ng maraming mga netizens na parehong kinunan sa iisang lugar ang ibinahaging Instagram stories ng dalawa na sabay nilang ibinahagi sa kanilang Instagram stories.


Bukod pa rito, marami rin ang nakapansin sa parehong mga tao na nagpapapicture sa dalawa sa kaparehong oras at araw na nagpapatunay na magkasama ang dalawa sa Australia.


Marami naman sa mga fans nina Marc Pingris at Danica Sotto ang umaasa na hindi totoo ang balitang ito dahil napakarami na nilang anak at hinahangaan ng marami katatagan ng relasyon noon nina Danica Sotto at Mrc Pingris.


Marami rin ang nakikisimpatya ngayon kay Danica Sotto dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may maliit pa silang anak ni Marc.


Marami rin ang humihiling na sana naman ay hindi sina Danica at Marc ang tinutukoy sa mga naglabasang mga social media blind items patungkol sa mag-asawang on the rocks na ang relasyon dahil sa isang artista.


Sa kabilang banda, kung titingnan naman ang mga social media post nina Marc Pingris at Danica Sotto ay makikita namang nakasuporta pa sila sa isa't-isa at nagkokomento pa sa kani-kanilang mga social media posts.


Samantala, naglabas naman ng isang social media post ang malapit na kaibigan ni Pebbles kung saan iginiit niyang walang nangyayaring masama sa binubuong pamilya nina Marc Pingris at Danica Sotto.


Ayon sa post ni Pebbles, na matagal nang kinunan ang mga larawan at baka nagkataon lamang na nagkasabay sina Kim Rodriguez at Marc sa pagbabahagi sa kani-kanilang Instagram stories.


Pabiro pa niyang isiniwalat na siya ang unang bumuto kay Marc para kay Danica kaya naman siya rin ang unang sasapok rito sakaling lolokuhin nito ang kanyang kaibigan.


Nagkomento naman rito si Danica Sotto kung saan pinapakalma niya ang kanyang kaibigan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo