Karylle Trending Dahil Sa Ginawa Nito Sa Family Feud Guesting!

Huwebes, Marso 28, 2024

/ by Lovely


 Tuloy na tuloy na ang pagtatapatan ng mga It's Showtime show sa Kapuso gameshow na Family Feud na hosted ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.


Nakapagtaping na noong nakaraang sabado ang mga hosts ng It's Showtime kung saan hinati sila sa dalawang grupo, ang team ni Vice Ganda at ang team ni Anne Curtis.


Ayon naman sa mga sinasabi ng mga reliable sources, labis na nag-enjoy si Dingdong Dantes at mga staffs ng Family Feud sa paglalaro at pagbabardagulan ng mga It's Showtime hosts sa kanilang gameshow.


Ito rin umano ang dapat abangan ng mga manonood ng Family Feud, ang masayang paglalaro at pag-ookrayan ng mga hosts ng It's Showtime lalo na ang mga bagong punchline nina Tiyang Amy na nasa team ni Vice Ganda at Ogie Alcasid na nasa team naman ni Anne Curtis.


Samantala, ibinahagi na ng official Facebook page ng Family Feud Philippines ang teaser ng paglalaro ng mga It's Showtime hosts na kinabibilangan nina Vice Ganda, Amy Perez, Jhong Hilario, Jugs Jugeata, Anne Curtis, Ogie Alcasid, Vhong Navarro, at Teddy Corpuz.


Mapapanood ang kabuuang paglalaro ng It's Showtime sa Family Feud sa darating na April 8, 2024.


Ang paglalaro ng mga It's Showtime show sa sikat na gameshow ng GMA Network ay bahagi ng promotion para sa paglipat ng It's Showtime sa main channel ng nasabing network na magsisimula sa darating na April 6, 2024.


Sa kabilang bandam hindi naman naiwasan ng ilang mga netizens na hanapin ang isang It's Showtime host na si Karylle. Marami ang napapatanong kung bakit hindi ito kasama sa mga naglalaro sa Family Feud.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Karylle ay dating karelasyon ng host ng Family Feud na si Dingdong Dantes at hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay dahil naiisyu noong naging third party ang misis na ngayon ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera. Marami pa ang naghinala noon na ang dahilan kung bakit lumipat sa ABS-CBN si Karylle ay para iwasan ang dating nobyo.


Marami ang naghahanap kay Karylle dahil naniniwala silang magiging mas masaya ang bardagulan ng mga host kung kasama ito. May mga naghinala naman na tila umiiwas pa rin si Karylle sa kanyang dating nobyo dahil noong sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang bumisita sa It's Showtime ay hindi pumasok si Karylle.


Bukod kay Karylle hinanap rin ng mga netizens ang aktres na Kim Chiu na hindi rin kasama sa lineup ng mga naglalaro sa Family Feud.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo