Tunay Na Nangyari Sa 28th Birthday Ni Kathryn Bernardo with Alden Richards, Jericho Rosales

Miyerkules, Marso 27, 2024

/ by Lovely


 Labis na kasiyahan ang nararamdaman ng aktres na si Kathryn Bernardo sa pagdidiwang niya sa kanyang ika 28 na kaarawan noong March 26, 2024 sa El Nido, Palawan.


Kasama ni Kathryn Bernardo sa nasabing okasyon ang kanyang malalapit na kaibigan at mga taong mahalaga para sa kanya. Bukod pa rito, nakatanggap rin siya ng mga pagbati mula sa mga importanteng tao sa industriya ng showbiz.


Ginanap ang birthday celebration ni Kathryn Bernardo sa pagmamay-ari niyang resort sa El Nido, Palawan ang Isla Amara Resort.


Nagsidatingan sa Palawan ang mga makikinang na Stars sa mundo ng showbiz na malalapit kay Kathryn Bernardo para makisaya sa kaarawan ng aktres.


Marami naman sa mga netizens ang nakapansin na tila ito na ang pinakasamayang birthday ni Kathryn Bernardo dahil nailalabas na ng aktres ang kanyang tunay na pagkatao at nagagawa na rin niya ang lahat ng kanyang gusto.


Samantala, kumakalat rin ngayon ang video ng pagsupresa kay Kathryn Bernardo ng mga staff nila sa resort sa pamamagitan ng pagbibigay ng cake at bouquet of flower na paborito ng aktres.


Makikita rin sa mga ibinahaging video na nagdiwang ng kaarawan ang aktres sa isang yacht cruise.


Spotted naman sa birthday celebration ni Kathryn Bernardo ang ilang mga co-stars niya sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na kinabibilangan nina Alden Richards, Maymay Entrata, Rocky Bautista, at Lovely Abella.


Naroon rin ang mister ni Maja Salvador na si Rambo Nunez, Miles Ocampo, Dominic Roque, Jericho Rosales at marami pang iba.


Nagsidatingan rin ang mga kilalang BFF ni Kathryn Bernardo na sina Irish, Trina, Dom, at Alora.


Marami naman sa mga netizens ang nagpahayag ng kasiyahan para kay Kathryn Bernardo ngayon kung saan nagagawa na nito ang mga bagay na ninanais niya.


Makikita rin umano na talagang masaya ngayon ang aktres sa natatamasa niyang kalayaan magmula nang maghiwalay sila ng dating boyfriend na si Daniel Padilla.


Bukod sa kanyang birthday, ipinagdidiwang din ng aktres na si Kathryn Bernardo ang panibagong milestone kung saan hinirang siya bilang kauna-unahang Pilipinang ambassador ng French luxury cosmetics perfume and skin care product.


Samantala, marami naman ang naantig sa ibinahaging mensahe ni Mommy Min para sa kanyang anak na si Kathryn Bernardo kung saan inilahad niyang hindi naging maayos ang kanyang anak nitong mga nakaraang buwan subalit bilib umano siya rito dahil patuloy itong bumabangon at hindi sumusuko.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo