Katotohanan Sa Kasal Ni Xian Lim at Iris Lee Na Ginanap Sa New York

Miyerkules, Marso 27, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social platforms ang isyung nagpakasal na sina Iris Lee at Xian Lim sa New York.


Sentro ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa pagpapasecret wedding umano nina Xian Lim at Iris Lee sa New York.


Ilang buwan matapos ang pagkumpirma nina Xian Lim at Kim Chiu ng kanilang paghihiwalay naging usap-usapan naman ang patungkol sa pagpapakasal nina Xian Lim at Iris Lee.


Nag-ugat ang mga usap-usapang ito nang magpost si Xian Lim ng isang hint patungkol sa isang importanteng petsa sa kanyang social media account.


Pahayag ni Xian Lim, "Life is biggest reward for humanity and everything revolves around this. Expect the unexpected; Keep some room in you heart for the unimaginable."


Marami naman ang nakisimpatya para kay Kim Chiu dahil sa mga naglabasang spekulasyon na nagpakasal na umano si Xian Lim sa ibang babae at bukod pa rito ay nagdadalangtao na rin ang babaeng ipinalit ni Xian sa aktres.


Matatandaan na isang vlog noon ni Ogie Diaz, napag-usapan nila noon pang 2022 namamataan na nagkakasama sina Iris Lee at Xian Lim, sa panahon iyon ay magkarelasyon pa sina Kim Chiu at Xian Lim.


Hindi naman umano sigurado ni Ogie Diaz kung sa pagkakataong iyon ay may romantic relationship na ba sina Xian Lim at Iris Lee o nasa getting to know stage pa lamang ang dalawa.


Nag-umpisang magkalapit sina Iris Lee at Xian Lim sa kassagsagan ng proyektong Hello Universe na ginawa ni Xian Lim kung saan una silang nagkatrabaho ni Iris Lee.


Samantala, tila nakumpirma naman ang isyung nagpasecret wedding sina Xian Lim at Iris Lee sa isiniwalat ni Xian Gaza na umano'y magkasama na sa iisang bahay ang dalawa kahit pa noong hindi pa tuluyang natatapos ang relasyon nila ni Kim Chiu.


Samakatuwid ay pinagsabay umano ni Xian Lim ang dalawang babae sa kanyang buhay.


Sa ngayon ay inaabala na lamang ni Kim Chiu ang kanyang sarili sa kanyang trabaho bilang host ng It's Showtime at sa mga nakalinya pa niyang projects sa ngayon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo