Senior Citizen, Gustong Sungkitin Ang Korona Sa Miss Universe Philippines-Quezon City

Walang komento

Miyerkules, Enero 17, 2024


 Umaani ngayon ng samu't-saring opinyon mula sa mga netizens ang isang hindi pangkaraniwang pangyayari sa mundo ng pageantry, partikular na sa Miss Universe Philippines competition dahil sa pagsali ng isang senior citizen bilang candidate.


Ang nasabing contestant ay walang iba kundi si Jocelyn Cubales na kilala rin sa showbiz bilang si Joyce Penas Pilarsky na isa ring fashion designer. Siya ay kabilang sa labing limang kandidata para sa Miss Universe Philippines-Quezon City 2024.


Kung sakaling papalarin na si Jocelyn Cubales o si Joyce Penas Pilarsky na magiging opisyal na representative ng Quezon City sa Miss Universe Philippines 2024. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng pageant sa Pilipinas lalong-lalo na sa Miss Universe na inaabangan ng lahat ang pagkakaroon ng kandidata na isang senior citizen.


Matatandaan na inanunsyo ng Miss Universe Organization noong September 2023 ang pagtanggal ng age limit sa lahat ng Miss Universe at mga kaugnay na pageant, na sisimulang ipatupad ngayong taon. 


Nauna nang pinayagan ng Miss Universe Organization ang pagsali ng mga transgender woman, divorcee, married woman at mga babaeng mayroon nang anak.


Noon ay tanging mga babaeng nasa edad sa pagitan na 18 hanggang 28 ang pinapayagang makasali sa kompetisyon. Kabilang rin sa qualifications para sa nasabing competition noon ay ang pagiging single, born woman at wala pang anak.


Samantala, ayon sa naging pahayag ni Joyce, maraming makukuhang aral mula sa kanyang mga karanasan ang mga kabataan, motivated umano siyang makamit ang korona para makapag-inspire sa ibang mga Filipino women to pursue their passion and achieve their dreams.


Full support naman ang pamilya ni Joyce Penas Pilarsky sa kanyang paghahangad na makamit ang korona.


Hindi rin naman baguhan sa larangan ng pageantry si Joyce Penas Pilarsky siya ang kauna-unahang Pilipina na ang compete sa 2017 edition ng Mrs. Universe. Kung saan naiuwi niya ang "Mother of the Universe" special award para sa kanyang advocacy and charity work for children and women sa bansang Pilipinas.


Bukod pa rito, pinangalanan din siya bilang Mrs. Philippines Germany noong 2000, Mrs. Asia International, Mrs. Asia International Global, and Mrs. Ecotourism, noong 2014.


Bukod sa pagiging pageant veteran, nagkaroon din siya ng iba pang roles sa kanyang career. Isa siyang fashion designer, dating flight attendant ng Saudi Arabian Airlines, at isang naturopathic and alternative medicine doctor. 


Isa rin siyang actress noon naging nominated bilang Best New Movie Actress by the Philippine Movie Press Club noong 2018 sa 34th Star Awards for Movies para sa kanyang naging role noong 2017 sa full-length film New Generation Heroes kasama ang veteran actress na si Anita Linda.



Its Showtime Host Inofferan Ng Tape Inc Sa Tahanang Pinakamasaya!

Walang komento


 Inamin ng isa sa mga regular host ng Kapamilya noontime show na It's Showtime na nakatanggap siya ng malaking offer para lumipat sa isang noontime show rin na umiere ngayon sa GMA7 na Tahanang Pinakamasaya, subalit kaagad umano niya itong tinanggihan dahil hindi niya kayang iwan ang show na naging daan para siya makilala.


Sa isang panayam sa ABS-CBN executive, inamin ng It's Showtime hosts na nakakatanggap siya ng mga offer mula sa ibang mga shows subalit hindi umano niya kayang talikuran ang show na unang nagbigay ng opportunity. 


Ayon sa It's Showtime, malaki na umano ang nagbago sa kanyang buhay matapos siyang madiscover ng ABS-CBN at doon na nagsimula ang kanyang showbiz career lalong-lalo na sa larangan ng hosting.


Aminado naman ang ABS-CBN TV Production Head na humahanga siya sa dedikasyon at kabaitan ng TV host na ito. Nakikita rin umano niya na masipag ito sa kanyang trabaho at nagpapasalamat sa pagiging loyal nito sa ABS-CBN, Star Magic at sa It's Showtime na kahit nang magkaroon sila ng problema sa prangkisa ay hindi pa rin sila iniwan nito.


Sa kabilang banda, patuloy pa ring binabatikos ng ilang mga netizens ang noontime show ng TAPE Inc. mula ng magpalit sila ng titulo dahil tuluyan na silang pinagbawalan na gamitin ang titulong Eat Bulaga.


Marami sa mga netizens ang natatawa sa kanilang titulo dahil tila hindi naman umano nila ito pinag-isipan. May mga naglabasan pang mga bali-balita patungkol sa ppsibilidad na may kakaharaping panibagong kaso ng TAPE Inc. dahil sa panggagaya ng logo sa ibang programa.




Janno Gibbs Inilabas Na Ang Totoong Naramdaman Sa Pagkawala Ng Kanilang Ama

Walang komento


 Naglabas ng hinanakit ang aktor na si Janno Gibbs laban sa mga taong tila ginawa pa umanong katatawanan ang pagpanaw ng kanyang ama kamakailan lamang.


Labis na nalulungkot si Janno Gibbs sa pagkawala ng kanyang ama, hindi rin nakatulong sa kanyang pagluluksa ang mga taong tila ginawa pa silang katatawanan sa pamamagitan ng pagpapakalat sa social media ng mga walang katuturang impormasyon patungkol sa nangyari sa kanyang ama.


Ayon kay Janno  Gibbs, may mga tao talagang hindi marunong makaramdam ng hinanakit at simpatya sa kanila dahil ginamit pa umano siya ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapakalat ng impormasyon na may kinalaman siya sa pagpanaw ng kanyaang ama.


Binatikos niya ang ilang mga YouTube channel na nagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa kanilang pamilya, lalong lalo na sa pagkawala ng kanilang ama.


Hayagan niyang sinabi na hindi ikinatuwa ng kanilang pamilya ang ginawa ng mga taong ginawang katatawanan ang nangyari at hindi na umano ni-respeto ang pagluluksa ng kanilang pamilya.


Ipinahayag rin ni Janno Gibbs ang kanyang pagkadismaya sa mga pulis na nag-imbestiga sa nangyari sa kanyang ama dahil tila nagpabaya umano ang mga ito sa mga nakuhang ebidensya dahil kumalat pa sa social media ang video nang madatnan ang wala nang buhay na katawan nito.


Ayon kay Janno Gibbs, sana naman ay ginawa ng mga pulis ang nararapat na imbestigasyon at inilabas lamang ang mga impormasyon na nararapat ilabas sa media.


Tila nalagay pa umano sa alanganin ang kanilang safety dahil kabilang sa mga impormasyon na kumalat sa social media ay ang kanilang address.


Sa ngayon ay hinihiling ni Janno Gibbs na sana ay magbigay umano ng public apology ang mga pulis sa kanilang pamilya at maging ang mga vloggers na nagpakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa kanila.



Abs Cbn Naglabas Ng Pahayag Sa Pag Alis Ni Lovi Poe Sa Batang Quiapo!

Walang komento

Martes, Enero 16, 2024


 Marami ang naglabasang speculations sa social media matapos ang biglaang pagkatsugi o pagkatanggal ng karakter ni Lovi Poe sa teleseryeng Ang Batang Quiapo.


May mga naghinalang nagdadalang tao ang aktres kaya niya iniwan ang palabas, habang may mga nagsasabi naman na baka ay binubully umano ito sa nasabing serye.


Subalit, tila wala namang katotohanan ang balitang binu-bully ang aktres roon dahil makikita naman sa mga naglabasang behind the scenes kung gaano sila kalapit sa isa't-isa.


Maging sa inilabas na pahayag ni Lovi Poe ay iginiit pa niya na naging mahirap para sa kanya ang desisyon na ito dahil napalapit na siya sa kanyang mga kasamahan.


Sa usaping nagbubuntis ang aktres ay tila imposible umano ito dahil may nakalinya pa siyang mga action movies at magsisimula na ang taping nito kaya impossibleng buntis ito.


Sinigundahan naman ito ng management at sinabing maraming nakalinyang projects si Lovi Poe na hindi pa maaring ilabas sa publiko dahil hindi pa tapos ang usapan.


Samantala, ang natitiyak lamang ngayon na dahilan sa biglaang pagbibitiw ni Lovi Poe ngayon ay ang kadahilanang nais niyang makasama ng mas matagal at mapagtuunan ng pansin ang kanyang mister na nakabase sa Amerika.


Sa ngayon ay tila sinusulit ito ng aktres na makikita naman sa kanyang mga social media posts.


Babae Na Nali-Link Sa Sikat Na Aktor Nagsalita Na, Career Nanganganib!

Walang komento


 Binasag na ng Vietnamese woman ang kanyang katahimikan patungkol sa kanyang pagkakalink sa aktor na si Daniel Padilla, bilang isa sa mga naging sidechik ni Daniel Padilla habang magkarelasyon pa sila ni Kathryn Bernardo.


Ayon sa inilabas na pahayag ni Minh Phoung (Emma) totoong nagkita sila ni Kathryn Bernardo sa Vietnam nang magbar ang ito kasama ang mga kaibigan. Ayon pa sa kanya na ang napasukang bar ng aktor ay ang bar ng kanyang kapatid kaya naman nagkabati-an sila. 


Bukod pa rito ay wala na rin umano silang interactions sa isa't-isa taliwas sa mga kumakalat ngayon sa social media. Iginiit din niya na binati niya si Daniel at mga kasamahan nito roon dahil alam niyang sikat na artista sa Pilipinas si Daniel Padilla.


Mula noon ay hindi na rin umano niya nakita pa ang aktor at wala umano silang naging ugnayan mula noon kaya naman labis siyang nagtataka kung bakit nadadawit ngayon ang kanyang pangalan gayong wala naman siyang kinalaman kay Daniel Padilla.


Hiling din niya na sana ay itigil na ang pambabatikos sa kanya at ang mga paninira sa kanyang puri na maaring makaapekto sa kanyang career at buong pagkatao.


Matatandaan na nag-umpisang kumalat ang isyu sa pagitan nina Minh Phoung at Daniel Padilla matapos ang sunod-sunod na cryptic post ng ate ni Kathryn Bernardo patungkol sa pinaghihinalaang pagloloko ni Daniel Padilla.


Kasunod nito, marami na ang pumuna sa paglike nito sa mga post ng aktor na siyang nagpalakas sa hinalang may tinatagong nakaraan ang mga ito.



Tunay Na Dahilan Sa Pagbebenta Ni Daniel Padilla Ng Sports Car Nila Ni Kathryn Bernardo

Walang komento


 Naging mainit na usapin sa social media ang lumabas na balitang binebenta na ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang kanyang sportscar na umano'y pinagtulungan nilang bilhin noon ng kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Kamakailan lamang ay nag-viral sa iba't-ibang social media platforms ang posts ng mga car dealers kabilang na ang F2A Cars at Garage 8888ph kung saan naka for sale ang isang orange Chevrolet Stingray C7 na pagmamay-ari umano ni Daniel Padilla.


Tinawag pa ng ilan na kotse umano ng loyal ang kotse na unang na-acquire noong 2016. Nakalahad din sa post na lahat ng mga papeles ay nakapangalan kay Daniel Padilla.


Sinubukan naman ng F2A Cars na ibenta kay Boss Toyo ang nasabing kotse nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo subalit hindi sila nagkasundo sa presyo kaya hindi naging matagumpay ang kanilang deal.


Samantala, naitanong naman ni Boss Toyo kung ano ang dahilan kung bakit binibenta ni Daniel Padilla ang kanilang kotse. Sinabi naman ng car representative na baka sawa na umano si Daniel Padilla sa nasabing kotse.


May mga naghinala pa na baka ay binitawan ito Daniel Padilla para maiwasan at malimutan na niya ang nakaraan nila ni Kathryn Bernardo para tuluyan na siyang makapag-move on.




Daniel Padilla Dummy Account Biglang Nagbigay Ng Statement Sa Publiko

Walang komento


 Pinaghihinalaang dummy account ng aktor na si Daniel Padilla na ginagamit umano nito para makipaglandian sa ibang babae nakapublic na at naglabas pa ng official statement.


Naglabas na ng opisyal na pahayag ng pinaghihinalaang dummy account ng aktor na si Daniel Padilla sa Instagram na may pangalan na @Johnnymoonlightz. Ayon dito, walang katotohanan na pagmamay-ari ng aktor ang kanyang account.


Iginiit din nito na ang tanging purpose niya sa paggawa ng account na ito noong 2020 ay para makapag-upload siya ng mga edited photos nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Ayon pa rito, naisip niya na maglabas na ng pahayag dahil sa mga kumakalat na fake news patungkol sa kanyang account, patungkol sa pambabae ni Daniel Padilla na wala naman umano siyang kinalaman dahil hindi naman ito kay Daniel.


Gayunpaman, inamin nito sa kanyang statement na may pagkakataon na nawalan siya ng access sa kanyang dummy account dahil pinabayaan na lamang niya ito at kamakailan lang niya itong na retrive muli.


"Let's put an end to the narrative that this account belongs to Daniel, as from the very beginning, Daniel had no involvement in the existence of johnnymoonlightz. I'm unsure of the current whereabouts of the person who now has control over this account.


"However, there is one message I want to convey: all the rumors and speculations surrounding the 'dump narratives' are completely untrue. Let's prioritize our own happiness and peace."


Samantala, sa kabila ng pahayag na ito may mga naniniwala pa ring may kinalaman nga ang account na ito kay Daniel Padilla, narito ang ilang komento ng mga netizens.


"Di na active but nakapag like ka pa dun sa vietnamese girl ng december. Just curious lng po."


"Ang suspicious naman. Parang pinoprotektahan ai vietnamese girl ah? Kasi naka like 'tong acc sakanya at bilang fan, paano mo naman nalaman kung sino siya? Bakit mo siya kilala at mga kaibigan niya? Weird ah. Kung naghahanap ka lang nang updates noon sa vietnam trip kasi may mga ganoon na KNs, nag pa follow para makita agad updates pero sabi mo nito mo lang binuksan 'tong acc ah, kung nito lang bakit lagi may na dadagdag sa followings? Niloloko ninyo na naman ata kami eh."


"GANITONG GANITO YUNG POST NG VIETNAMESE AH? MAY PA SS AT SCREEN RECORD KUNO. HAHA GALING GUMAWA NG KAMPO NI DANIEL JUTS"


Vice Ganda, Pinagalitan Ang Netizen Na Nagli-Lip Read Ng Kanilang Personal Conversation Sa It'S Showtime

Walang komento


 Naglabas ng pahayag ang comedian-host na si Vice Ganda patungkol sa ginagawa ng isang netizen na nili-lip read ang mga usapan nila ng kasamahan niyang hosts sa It's Showtime sa tuwing commercial break at sa tuwing naka-off ang kanilang mga microphone.


Tinawag ni Vice Ganda ang pansin ng isang netizens na nagva-viral ngayon sa social media, lalo na sa TikTok, dahil sa pagli-lip read sa mga personal na usapan nila ng kanyang mga co-hosts sa It's Showtime sa tuwing nakapatay ang kanilang microphone.


Makikita sa TikTok account ng nasabing netizen na ginagawa niyang content ang pagbabasa ng mga pribadong usapan nina Vice Ganda at iba pa. Nilagyan naman niya ito ng disclaimer kung saan iginiit niyang hindi factual ang kanyang interpretation sa mga naging usapan nila.


Marami naman sa mga fans nina Vice Ganda at iba pang mga kasamahan nila sa show ang natutuwa dahil pakiramdam ng mga ito ay nalalaman pa rin nila ang usapan ng magkaibigan sa kahit hindi na naka-on ang kani-kanilang microphone.


Samantala, hindi naman ito ikinatuwa ni Vice Ganda dahil pakiramdam ng Unkabogable Star na pinanghihimasukan na ng nasabing netizen ang kanilang privacy. 


Bukod pa rito, maari rin umanong makapagkalat ng maling impormasyon dahil sa pagbabasa ng kanilang personal na usapan. Iniiwasan lamang ni Vice Ganda na mapagmulan ng matinding kontrobersiya ang mumunting usapan nila na inakala nilang sa pagitan lamang ng kanyang mga kaibigan.


Iginiit din ni Vice Ganda na deserve naman nilang magkaroon ng privacy at hindi lahat ng mga pinag-usapan nila ay dapat ilabas sa publiko.


Minsan pa umano ay sadyang nilalagyan ng kontrobersiya ang kanilang usapan upang mapagmulan ng matinding kontrobersiya na siyang iniiwasan niyang mangyari kaya naman hiling ni Vice Ganda na itigil na ang pagli-lip read sa mga usapan nila.


Samantala, naging hati naman ang opinyon ng ilang mga netizens patungkol sa naging pahayag ni Vice Ganda sa netizen na ginagawang content ang kanilang private conversation.


May mga sumang-ayon kay Vice Ganda dahil hindi naman talaga maganda ang panghihimasuk sa usapan ng ibang tao, subalit may mga nagsasabi naman na baka natatakot lamang si Vice Ganda na may mabunyag na matinding secret niya dahil accurate ang pagkaka-lip read sa kanila.



@leyomayk vice ganda reacts about the trending video #lipread #fyp #itsshowtimena ♬ original sound - SIR MIKE

Ronaldo Valdez May Iniwang Note Bago Ang Ginawa

Walang komento


 Muling naging laman sa mga usap-usapan sa social media ang biglaang pagkawala ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez nitong December 2023, matapos lumabas ang mga bali-balitang natagpuan na ang iniwang note nito.


Ayon sa mga bulong-bulungan ngayon sa social media na may iniwan umanong note si Ronaldo Valdez bago nito kitilin ang sariling buhay noong December 17, 2023.


Ayon umano sa naging pahayag ni Janno Gibbs sa isang panayam, nagpost ang kanyang ama minutes bago nito ginawa ang hindi dapat sa kanyang sarili patungkol sa pamamaalam at no viewing.


Noong una ay hindi umano nila alam na may ipinost pala ang kanilang ama sa Facebook dahil hindi naman nila ito nasisilip naging sa pagiging abala sa ibang bagay.


Inamin naman ni Janno Gibbs na noong matapos niyang makita at mabasa ang ibinahaging post ng kanyang ama ay dinilete na niya ito dahil hindi umano magandang kumalat pa ito sa social media.


Pero nakasulat umano roon ang no viewing kaya naman nirespeto nila iyon. Matatandaan na naging maikli lamang din ang paglalamay noon sa cremated remains noon ni Ronaldo Valdez sa Loyola Memorial Chapel and Crematorium sa Brgy. Guadalupe Makati City.


Ipinahayag din ni Janno Gibbs na ang tanging pinapunta lamang nila sa lamay ang mga taong nagtanong kung maari ba silang makapunta. Hindi rin umano sila nag-anunsyo na maaring pumunta ang mga tao.


Kasama naman ni Janno Gibbs sa nasabing panayam sa Club Filipino media conference ang misis niyang si Bing Loyzaga at kapatid na si Melissa Gibbs.




Sarah Lahbati Dedma Sa Patutsada Ni Annabelle Rama Na 'Waldasera'

Walang komento


 Kinaaliwan ng maraming mga netizens ang panibagong TikTok videos kung saan nag-lip sync siya sa kantang Obsess at inaya pa ang kanyang mga followers na samahan siyang mag-shopping.


Ayon sa pagli-lip sync ni Sarah Lahbati, 'No I don't think you understand, I'm obsessed'.


Sa comment section, muling binalikan ng mga netizens ang pahayag noon ni Annabelle Rama patungkol sa pagwawaldas ni Sarah Lahbati habang abala si Richard na kitain ang pera mula sa pagtatrabaho.


Ayon sa mga netizens na tila pinapatunayan lamang umano ni Sarah Lahbati sa publiko ang pagiging maluho niya at pagiging waldas sa pera na pinaghirapan naman ng kanyang asawa na si Richard Gutierrez.


Hindi rin nila nagustuhan ang music na ginamit ni Sarah Lahbati dahil lumalabas na obsess itong gumastos ng gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan.


Sa kabilang banda, natatawa naman ang mga fans ng aktres dahil sa pandededma nito sa mga patutsada ni Annabelle Rama at tila lalo pa umano itong iniinis ngayon ni Sarah Lahbati sa pagwawaldas ng pera.


May mga nagbabansag pa kay Sarah Lahbati ngayon bilang 'Waldas Queen' dahil aminado umano ito sa pagwawaldas ng pera sa mga branded brands at sa pagpapamper sa sarili sa mga mamahaling spa at clinics.


Makikita naman sa mga Instagram posts ni Sarah Lahbati ang mga pangagastos niya para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Kaya naman hindi rin masisisi ng mga netizens si Annabelle Rama at ilang mga netizens na akusahan si Sarah ng pagwawaldas ng pera nila ni Richards.


Matatandaan na base sa ipinahayag ni Annabelle Rama noon na makikita naman ng lahat kung sino ang nagsasabi ng totoo at sa hindi patungkol sa pagwawaldas. Ipinagdidiinan pa ni Annabelle na habang nakasubsub sa trabaho si Richard Gutierrez, ang tanging iniisip ni Sarah Lahbati ay kung paano magwaldas sa pagso-shopping at sa pagtravel sa iba't-ibang lugar.


Sa ngayon ang hindi lamang tiyak ay kung kaninong pera ang ginagamit ni Sarah sa kanyang pagso-shopping sa asawa ba niyang si Richard Gutierrez o sariling pera niya mula sa mga naging endorsements.



@sarahlahbatigutz

who wants to go shopping with me

♬ im obsessed - .

Vietnamese Girl Isiniwalat ang Totoong Nangyari Sa Kanila Ni Daniel Padilla

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang magandang Vietnamese model na nasasangkot ngayon sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na pinaghihinalaan na kabilang sa mga babaeng nakarelasyon noon ng aktor habang magkarelasyon pa sila ni Kathryn Bernardo.


Matatandaan na matapos i-unfollow ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla at ang iba pang sikat na TV personality, naglabasan na ang mga isyu ng pagloloko umano ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa ilang taong relasyon nila.


Bukod pa rito naglabasan na rin ang iba't-ibang pangalan ng ilang mga celebrities at personality na nasasangkot sa pangalan ng aktor kabilang na ang isang Vietnamese model na pinangalan na si Minh Phoung na kilala ring si Emma.


Ayon sa mga naglabasang isyu, naging sidechick umano ni Daniel Padilla si Emma nitong 2023 lamang habang hindi pa sila naghihiwalay ni Kathryn Bernardo. Palihim pa umanong nagkita ang dalawa sa Vietnam habang abala naman si Kathryn Bernardo sa kanyang mga appointments sa kanyang showbiz career.


Nag-umpisa ang lahat ng mapansin ng mga netizens na may isang Minh Phoung na patuloy na naglalike sa mga post ni Daniel Padilla sa kanyang Instagram. May mga naghinala pa na ang isang account na nakapangalang @Johnnymoonlightz ay ang sekretong account na ginagamit ni Daniel Padilla upang makipagcommunicate sa Vietnamese model.


Samantala, naglabas na ng pahayag ang Vietnamese model sa kanyang Instagram account sa gitna ng pagkakadawit niya sa isyu  ni Daniel Padilla. Nitong January 15, 2024 tuluyan nang binasag ni Minh Phoung ang kanyang katahimikan patungkol sa isyung may relasyon sila ni Daniel Padilla.


Ayon sa kanyang inilabas na statement, nagkakilala lamang sila ni Daniel Padilla at mga kaibigan nito sa isang bar sa Vietnam na pag-aari ng kanyang kapatid at yun lamang umano ang naging interactions nilang dalawa.


Nakikiusap rin siya sa mga netizens na itigil na ang mga pambabatikos sa kanya at maging sibilisado naman. Nakikiusap na rin siya na huwag namang umabot ang mga fans ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pagsira ng kanyang career at ang kanyang buhay.


Iginiit din ni Minh Phoung na isa siyang biktima ng mga tamang hinala at akusasyon na wala naman umanong pruweba.


May mga nakisimpatya naman kay Emma dahil wala naman talagang mga pruweba kundi pawang mga hinala lamang ang lahat, may mga nagsisisi ba sa ate ni Kathryn Bernardo dahil sa pagbabahagi nito ng mga cryptic post na siyang pinagmumulan ng mga isyu.



Xian Lim Inaming Never Naging Priority Si Kim Chiu

Walang komento


 Patuloy pa ring nakakatanggap ng pambabatikos ang aktor na si Xian Lim matapos ang paghihiwalay nila ng actress-TV host na si Kim Chiu.


Marami sa mga netizens at mga fans ni Kim Chiu ang patuloy na sinisisi si Xian Lim sa naging failed relationship nila ni Kim Chiu na nagtapos matapos ang 12 years nilang relasyon.


Iginiit ng maraming mga netizens na kasalanan lahat ni Xian Lim ang nangyari sa kanila ni Kim Chiu dahil noon pa man ay wala na talagang balak na pakasalan ng aktor ang aktres at tila ginamit lamang umano nito ang pagiging boyfriend ni Kim Chiu upang sumikat sa larangan ng showbiz.


Binalikan pa ng ilang mga netizens ang naging pahayag ni Xian Lim noon sa isang panayam na balak niyang mag-asawa sa edad na 40 years old dahil hindi pa siya handa. Kung 40 years old na magiging handa si Xian Lim na magpakasal magiging 39 years old na si Kim Chiu sa mga oras na iyon at mahihirapan na na magkaroon ng anak.


Dahil dito, iniisip na ng mga fans ng aktres na imposible namang hindi alam ni Xian Lim na mahihirapan na ang babae na manganak kapag lumampas na ito ng 35 years old , kaya noon pa man umano ay wala na talagang balak si Xian Lim na pakasalan si Kim Chiu.


May mga nagsasabi pa na hindi naman naging priority ni Xian Lim si Kim Chiu dahil noon pa man ay inuuna na umano ng aktor ang kanyang pamilya, sarili at saka na si Kim Chiu.


Bukod pa rito marami rin ang nagsasabi na may hindi magandang pag-uugali si Xian Lim, may pagkasuplado umano ito at mayabang.


Sa kabilang banda, nangangamba naman ngayon ang mga fans ni Jennylyn Mercado na baka ay maapektuhan umano ang teleserye ng dalawa sa GMA7 sa mga natatanggap na pambabatikos ni Xian Lim mula sa mga fans ni Kim Chiu lalo na ngayong magiging magkatapat ang kanilang mga teleserye.


"Xian ang nagloko nag paubaya na lang c kim.bkit nman suportahan yan di ba sbi niya pumasok cya sa showbiz to show yung talent ayaw mag entertain ng tanong sa kanya.paano suportahan ang isang taong ganyan ang attitude"


"Ginamit lang talaga si Kim. Relationship w/ Kim is just for fun.Pag Ang BF mo Walang Plano w/in 2 yrs dapat magisip k na. For fun lang Yan. Ayaw Ng responsibilidad. Magisip ka na. Iwanan. Wag mag aksaya Ng panahon."


"Ngayon pa lang pa tapon na ang career mo dahil sa desisyon mong pa bigla bigla hanggang ngayon gina gamit mo pa rin si Kim para ma pag usapan ka dahil alam mo maraming nagmamahal kay Kim para hindi ma wala ang career mo kaya gumagawa ka pa rin ng kwento."




Sarah Lahbati, Naiyak Na Inamin Ang Totoong Dahilan Ng Hiwalayan Nila Ni Richard Gutierrez

Walang komento


 Inamin na ng aktres na si Sarah Lahbati ang totoong dahilan sa naging hiwalayan nila ng kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez.


Isang makahulugang pahayag ang binitiwan ng aktres na si Sarah Lahbati sa isang panayam kung saan naitanong sa kanya ang patungkol sa naging hiwalayan nila ng kanyang husband na si Richard Gutierrez matapos ang sampung taon nilang pagsasama.


Ayon sa naging pahayag ni Sarah Lahbati, labis siyang nalulungkot ngayon sa nangyari sa kanilang pamilya. Lalo na't napapabalitang mayroon ng ibang karelasyon ngayon ang kanyang asawa kahit pa hindi pa tuluyan napapawalang bisa ang kanilang kasal.


Hindi umano halos matanggap ni Sarah Lahbati ang nangyari at pakiramdam niya ay tinraydor siya ng kanyang mismong asawa. Hiling naman ni Sarah Lahbati ang pang-unawa ng publiko at respetuhin na lamang ang kanilang desisyon. Hiling din niya na sana ay bigyan sila ng oras para mag-heal.


Gayunpaman, iginiit ni Sarah Lahbati na hindi siya nagkulang at ipinaglaban din niya ang kanyang asawa sa abot ng kanyang makakaya sa gitna ng mga pagsubok na kinaharap nila noon.


Ayaw rin umano ni Sarah na makaranas ng broken family ang kanyang mga anak subalit may mga bagay talaga na hindi niya maiiwasan kahit ano ang kanyang gagawin.


Bagama't hindi pa inamin nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang paghihiwalay, mahahalata namang wala na sila dahil sa hindi na nila pagsasama at sa pag-unfollow nila sa isa't-isa sa social media.


Bukod para rito, ilang beses na ring nagkasagutan sa social media sina Annabelle Rama at Sarah Lahbati. Tinanggal na rin ni Sarah Lahbati ang surname ng kanyang asawa sa kanyang Instagram account at iniwan na rin ang dating bahay na tinitirhan nilang  bahay noon ni Richard Gutierrez.


Sa kabila ng kaguluhan sa relasyon nila ni Richard Gutierrez tila maayos naman ang kanilang co-parenting set-up sa mga anak na sina Zion at Kai.


Ruffa Gutierrez Humihiling Ng Prayers Para Kapamilya Na Dumadaan Sa Matinding Pagsubok

Walang komento

Lunes, Enero 15, 2024


 Humihiling ng panalangin ang aktres na si Ruffa Gutierrez para sa kanyang sister in- law na si Alexa Gutierrez.


Ayon sa naging pagbabahagi ni Ruffa Gutierrez, isang leukemia warrior ang kanyang sister in-law kaya hiling niya sa kanyang mga kaibigan at mga followers na patuloy na isama sa kanilang pagdarasal ang kanyang sister in-law.


Ayon sa buong post ni Ruffa Gutierrez, "LEUKAEMIA WARRIOR. 💪🏼 @alexaugutz is a brave and beautiful soul, a devoted wife to Elvis, and a loving mother to Aria and Ezra, her two young daughters. In the face of this unforeseen adversity, she needs our prayers and support. Let’s storm the heavens and pray for Alexa’s complete healing."


Nagbigay rin siya ng mensahe para rito, "Lex, you are such a positive, courageous, beautiful and strong human being! I know you can beat this. God has a great plan for you. 🙏🏻We love you and will walk with you through every step of this journey. Continue to be in high spirits. You’re not alone. ❤️❤️❤️ #PrayForAlexa #LeukaemiaWarrior #MySister"


Nagpapasamalat rin si Ruffa Gutierrez sa lahat ng mga doctors, nurses, medical experts and healthcare workers at St. Luke’s Medical Center Global City sa pag-aalaga ng mga ito kay Alexa Gutierrez.


Lalong lalo na kina, Dr. Francisco Lopez, Head of the Bone and Marrow Transplant Unit. Dr. Paul Vincent Opinaldo, specializes in Neuro-Oncology. Dr. Ryan Buendia, Interventional Cardiologist.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng panalangin para sa kalusugan ni Alexa Gutierrez ngayon na humaharap ng matinding pagsubok sa kanyang buhay. Hiling ng maraming fans ni Ruffa Gutierrez na sana ay malampasan ng pamilya nila ang pagsubok na ito.



Netizens, Ipinagdadasal Na Magkasakit Si Daniel Padilla

Walang komento


 Tila nasasagad na ang ilang mga fans ni Kathryn Bernardo sa mga naglabasang mga bali-balita ngayon patungkol sa pambababae ni Daniel Padilla sa ilang taong relasyon nila ni Kathryn Bernardo.


Matapos ang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo sa kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla at iba pang mga actress, nagsulputan na ang mga isyu patungkol sa kung sino ang mga naging babae ni Daniel habang magkarelasyon pa sila ni Kathryn.


Marami naman sa mga dating solid fans ng dalawa ang naiinis ngayon sa aktor dahil sa pagiging mapagpanggap umano nito bilang conservative subalit ang katotohanan ay matagal na pala nitong niloloko si Kathryn.


May mga naghinala pa na kaya, binabawalan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo na mag-suot ng mga revealing na damit ay para hindi ito mapansin ng mga lalaki. May mga nagsasabi pa na para maniwala rito si Kathryn Bernardo na hindi nito kayang magloko kahit pa sabihan na si Kathryn ng kanilang mga kaibagan.


Samantala, dahil sa inis ng mga netizens kay Daniel Padilla, umaabot na ang mga ito sa punto na hindi lamang ang showbiz career ni Daniel Padilla ang gusto nilang masira kundi maging ang kalusugan na rin ng aktor.


May ilang mga dating fans na ngayon ay naging hater na ni Daniel Padilla na humihiling na sana ay magkasakit ang aktor dahil sa paggamit nito ng iba't-ibang mga babae.


Hiling pa ng ilan na sana ay maging ang mga babae ni Daniel ay magkasakit na rin para matigil na ang kalandian ng mga ito.


Subalit, may ilang netizens pa rin ang nagsasabi na kahit anuman ang ginawa at nagawa ng aktor at mga babae nito ay hindi pa rin maganda na hilingin na sana ay may mangyaring masama sa ating kapwa tao.


Sa ngayon ay tila nagbabakasyon ang aktor habang pinapalamig pa nito ang kanyang pangalan na mainit pa ring pinag-uusapan hanggang ngayon sa iba't-ibang social media platforms.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo