Vietnamese Girl Isiniwalat ang Totoong Nangyari Sa Kanila Ni Daniel Padilla

Martes, Enero 16, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang magandang Vietnamese model na nasasangkot ngayon sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na pinaghihinalaan na kabilang sa mga babaeng nakarelasyon noon ng aktor habang magkarelasyon pa sila ni Kathryn Bernardo.


Matatandaan na matapos i-unfollow ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla at ang iba pang sikat na TV personality, naglabasan na ang mga isyu ng pagloloko umano ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa ilang taong relasyon nila.


Bukod pa rito naglabasan na rin ang iba't-ibang pangalan ng ilang mga celebrities at personality na nasasangkot sa pangalan ng aktor kabilang na ang isang Vietnamese model na pinangalan na si Minh Phoung na kilala ring si Emma.


Ayon sa mga naglabasang isyu, naging sidechick umano ni Daniel Padilla si Emma nitong 2023 lamang habang hindi pa sila naghihiwalay ni Kathryn Bernardo. Palihim pa umanong nagkita ang dalawa sa Vietnam habang abala naman si Kathryn Bernardo sa kanyang mga appointments sa kanyang showbiz career.


Nag-umpisa ang lahat ng mapansin ng mga netizens na may isang Minh Phoung na patuloy na naglalike sa mga post ni Daniel Padilla sa kanyang Instagram. May mga naghinala pa na ang isang account na nakapangalang @Johnnymoonlightz ay ang sekretong account na ginagamit ni Daniel Padilla upang makipagcommunicate sa Vietnamese model.


Samantala, naglabas na ng pahayag ang Vietnamese model sa kanyang Instagram account sa gitna ng pagkakadawit niya sa isyu  ni Daniel Padilla. Nitong January 15, 2024 tuluyan nang binasag ni Minh Phoung ang kanyang katahimikan patungkol sa isyung may relasyon sila ni Daniel Padilla.


Ayon sa kanyang inilabas na statement, nagkakilala lamang sila ni Daniel Padilla at mga kaibigan nito sa isang bar sa Vietnam na pag-aari ng kanyang kapatid at yun lamang umano ang naging interactions nilang dalawa.


Nakikiusap rin siya sa mga netizens na itigil na ang mga pambabatikos sa kanya at maging sibilisado naman. Nakikiusap na rin siya na huwag namang umabot ang mga fans ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pagsira ng kanyang career at ang kanyang buhay.


Iginiit din ni Minh Phoung na isa siyang biktima ng mga tamang hinala at akusasyon na wala naman umanong pruweba.


May mga nakisimpatya naman kay Emma dahil wala naman talagang mga pruweba kundi pawang mga hinala lamang ang lahat, may mga nagsisisi ba sa ate ni Kathryn Bernardo dahil sa pagbabahagi nito ng mga cryptic post na siyang pinagmumulan ng mga isyu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo